Ang ganda ng moves ko diba? Hinatak ko nalang sya papalabas ng bahay bago pa siya makatanggi ulit. Paano ko pa ba mababawi yung "Trust me" -ek ek ko kung hindi ko pa paninindigan 'to diba? Pagkalabas namin ay dumaan ako dun sa maliit na eskinita sa kabila ng compound namin. Dun ako dumadaan dati kapag tumatakas ako sa pag gala nung highschool at syempre para hindi kami maharangan nila Ko-PD ngayon.
"Nine, where we going?"
"Somewhere here-"
"I think this is not the right way."
"..."
"Will you please listen to me?"
"This is dangerous."
"Adam... Trust me-"
"Let's just go back... Please..."
Ayan kanina niya pa ako binubulungan ng mga ganyang bagay pero hindi na ako kumibo dahil nag-iisip ako ng mabilis kung paano kami makakapunta sa MOA nang hindi naaabutan nila Ko-PD. Oo, sa MOA ko siya dadalhin kasi malaki yun at para matagal kaming makapamasyal, baka kasi sa susyal na mall nila kami dalhin eh hindi naman ako komportable sa ganun.
Nakalabas na din kami sa wakas! Bigla namang bumitaw si Adam sa akin, dun ko lang napansin na hawak ko pala siya sa kamay, at pagkabitaw ay nauna siya sa paglalakad.
"Adam! Wait up! Alam mo ba kung saan pupunta?!?"
Ako din naman kinakabahan eh. Hindi ko alam kung bakit ako nagte-take risk. Gusto ko ba siyang ipahamak? Syempre hindi. Pero may gut feeling kasi talaga ako eh. Sinusundan ko pa rin siya at kailangan makasakay na kami!
"Uyyyyy, Adam. Sorrrryyyy naaaaaa. Kasi ano lang ehhh... ano lang..." ano nga ba? Hayst.
"Just tell me where to go."
Shemay. Nape-pressure ako, nasan na ba ang mga taxi kung kelan kelangan mo sila? Wala na akong choice kaya nagtricycle nalang kami. Pagsakay namin ay hindi niya pa rin ako tinitignan kaya naman sinubukan ko ulit siyang kausapin,
"Have you ever ridden uhmm a tricycle before?"
"Nope."
"So uhm, how is it?"
"Very noisy."
Pagbaba namin tumawid na kami sa mahabang overpass. Sobrang init pa. Naku, Adam... Sorry talaga :( Nakakatuwa man sa akin ng pasakayin siya ng bus, kaso mas masaya kung kinikibo niya ako. Pero paano naman mangyayari yun kung matagal bago kami nakasakay tapos puno pa yung bus? Kotang kota na si Adam sakin.
Ang awkward lang, oh my gosh, ginalit ko ba talaga si Adam Yoon? Pero kahit ganun, siya pa rin ang nagbayad nung tricycle kaya para makabawi ngayon, ako naman sana ang magbabayad nang pinigilan niya yung kamay ko tapos kinuha niya yung wallet niya at siya ang nagbayad.
Hindi pa rin siya nakibo. Bawiin ko nalang kaya?
"Uhm... If you really don't want to do this we ca-" Napakalakas ata ng preno si Kuya Driver at muntik na akong masubsob kung di lang niya lang ako nasalo.
And then I just realized what happened OH MY GOODNESS. Hinawakan niya ako ng mahigpit gamit ang isa niyang braso at inilapit pa ako sakanya habang yung kabila ay nakahawak ng mahigpit sa hawakan sa taas.
"Wag kang masyadong gumalaw." bulong nya sa akin. Super bango ng buong pagkatao nya *sniffs*
Dahan-dahan nalang akong tumango at hindi na nagtangkang kausapin pa siya. Nahihiya akoooooooo!
BINABASA MO ANG
Week in a Lifetime Chance
Fanfiction***The #Wattys2015 winner for the Hidden Gem Award*** Geranine Tamonyera a.k.a "Nine", 100% cotton− in short, ordinaryo at simpleng tao na mahal na mahal si Lord, estudyanteng nagsusunog ng kilay sa pag-aaral para maabot ang kanyang mga mala-bituin...