꧁The only rose among the thorns꧂Chapter 43: Cairo's birthday
•••••••••••
Cassidy Jean's POV
I'm currently at the place where I first got lost, nakaupo sa bench at malalim ang iniisip. It's not that I forgot about it, I just pretended that I did. Birthday na ni Cairo bukas and I don't know what to give him. Wala naman kasi siyang pinapakitang gusto niya sa mga nagdaang araw. I've been observing him for a while now pero masyado na siyang kontento sa kung anong meron siya ngayon na kahit anong bagay, hindi niya man lang masabing gusto niyang bilhin. It's giving me a headache. Wala akong pake kung mamahalin ang gusto niya as long as meron. Ang kaso, wala talaga. Wengya. Anong gagawin ko? Di pwedeng mag-birthday 'yon ng wala akong regalo.
Napabuga ako ng hangin kasabay ng pagtingin ko sa paligid. Hinayaan ko rin ang sarili kong maging komportable sa bench na inuupuan. It's not like a lot of people visits this place. Parang ngayon na nga lang ako nakabalik dito mula ng ewan ko. Hindi ko na matandaan. Nakakapagtaka lang kasi kahit anong tagal ko ng 'di makabalik dito, palaging malinis ang bench. Meron pa sigurong bumibisita dito maliban sakin.
Isa lang ang masasabi ko. Maganda ang lugar na 'to pangbigti. Huh? Woy Cassidy focus! Nandito ka para mag-isip ng ireregalo sa kaibigan mong baliw. Bigti-bigti ka diyan.
Last subject na kasi namin sa umaga. Walang plano pumasok ang guro kaya lumabas nalang ako't nagtungo rito. Ang nakakatawa pa, nakasalubong ko 'yong teacher namin sa daan, nakikipagchismis sa kapwa niya guro. Sa mukha niya pa lang kanina, halatang pinagsasalitaan niya kami ng masama kaya hindi siya pumasok.
Edi wow. Kayo na perpekto.
Naturingang guro, hindi naman professional hmp. Pero andumi rin naman kasi ng classroom namin, parang hindi tao ang mga nandon. I mean--hindi naman talaga sila tao. Halimaw sila tsk. Mahirap nga naman turuan ang mga halimaw, lalo na't wala ni isang nakikinig. Dalawang guro lang ang pinapakinggan ng section F. Si sir Arthur at ang soon to be jowa niyang si Miss Vega.
"Buhay nga naman, parang life." Bulong ko sa hangin. Bakit ba? Tropapips kami eh.
Inayos ko ang upo ko't pinisil-pisil ang mukha ko. Ba't ba kung san san lumilipad ang isip ko? Focus sa goal Cj ano ba! Nagpatuloy ako sa paggalaw ng pisnge ko at ng makuntento'y binitawan 'yon. Gising nako. Kailangan kong mag-isip ng maiiregalo. Tama! Ganon dapat!
Bumalik ako sa pagmumuni-muni. I was in deep thought nang bigla nalang may humawak sa pisnge ko. Wait--WHAT?! May humawak sa pisnge ko?! Naestatwa ako sa kinaroroonan ko. T-teka lang naman. Jusko po. Galing sa likod ang humawak at medyo malamig ang kamay. Posible bang m-m-multo?! M-may multo?!
Lilingunin ko na sana nang bigla siyang magsalita. "Is your cheeks really that smooth for you to be touching it like a jelly?"
S-si Raven. Thank you, lord! Si Raven lang pala! Ackk!
Para akong maiiyak sa sobrang pagpapasalamat. 'Yong hininga kong kanina ko pa hugot-hugot, naibuga ko na ng mapayapa. Kingina talaga nitong lalaking 'to, siya magiging rason ng pagpanaw ko.
Marahan niyang pinisil ang pisnge ko. Dahil dun ay napaangat ang paningin ko sakanya. "Will you please let go of my cheeks?"
"Why? You were holding it like this earlier." Sabi niya't muling pinisil ang pisnge ko.
"Let go."
"No."
"I said, let go."
BINABASA MO ANG
The Only Rose Among The Thorns
Teen FictionIf you found out that you're the only girl in a classroom filled with boys, what would you do? You usually think of transferring or leaving that section, right? But what if they they think you're a male, too? For Cassidy Jean Merkel's case, it was...