"Welcome to my favorite place in Seoul—my home."
Kasabay nun, nagsibukasan lahat ng ilaw na meron ang lugar na yun na siyang nagpalaki ng mga mata ko. Nung madilim maganda na eh, mas gumanda lang nung nasindihan yung mga ilaw lalo naman nung boses mismo ni Adam ang nagkumpirma kung nasaan kami ngayon.
"Oh goodness what is this?!" napatakip lang ako ng bibig na parang akala mo nagpropose na ng kasal si Adam saken. Woooh! Yun naman lagpas Andromeda ng klase ng pangarap.
But seriously! Bawal mag-breakdown, Nine!
"Ahhhhh! Put away the camera" agad kong hinawi yung camera. Sobra na akong namumula sa lamig, dumagdag pa sa kagagawan ni Adam! Nakakahiyang makita ng sambayanan ang reaksyon ko sa mga oras na 'to.
"Haha. I can't just spill this one, Nins. I'm sorry." labas sa ilong yung apology ni Adam, dama ko talaga. Nakakainis 'tong lalakeng 'to. Tatanda ako ng maaga sa pinag-gagagawa niya! Para siyang isang malaking whirlwind na dumaan sa buhay ko!
Hindi ko na maigalaw yung mga paa ko at nabato lang ako sa mga oras na 'to. Sinusubukan akong tignan ni Adam pero hindi rin ako makatingin sakanya. Sobraaaang waaaaaaah~ OA na kung OA pero OA din kasi 'tong nangyayari sakin!
Diba planado lahat ng ito? Bakit hindi man lang ako naabisuhan?
Surprise nga teh, pag surprise ba inaabisuhan yung sosorpresahin?
"Hindi na natin naantay parents mo, but it's okay. You can come back here anytime" bigla kong naramdaman yung mga paa at katawan ko nang marinig yun, naalala niya lang naman yung usapan namin kanina— shocks! Oo nga no?! Parang sabi ko lang kanina, AS IF mangyari yun diba?
"Waaahhhhh!!!!!~ THANK YOU, ADAM!!!!!!!!!" at niyakap siya ng mahigpit.
**
Alam ko naman na excited na rin kayong malaman kung anong klaseng bahay meron si Adam. Ipagpaumanhin niyo kung hindi ko 'to mailalarawan ng maayos pero gagawin ko ang lahat ng aking makakaya! *aja*
Combination of black and white lang halos lahat ng kulay ng kagamitan niya sa bahay. Puti ang wallpaper niya, black yung floor niya, etong part ng living room niya I think is wood. And one thing is for certain: OBVIOUS NA ISANG BACHELOR ang nakatira dito, in a good way. Kasi sobrang ayos.
"You can use my room for tonight" sabi naman ni Adam habang busy siya sa pagpasok ng mga gamit namin sa isang kwarto sa may kaliwa.
"Uh, what. I can sleep here." Habang dinadama ang inuupuan ko ngayon. Sobrang laki ng sofabed nya. Bukod don, may single chair pa sya sa tabi at may dalawang cushions pa.
Hindi ko talaga pwedeng hindi mapansin yung TV niya dahil napatayo pa nga ako neto. Shocks, touch screen! Susyal! Sa likod nito ay may mga bookshelves siya. May libro, movies at yung iba games. Boys...
"Nine, you can change your clothes now. I suggest you take a shower. It's best especially after a rough day. I've already prepared the heater."
"Uhmmm.. Where's your shower room? I think I need a map. I might get lost."
"Hahah. I don't think so. Here's your towel. Follow me. There's my room on the left, your stuff are there."
"Sure?"
"Absolutely."
"Thank you."
Sobrang namangha naman ako pagpasok sa kwarto ng isang Adam Yoon. Ang linis talaga magdududa ka kung nagamit na ba ang kwartong ito. King size ang bed, ang sarap yakapin ng mga unan, nakatupi at nakalatag ng maayos ang comforter. Napanganga ako ng mapansin ang glow in the dark painting ng Santorini, Greece sa likod ng kama niya. Ang galing! Totoo ba talaga 'to? Huwaw *_* Ang wallpaper niya ay white, floor is black pero carpeted 'to unlike sa living room na wood.
BINABASA MO ANG
Week in a Lifetime Chance
Fanfiction***The #Wattys2015 winner for the Hidden Gem Award*** Geranine Tamonyera a.k.a "Nine", 100% cotton− in short, ordinaryo at simpleng tao na mahal na mahal si Lord, estudyanteng nagsusunog ng kilay sa pag-aaral para maabot ang kanyang mga mala-bituin...