꧁The only rose among the thorns꧂Chapter 34: Denver's birthday
•••••••••••
Cassidy Jean's POV
Nasamall kaming tatlo nina Austin at Tristan ngayon, kumakain sa food court. Kanina pa kami libot ng libot pero hanggang ngayon, wala parin kaming mahanap na perfect gift para kay Denver. We're all already exhausted. Letcheng 'yan kasi. Lahat ng nandidito sa mall, meron na si Denver.
"Ano ba kasing material na gamit ang wala pa sa taong 'yon? Lahat yata ng mamahaling gamit, napasadahan na ng mga kamay niya." Parang nawawalan ng pag-asang sambit ni Tristan.
Ako man na hindi sumusuko agad, malapit na ring mawalan ng pag-asa.
Material na gamit... Mamahaling bagay... Hay... Bakit ba napakahirap niyang hanapan ng regalo?
"Wala ba siyang mga hobby or mga iniidolo? Usually kasi meron 'yon eh." Tanong ko sakanila. Kumpara sakin ay mas matagal na nilang kilala si Denver kaya paniguradong marami silang alam sakanya.
Nag-isip silang dalawa at wala sa sariling napailing. "Wala eh." Sagot ni Austin.
Sabay na lumaylay ang mga balikat namin. Parehas kaming nawawalan na ng ideya sa kung anong bibilhin. Pwede bang pagmamahal nalang Denver?
---Monday---
"Cj!" Tinawag ako ni Denver habang papalabas na ako sa school gate, lumingon naman ako sakanya at nginitian siya. Uuwi na sana ako dahil ayoko muna siyang makita. Nae-excite ako para sakanya e.
*Sigh*
"Oh?" Sagot ko.
Don't act too excited, okay? Hindi porket may regalo ka na sakanya, may karapatan ka ng mas ma-excite kesa sa kanya.
Halata ang excitement sa mukha niya habang papalapit, para bang nangangati sa kung ano mang gustong sabihin. Hindi mapawi ang ngiti sa labi, abot mata. "Pauwi ka na?"
"Yeah...you?"
"Ganon rin." Sumabay siya sa akin sa paglalakad, hinayaan ko naman siya.
Bukas na ang birthday ni Denver at abalang-abala ang section F. Hindi nila sinasabi sakin pero sinasabi ng dalawang duwende sakin ang lahat. Kesyo busy sila kakahanap ng puwedeng iregalo kay Denver, mga inihanda nila para sakanya, anong susuotin nila at kung ano-ano pa. Kulang nalang palitan nila si Denver bilang birthday boy e psh. Ganon yata talaga sila tuwing may nagbi-birthday sakanila. Ganon sila nung kay Stell e. Balita ko'y nagcelebrate sila sa kung saan nun.
"Cj..." Tinawag niya na naman ako kaya tumingin ako sakanya. Masyadong masaya ang loko, nagpipigil parin ng ngiti. "...iimbitahan sana kita sa birthday ko, bukas."
Agaran akong nahinto sa paglalakad. "A-ako?" Sabay turo sa sarili.
"Oo."
Takte!
"Pwede ba akong humindi?"
"Hindi."
"P-pero--"
"Magtatampo ako sayo kung hindi ka pupunta hehe. Yun lang bye!"
Ni hindi niya man lang ako binigyan ng chansang makapagsalita. Agaran siyang tumakbo palayo habang kumakaway, naiwan akong parang binagsakan ng langit at lupa.
BINABASA MO ANG
The Only Rose Among The Thorns
Teen FictionIf you found out that you're the only girl in a classroom filled with boys, what would you do? You usually think of transferring or leaving that section, right? But what if they they think you're a male, too? For Cassidy Jean Merkel's case, it was...