꧁The only rose among the thorns꧂Chapter 38: Halloween
•••••••••••
Cassidy Jean's POV
*Ring* *Ring*
"Hmm..." Marahan kong iminulat ang mga mata ko upang hanapin ang cellphone ko. Kanina pa kasi ito tunog ng tunog, naiistorbo ang pagtulog ko.
Nang makapkapan ito sa bed side table ay pinulot ko kaagad at sinagot ang tawag. I didn't bother to look who's calling me. I just straight up picked it up and asked. "What?"
"Anong what?! Hoy! Pumunta ka na dito, ikaw nalang ang inaantay!" Singhal ng nasa kabilang linya.
Kaagaran ko itong inilayo sa tenga ko dahil sa lakas ng boses niya. Ansakit sa tenga!
"Who the f*ck is this?" Iritadong tanong ko.
"Kababae mong tao ang hilig mong magmura! Si Cairo 'to!" Sagot niya naman.
Mabilis akong tumayo't nag-unat. It's still morning for god sake! Lakas naman yata ng loob nitong batang 'to?
Gigil kong inilapit sa bibig ko ang cellphone at kunot-noong sinabi ang mga sumusunod na salita. "Maghanda ka sakin. Ililista kita sa mga taong papatayin ko."
Narating ko na ang lugar kung san nila ako inaantay at unang hinanap ng mga mata ko si Cairo.
Lagot sakin ang batang 'yon.
Nahagip ko siyang nakikipag-usap kay Hiro. Siguro mga walang kwentang bagay na naman ang pinag-uusapan nila. Nang makita ako'y umakma pa siyang tatakbo pero bago pa man mangyari 'yon ay nahawakan ko na ang kwelyo niya.
"How dare you disturb my sleep you little shrimp?" Gigil kong tanong.
Naalarma ang iba at mabilis akong sinubukang ilayo kay Cairo. "Woah woah easy!"
Hindi ako nagpumiglas at hinayaan lang silang hilahin ako palayo kay Cairo. Kalaunan naman ay kusa lang ring lumapit si Cairo sakin at inagaw ang kamay ko mula sakanila.
"Hayaan niyo muna. Ayaw niya kasi talagang ginigising siya." Saad niya, halatang sanay na.
Tama siya. I hate it when someone disturbs my sleep. Minsan lang ako nakakatulog ng mahimbing, sana man lang hayaan nila ako diba? Ang tanging nakakasurvive lang sa paggising sakin ay si Manang at si Mavy, wala nang iba. The rest? They'll received a nice ass scream from me or some threats.
Bumaling si Cairo sakin at ngumiti ng abot mata. "I'm sorry, alright? Alam ko kasing hindi ka pupunta dito kung hindi kita gigisingin. Ayaw mo nang ginigising ka diba? Kaya paniguradong pupunta ka dito para patayin ako." Tumawa pa ang loko.
Yun nga lang, mabilis lang ring maibsan ang inis ko.
Napabuga nalang ako ng hangin. "Bilhan mo 'kong durian shake."
"Aye aye captain!"
Naglalakad kami ngayon at naglilibot sa buong school. As expected, maraming mga naka-halloween costume. May ibang bampira ang pinili, paniki and even a ghost. To be honest, they look good. It suits them pfft! Mukha silang mga tangang pinagtripan ng mga pinagtatrabahuan nila.
Sumipsip na naman ako sa durian shake ko at tinitigan ang mga lugar na hindi ko pa napupuntahan sa paaralang 'to. Marami pa rin pala akong hindi napupuntahan. Buong akala ko nalibot ko na lahat. Masyado rin naman kasing malaki ang lugar na 'to. Tila may problema ang gumawa at ibinuhos dito lahat ng emosyon.
BINABASA MO ANG
The Only Rose Among The Thorns
Teen FictionIf you found out that you're the only girl in a classroom filled with boys, what would you do? You usually think of transferring or leaving that section, right? But what if they they think you're a male, too? For Cassidy Jean Merkel's case, it was...