꧁The only rose among the thorns꧂Chapter 15: Arcade
•••••••••••
Cassidy Jean's POV
"Hi Cj! I'm Brianna. Nice to meet you." Nakipagkamay ako sakanya matapos ang batian. Kakabalik lang nila Atticus mula sa lugar na wala akong alam. Aba'y malay ko. Nasa parking lot lang kami kung san maraming sasakyan. Parking lot nga diba?
Habang nakatingin sa mukha ni Brianna ay di ko naiwasang humanga. Hindi naman sinabi ni Sky na napakaganda pala ng babaeng ito. Model ba to?
Lumipat ang paningin niya mula sakin, papunta kay Sky sabay sabing "...napakagwapo naman pala neto." Napalakas ang pagkakasabi niya non.
Agaran siyang siniko ni Sky at awkward na ngumiti sakin. "Tanga, nakakaintindi yan."
"H-ha? Ba't di mo sinabi agad?!" Tumingin ulit siya sakin at nagpaumanhin. "...sorry."
"Okay lang..."
Natahimik kaming lahat matapos ang usapang 'yon. 'Yon na 'yon? Kung ganon ay uuwi na ako.
"Bakit parang ang awkward?" Atticus also sounded akward while saying that.
Ang galing niya naman, napansin niya tss. Ano ba naman 'to? Hanap ka nga ng topic Cj dali! Ano bang itatanong ko?
"Where are we headed to?" I asked out of the blue. E 'yon unang lumabas sa isip ko e!
"Uh.. right. Punta tayo sa mall malapit dito. Laro tayong arcade!" Sumigla bigla si Sky. Tignan mo 'to, bilis magbago ng mood.
"Sakin na kayo sumakay." Presinta ni Atticus. Talaga? Akala ko tatakbo lang siya pina-naruto style hahahaha. Umagree ang dalawang babae pero hindi ako. May dala akong motor eh, alangan namang iwan ko.
Nagpunta ako sa pinakahuling parte ng parking lot kung san nakapark ang motor ko. I made sure it's unnoticeable beause I'm afraid Section F might notice this and do something to it. Di na ako nagpatumpik-tumpik pa, boom karaka-raka. Sumakay ako at agad silang binalikan.
Kita ang pagkamangha at gulat sa mga mukha nila nang makita nila ang motor ko. Astig diba? "Ang galing pre!" Excited na sigaw ni Atticus. Psh, smol tings.
"Tara na?" Aya ko na sinang-ayunan nila.
Ang plano ko talaga ay ang sabayan sila sa pagpapatakbo. Ang kaso, nakalimutan kong kasama ko sila at nacarried-away ng unti. Nauna ako sakanila at kinailangan kong maghintay sa mall kung san kami magkikita.
"Hoy Cj, magpapakamatay ka ba?!" Bungad ni Sky sakin ng makarating sila sa mall. Takte, sabi ng manenermon to e. "...kita mo bang hinahabol ka ng mga pulis don?! Ha?! Sa sobrang bilis mo magpatakbo, hindi ka nila naabutang kumag ka! Kung magpapakamatay ka, wag naman yung kasama mo kami!"
"E kas--"
"Pano kung nakabunggo ka ng truck?! Ha?! Pano kung may nasagasaan ka?! Pano kung may lasing at aksidente kang nabangga?! Ano yon?! Sorry goodbye nalang?! Langyang lalaki to!"
Tiklop ako dun ah.
Patuloy siyang nagsalita at pinagalitan ako habang ako naman ay nakatitig lang sakanya. Hindi ako makapagsalita. Hindi niya kasi ako binibigyan ng oras na makapagsalita. Ganto pala kabahan 'to? Parang mas nakakakaba pa ang reaksyon niya sa ginawa ko kanina. You can clearly see how mad she is at me. Yun nga lang, eto 'yong tipo ng galit na hindi nakakainis. Eto kasi 'yong bagay na hindi nagawa ni Mom para sakin.
BINABASA MO ANG
The Only Rose Among The Thorns
Teen FictionIf you found out that you're the only girl in a classroom filled with boys, what would you do? You usually think of transferring or leaving that section, right? But what if they they think you're a male, too? For Cassidy Jean Merkel's case, it was...