CHAPTER 4

88 22 7
                                    


꧁The only rose among the thorns꧂

Chapter 4: Akihiro and Cairo

•••••••••••

Cassidy Jean's POV

~~~Flashback~~~

It was a normal boring day for me. Wala akong magawa sa condo ko kaya lumabas ako para magpahangin. Seeing the outside world once in a while won't hurt. 

Nakaupo ako sa isang bench habang pinapanood ang unti-unting paglubog ng araw. "Kunti nalang at maggagabi na." Bulong ko sa sarili ko. The place is getting dark and fewer people are passing by.

*Sigh*

I need to go home soon... Let me just stay here for a bit. Eto lang kasi ang madalas kong pinupuntahan kapag nagsasawa ako sa condo ko. It's because this bench is facing the sun and it's under a big ass tree. It's calming...

Habang ninanamnam ko ang sarap ng hangin ay napaisip ako sa mangyayari anim na buwan mula ngayon. I'm going back to school... I really don't want to but Manang Helen and Mavy always tells me to do so. The more they encourage me to go back to school, the more fishy they get.

What's the point of going back to school if my life is as close to being pointless? It almost seems like my existence burdens the world.

'Cassidy please. Makakabuti sa iyo ang pumasok. Sinasabi ko ito sayo ngayon bilang nanay nanayan mo.'

Argh. Those words from manang Helen is such a drag. She knows I can't refuse. Napahilamos ako sa sarili kong palad. 6 months...

"Ha! Anong akala niyo? Makakaalis kayo dito ng buo? Tangina." Bigla akong nakarinig ng boses. San galing yun? Sumunod pa ang mga tawa na animong tuwang tuwa. May nag-aaway ba?

"Wengya. Anong akala ang pinagsasabi mo diyan? Sigurado ako. Makakaalis kami dito ng buo..." Ibang boses. Inilibot ko ang paningin ko sa paligid. Wala naman ng tao dito. It's just me, alone in this park. "... Tsaka ano bang atraso ko sayo? Eh ni hindi nga kita kilala."

"Malaki atraso mo bata. Inabot kami ng ilang linggo kakahanap sayo langya. Di pwedeng di kami makaganti."

Bakit ba ako nakikinig sa usapan nila? Tsk. Pinakinggan ko pang mabuti ang boses nila at nanggagaling yun sa likod ng Cr, malapit sa pwesto ko. Haysstt. Ano ba naman yan?!

Inis kong kinamot ang ulo ko. It's none of my business. Let's just rest here and not get involved. Pinikit ko ang mga mata ko at sinubukang wag silang pakinggan kaso anlalakas ng boses nila.

"Ano boss? Simulan na ba?"

"Mga duwag pala kayo eh. Dalawa laban sa isang dosena?"

"Ulol! Kung hindi niyo sana binangga ang isa samin, edi sana hindi rin kayo mapupunta dito."

"Damare konoyarou! Hindi ko kayo kilala."

Ang ingay nila. Puro bangayan pero walang suntukan. Satingin ba nila makakaganti sila gamit laway nila? Tumayo ako sa bench at nakapamulsang tumingin sa Cr. Nasalikod sila nun. Mahihirapang tumakas ang dalawa kung nasa bawat kanto ang mga kalaban nila. *Sigh* Wala akong obligasyong tulungan sila. Sila ang pumasok sa gulo, sila din dapat ang lumabas.

The Only Rose Among The ThornsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon