CHAPTER 12

63 12 0
                                    


꧁The only rose among the thorns꧂

Chapter 12: Nightmare

•••••••••••

Cassidy Jean's POV

"Wala kang kwenta! Purong away nalang ang inaatupag mo!" Isang malakas sampal ang naging kasunod ng mga katagang yun. Nagulat ako dahil yun ang unang beses na ginawa niya 'yon. Inangat ko ang paningin ko sakanya at kitang kita sa mukha niya ang galit at disappointment.

Dad....

Binalik ko sa pagkakayuko ang ulo ko at nagpatuloy sa pag-iyak. A-anong ginawa ko? Ano bang naging kasalanan ko? Hindi ko matandaan.

Unti-unting kong iminulat ang mata ko at pader ang una kong namataan, isang puting pader.

A dream...?

No.

A nightmare...

Napahawak ako sa mata ko dahil nakaramdam ako ng likidong tumutulo. L-luha.

Umiiyak ba ako?

Inihilamos ko ang palad ko sa mukha ko para alisin ang luha sa mata ko. Basang basa, mukhang kanina pa ako umiiyak sa bangungot na yun.

'Wala kang kwenta! Purong away nalang ang inaatupag mo!'

Napahawak ako sa pisnge ko nang makaramdam ng kaunting kirot. P-parang totoo... Kingina... Dama ko yung hapdi sa kanang pisnge ko.

Umupo ako mula sa pagkakahiga at pinagmasdan ang mga bituin mula sa kama ko. Kung anong ganda ng mga butuin, siyang pangit naman ng buhay ko.

Wengyang buhay 'to.

Nangyari nga kaya ang bagay na 'yon? Para kasing totoo eh.

Pero wala naman akong natatandaang pangyayari na ganon.

Was it really just a dream?

Habang nakatulala sa kawalan ay hindi ko inaasahang bubuhos ulit ang luha ko. Inakap ko agad ang tuhod ko at itinago ang mukha ko dun.

Kahit na panaginip lang 'yon, aaminin kong nasasaktan ako. Parang tinutusok ng libo-libong karayom ang puso ko sa sakit. Hindi ko maintindihan at hindi ko rin maipaliwanag. Basta't ang alam ko lang nasasaktan ako.

Siguro dahil rin 'yon sa katotohanang nangyari nga ang ganong pangyayari noon. Kahit na iba ang rason nun, sing lakas at sing sakit ng nararamdaman ko ngayon ang naramdaman ko ng mga panahong 'yon. Baka nga higit pa.

Hanggang ngayon hindi ko parin malimutan kung gaano kalakas ang pagsampal niya sakin.

"S-sa lahat ng tao sa mundo, bakit sakin kinailangang mangyari to?" Gumaralgal ang boses ko habang binubulong yun.

Panay pahid ako sa luha ko pero panay rin ang pagtulo nun, nagkukusa at tuloy-tuloy. Animong maraming stocks at hindi nauubusan. Argh, this is so lame.

Sa sitwasyon kong 'to parang naghihintay nalang akong mamatay. Wala na nga yatang punto ang pagtatago ko mula sa kanya eh. Mahahanap at mahahanap rin ako ng matandang yun.

Mabuti sana kung hinahanap niya ako para bumawi siya sa mga pagkakamali niya. Ang kaso, balak niya pa yatang dagdagan.

Hay nako!

Naawa na talaga ako sa sarili ko. Dagdag pa ang sakit sa ulong binibigay ng section F. I'm in the most painful section I could ever be and the fact that I can't change my section is a big ass sucker.

The Only Rose Among The ThornsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon