꧁The only rose among the thorns꧂Chapter 23: Seat arrangement
•••••••••••
Cassidy Jean's POV
"Take this." Inabot niya sakin ang dala-dala niyang pagkain. Napapalunok ko naman siyang tinitigan.
N-nananaginip ba ako? Totoong tao ba itong nasaharapan ko? Anong klaseng kagaguhan ang nangyari dito? Baka may masamang nakain?
"Stop staring at me, C-cassidy." Iyon ang sinabi niya pero hindi ko magawa, nanatili parin ang paningin ko sakanya. Takte, anong sasabihin ko? Hinintay ko nga siyang lapitan ako pero ngayong nasaharap ko na siya ay natameme ako.
Tsaka tinawag niya ba talaga ako sa totoo kong pangalan? Halatang may pag-aalangan sa boses niya pero pinilit niya talaga. Siguro hindi niya alam kung ano ang itatawag niya sakin ngayong alam niya na ang katotohanan, gayun paman ay mas minabuti niyang tawagin ako sa tunay kong pangalan.
Humugot ako ng malalim na hininga at malakas din na ibinuga 'yon. "Denver I--"
"About that, can we eat first?"
Bumaba siya sa rooftop at nang magbalik ay may dala na siyang lamesa at upuan. The next thing I know, magkaharap na kaming dalawa at nakahanda na ang mga pagkain sa lamesang kinuha niya kung san.
Napalunok ulit ako. Jusko po, pang-ilang lunok ko na 'to? Sobrang bilis ng tibok ng puso ko sa hindi malamang dahilan. Kinakabahan ba ako? Bakit? Baka dahil ito ang unang beses na magkakausap kami magmula ng araw na iyon.
"What are you doing? Eat."
Napansin niya yatang nakatitig lang ako sakanya. Bumaba ang paningin ko sa mga kamay niya at napansin ang panginginig niya. Palihim akong napangisi. Akala ko ako lang ang hindi mapirme, siya rin pala. Pfft nanginginig ang kamay niya sa bawat pagsubo niya.
Pinulot ko ang plastic na kutsarang dinala niya at diretsong isinubo ang pagkaing nakahanda. Sa totoo lang, gutom ako. Hehe, ayoko lang talaga pumunta sa Cafeteria.
Sa kalagitnaan ng pagkain ay dun siya nagsimulang magsalita. "Cj--I mean, Cassidy. Uh..."
"It's fine to call me Cj. It's just the initial of my name after all."
"Right... So uh..."
Nag-iwas agad siya ng paningin kahit na hindi niya pa natatapos ang sinasabi niya. Pfft, feeling nervous too, I see. Kung magpapatuloy siyang ganito ay walang mangyayari sa usapan namin.
*Sigh*
Kasalanan ko naman kaya ako ang dapat na unang magsalita, hindi siya. "Denver..." Binalik niya ang paningin niya sakin nang tawagin ko ang pangalan niya. "...I'm really sorry for pretending as a male. You must've been so shocked and...felt... weird... specially because you thought I was a guy and befriended me. It was never my intention to fool you but some things needed to be done so I could protect myself."
"Protect yourself?"
"Yeah. I can't specifically say it now but it's something important."
Napayuko siya sa mga kamay niya. "Cj alam mo kasi... Hindi pa ako n-nagkaroon ng kaibigang babae. My mom said girls were dangerous so I always avoided them. Hindi ko alam kung papano ka kakausapin ng malaman 'yon...." Inihilamos niya ang palad niya sa mukha niya. "...and I even did a bunch of things that shouldn't be done to a girl. Including that time at the mall when I asked you if you were... M-masturb--argh!"
BINABASA MO ANG
The Only Rose Among The Thorns
Teen FictionIf you found out that you're the only girl in a classroom filled with boys, what would you do? You usually think of transferring or leaving that section, right? But what if they they think you're a male, too? For Cassidy Jean Merkel's case, it was...