꧁The only rose among the thorns꧂Chapter 47: Hiro's birthday & her thoughts
•••••••••••
Cassidy Jean's POV
"Argh! Ansakit ng ulo ko! Ambigat ng katawan ko! Wala akong ganang pumasok! Gusto kong matulog!" Sunod-sunod ang naging pagsigaw ko matapos bumangon mula sa pagkakahiga. Wala akong pakealam dahil ako lang naman mag-isa sa condo. Wala akong magagambala.
\\(*'O'*)//
Napagod ako sa ginawa ko kagabi takte. I stayed up all night tryna learn how to cook Akihiro's favorite dish. Birthday ng gagong 'yon ngayon e naks. Hindi niya naman ako inutusang aralin ang paborito niyang pagkain pero nagkusa parin akong aralin. Bakit ba? Gusto ko siyang pasayahin e tss. Dagdag kaalaman na din.
I stretched my arm bago muling humikab. Sinusubukan kong ibuka ang mata ko kaso mas madali yatang panatilihing nakapikit 'yon. Eme hahaha uy baka akalain niyong biro 'yon ah. Nahihirapan talaga ako. Halos hindi nga ako makagawa ng iilang hakbang sa sobrang pagod ng katawan ko. Para akong zombie kung maglakad. Gayunpaman, dumiretso pa rin ako sa banyo at hinanda ang sarili ko para sa araw.
Nang matapos ay una kong tinawagan si birthday boy. "Kumain ka na?" Bungad ko.
"Hindi pa, bakit?" Sagot niya sa kabilang linya.
"Hintayin mo 'ko sainyo. Wala parents mo diba? Ipagluluto kita." I ended the call.
Kinuha ko ang mga gamit na kailangan ko at matapos ay nagtungo na sa bahay nila. I rang the doorbell and good thing siya ang bumungad sakin. The thing about their house is it's very traditional. Yung tipong malalaman mo agad na Japanese ang mga nakatira. Tatami mat flooring, sliding doors, and wooden engawa verandas. Ganon ang bahay nila.
Bet na bet ko naman dahil anime feels.
Sobrang rami ng tauhan sa bahay nila. Marami kasi silang maid dahil spoiled brat ang isang 'to. Siya lang mag-isa ang anak ng mga Fujita. 'The only successor' ika pa nila. Nakaka-pressure siguro ang ganon no? Malamang! Nae-experience ko nga first hand e.
Akihiro led me to their dining area and there, I found no one. Syempre nagtaka ako. Usually kasi andito na yung mga 'yon upang asikasuhin siya.
"Nasan ang mga maid niyo?" Tanong ko sakanya.
He shrugged his shoulders. "Pinaalis ko."
"What? Why?"
"Ayokong madistorbo eh." Napaface palm ako sa isinagot niya. See y'all? I told you he's a spoiled brat. "...What're you gonna cook anyway? It's literally 6 in the morning."
Inilabas ko na ang mga ingredients na bitbit ko galing condo. Hindi naman ganon karami ang dala ko kaya hindi ako nahirapang dalhin dito. Tutok na tutok si Hiro sa mga nasa-table kaya't binugaw ko.
"Mag-antay ka na lang dami pang satsat. Maligo ka na muna." Tinulak ko siya palabas.
"Psh fine." Labag sa loob na aniya. "...Go straight and you'll find our Daidokoro."
"Daido--what?"
"I meant the kitchen."
May madali naman palang salita, pinahirapan pako...
Tinanguan ko nalang siya sabay taboy sa pagmumukha niya. Chada! Hindi na magiging surprise kung papanoorin niya akong magluto mwhehehe. Kaya't iniwan niya na akong mag-isa. Wala eh. Mag-isa tayo habang buhay hanggang mamatay.
BINABASA MO ANG
The Only Rose Among The Thorns
Teen FictionIf you found out that you're the only girl in a classroom filled with boys, what would you do? You usually think of transferring or leaving that section, right? But what if they they think you're a male, too? For Cassidy Jean Merkel's case, it was...