CHAPTER 16

70 13 0
                                    


꧁The only rose among the thorns꧂

Chapter 16: An unexpected revelation

•••••••••••

"Sky, kinilig ako sa ginawa ni Cj kahapon. Putek, ang gwapo niya palang talaga!" -Brianna

Cassidy Jean's POV

Kakarating ko lang sa school gate ng Fraud University tas bigla-bigla nalang bumuhos ang ulan. Kapag minamalas ka nga naman, wala akong dalang payong. Wala akong ibang choice kundi ang sumulong dun habang dala-dala ang bag ko. Ugh, this is annoying. Why do I have to protect my bag instead of protecting myself? Tsk.

Nagbilang ako sa utak ko bago tumakbo sa gitna ng ulan. Tangina, malayo pa naman yung Section F, nasa dulo ng paaralang 'to nakakainis.

Hindi paman ako nakakalapit sa building na kinabibilangan ko ay basang-basa na ako. Yung bag ko! Jusko! Water proof naman yung loob kaya okay lang pero ang hassle kasi kapag basa rin 'yong labas.

Ginamit ko ang navy colored blazer ko para pantakip sa bag ko. Galing diba? Ako yung nababasa.

Sinubukan kong magtingin-tingin sa paligid pero nanlalabo ang mata ko dahil sa ulan. Para akong sabog na naglalakad pero sigurado naman akong ako nalang mag-isa dito dahil start na ng klase. Kay ganda ng buhay. Umuulan na nga, late pa ako.

Nang marating ko na ang pinto ng Section F ay agaran kong binuksan 'yon at tumuloy ng hinihingal.

"Haaa...."

Wala na akong pake sa paligid ko, bahala na kung nandyan si sir Arthur, hayaan niya muna akong habulin ang hininga ko.

Nanatili akong nakayuko ng ilang segundo. Wala rin naman ni isa sakanila ang sinubukan akong suwayin.

Kingina, kanino ba kasing ideya ang paglagay sa section F dito sa pinakadulong parte ng Fraud University? Sarap sapakin eh. Tuwing umaga tuloy, hindi paman nagsisimula ang klase ay ubos na ang energy ko tsk.

Matapos mahimasmasan ay agad kong hinanap si sir Arthur. Hihingi sana ako ng paumanhin pero wala siya. Hindi ba siya pumasok?

Napatingin ako sa mga kaklase ko at nagtaka sa mga expression sa mukha nila. Para silang nakakita ng multo habang nakatingin sakin. Multo ba ako? Hindi diba? Tsk. Kahit si Nathan at Raven, gulat rin na nakatingin sakin.

Hindi ko na natiis at tinanong ko na sila kung ano ang problema. "B-bakit?" Nautal pa.

Nagulat ako ng mabilis silang tumayo lahat, hinubad ang blazer nila at binato sakin 'yon ng sabay-sabay. Natumba ako dahil 'don. Put a tang in a juice. Ano bang problema ng mga 'to?!

"Ano ba?!" Singhal ko sakanila at sinubukang alisin ang sandamakmak na blazer sa ibabaw ko pero agarang tumalon si Cairo sakin habang nanlalaki ang mata.

Ambigat niya! Dati ba 'tong gago?!

Pinaalis ko siya sa ibabaw ko na ginawa naman niya. Ayon nga lang, ganon parin ang mukha niya, nilang lahat.

May mali ba sakin? May ipis ba sa buhok ko? Namali ba ako ng suot? Namumutla? Ano?!

"T-tell me what's wrong... Why do y'all look so s-surprised?" Sa sobrang kaba ko, hindi na ako makapagsalita ng tama.

Lumapit si Raven at Nathan sakin. Pinantay nila ang paningin nila sa pamamagitan ng pagluhod tsaka pumulot ng kung ano mang blazer na makita nila at inikot 'yon sakin.

Matapos nun ay lumayo sila ng unti. Sinenyasan nila ang buong section F at sabay-sabay silang lahat na tumalikod. "Pumasok ka sa Cr, k-kita yung bra mo."

The Only Rose Among The ThornsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon