꧁The only rose among the thorns꧂Chapter 40: Cj's food
•••••••••••
Cassidy Jean's POV
Nakatitig ako sa mga pagkaing ginawa ko ngayon. Taena, masyado ko yatang ginalingan. Nagmukha tuloyng gustong-gusto ko silang gawan tsk. Bakit ko ba kasi nilagyan ng disenyo?
~~~Cassidy a few hours earlier~~~
"Oh... This looks good." Nasabi ko matapos lagyan ng design ang pagkaing ginawa ko. I made it extra special because duh, it's mine, but I didn't expect it to look this good.
Tinapunan ko ng tingin ang iba pang mga pagkaing ginawa ko at nagkaroon ng ideya sa utak.
S-should I...
No, don't.
Please don't.
~~~Present~~~
F*ck.
Napapikit ako ng mariin upang burahin ang memoryang 'yon sa isip ko. I got carried away. Masyado akong nalibang sa pagde-design kaya nakalimutan kong para sa mga tukmol ang pagkaing pinapaganda ko. Damn it, I'm gonna carry all of these all the way to our classroom? Hell no! I can already imagine my face while carrying it. Bale sampung lunch box ang nakalagay sa harap ko ngayon, kasama na yung akin.
Why am I doing this?
Napabuntong-hininga ulit ako.
"Need help?" Sarkastikong sulpot ni Mavy sa gilid ko, halatang tuwang-tuwang nakikita akong namomroblema.
"No thanks. A help from you isn't worth it." Malditang sagot ko at nilampasan siya.
You know what? Whatever. Iiwan ko nalang 'to dito tas ako ang kakain mamaya tsk.
---School---
Walangya, nakakahiya! Pinagtitinginan na naman ako ng mga estupidyante! Anlaking bag ba naman ang bitbit ko tangina! At sa lahat ng araw na hindi nila ako kayang hintayin, ngayon pa talaga?! Hindi ko sila nakita sa waiting area kanina! Yun na nga lang ang hinihiling kong kapalit, wala pa ni isang sumulpot.
Sarap huminto, tumalikod at umuwi. 'Di porket mabait ako, aabusuhin na nila ako ng ganito ah? Tsk. Eto na naman ako sa puro salita, wala sa gawa. Lagi nalang taliwas sa iniisip ko ang mga aksiyon na ginagawa ko. Ba't ganon? Pinanganak ba akong gago?
"Why is he carrying all that?"
"OMG. 'Di kaya'y binubully na naman siya ng section F?"
"Huh? Bakit naman? E ayos na siya sa iba diba? Anyways ampogi niya."
"Landi-landi tsk."
Nakayuko akong nagpatuloy sa paglalakad. Ayokong marinig ang mga bulungan nila na sa sobrang lakas, pwede ng pumalit bilang announcer. Nagbubulungan pa talaga sila sa lagay na 'yan ah? Salamat! Nakakagago kayo ng tenga. Galing-galing makichismis sa iba, hindi naman marunong magsalita tuwing oral recitation na.
Para namang sumasagot din ako hahaha!
Nasaganoon akong posisyon nang may bigla nalang sumulpot sa tabi ko. Hindi ko sana papansinin pero sapilitan niyang kinuha ang bag na bitbit ko. Natural, binalingan ko ang taong 'yon ng may naguguluhang tingin. "What are you..."
BINABASA MO ANG
The Only Rose Among The Thorns
Teen FictionIf you found out that you're the only girl in a classroom filled with boys, what would you do? You usually think of transferring or leaving that section, right? But what if they they think you're a male, too? For Cassidy Jean Merkel's case, it was...