"No, no! Why me? What's the big idea!??! Wag mo nako idamay dito, Adaaaaaam" halos tumalon na ako sa upuan ko.
"Nothing to be scared, Nins. I know you can do it." Nins? Gumawa daw ba ng nickname ko?! At mukhang kumpiyansa pa siya huh?!
"What is going on in here?"
"We'll be making a commercial." kalmado niyang sabi na akala mo kinakamusta niya lang yung araw ko. Nakakabaliw na 'tong si Adam ha, HINDI NA MAGANDANG BIRO 'TO!
"EH NASAN BA KASI YUNG KASAMA MONG YAN?! BAKA NA-LATE LANG!" OHA? Sila naman ang pokerface ngayon. Alien din ako no :p
But wait!
"She can't come because she's not feeling well."
"Pambihira! Lagnat lang pala eh, meron akong biogesic dito!" Parang nagcommercial na rin ako ah? Hahaha.
"What? Is that a yes?"
Talaga naman oo, sa lahat pa ng tagalog, eto pa talaga yung hindi niya naintindihan eh no. Pagkakataon nga naman.
"I'm not a professional actress or whatsoever, Adam! There's a LOT of better actresses out there!" Bakit ganun na lang yung kumpiyansa niya saken? Kilala niya ba ako ng tunay? Ayaw ko nga! Baka tapos na yung isang linggo namin, hindi parin ako makaalis sa Take 1. NO WAY.
"We need to decide fast in this kind of situation, Nine. We still have a day, you know. And I don't want anyone else. Besides, no lines included, it will be short and easy. No degree needed. Haha"
"But—"
"Okay, okay. Get her ready then!" sabay singit naman samin nung Producer. Hindi pa ako tapos magdeclaim dito eh! Desperado na ata siya at hindi na kumontra kay Adam. Waaaaaaah! Obvious naman sa itsura ko na wala akong experience sa ganito diba? Paghugasin niyo na lang ako ng plato o kaya pasagutan ng accounting problem!
...Ay binabawi ko na! Magaartista nalang ako, ayaw ko ng balikan pa ang masalimuot na alaala! Hahaha!
Wait! Nagpapanic pa ako diba? Itutuloy ko na sana yung speech ko ng nilayasan na ako ni Adam, NASAN NA YUNG KAUSAP KO?! Wala na rin naman akong nagawa pero bago ako pumasok sa isang kwarto para ayusan ay narinig ko ang paguusap ni Manager kay Adam.
"Adam, not to burst your bubble or to offend Nine but do you think she can really do it?"
Eto na ang pagkakataon na hinihiling ko. Please, Adam, magdalawang isip ka!!!!!!!!!!!
"Yes." one word was all it took. Nanlumo naman ako nun, seriously?!? *face palm*
Mula ng mahawakan ko yung script ng commercial hindi ko na ito nakuha pang bitawan. So para sa inyong kaalaman, it's a splitscreen love story. Tama nga si Adam, projection lang 'to ng expressions. Walang salitaan at yung messaging app na LINE ang ie-endorso dito ni Adam.
"Sir Adam, what do you think?" paglabas namin ng room.
"She's better without make-up though" seryoso yung mukha niya. And I think he's on his professional mode. Pero dapat ba akong ma-offend dun? Haha parang compliment eh.
"Light would do, Sir. So she won't look pale in the screen."
"Yeah, she's perfect" OK, compliment. Haha!
"Perfect's a big word. It doesn't fit me. I can't even do this." pahabol kong bulong sakanya sabay paghatak ko ng marahan sa dulo ng t-shirt niya. Tina-try ko talagang i-project ang pinaka-cute kong pagpout...
BINABASA MO ANG
Week in a Lifetime Chance
Fanfiction***The #Wattys2015 winner for the Hidden Gem Award*** Geranine Tamonyera a.k.a "Nine", 100% cotton− in short, ordinaryo at simpleng tao na mahal na mahal si Lord, estudyanteng nagsusunog ng kilay sa pag-aaral para maabot ang kanyang mga mala-bituin...