CHAPTER 24

70 10 0
                                    


꧁The only rose among the thorns꧂

Chapter 24: Servant

•••••••••••

Cassidy Jean's POV

Iminulat ko ang mga mata ko kasabay ng pagtayo at paghikab. Naroon na agad si Mavy sa sofa ng kwarto ko, nakatingin sa akin habang bahagyang nakatabingi ang ulo. Hindi siya nagsasalita pero parang may gusto siyang sabihin.

"Why are you here?" Naglakad ako patungong banyo at huminto sa may pinto. Hinintay ko ang isasagot niya. "I... I heard that todays the day you'll--"

Napabuga ako ng hangin bago niya pa matapos ang sasabihin niya. Great, thanks for making me remember tsk. Nakalimutan kong nakuwento ko nga pala sakanya ang tungkol sa bagay na 'yon.

"Don't worry about it." Tuluyan na akong pumasok sa banyo at naligo.

Nang maramdaman ang kalamigan ng tubig sa buo kong katawan ay para akong kinikiliti. Hanggang ngayon talaga, hindi pa rin ako nasasanay sa lamig ng tubig.

Marahan kong iniangat ang ulo ko para maramdaman sa mukha ko ang lamig. "Damn it. Why the hell do I have to follow that guy?"

Nang matapos ako ay lumabas agad ako para kumain. Ayon na naman ang tingin ni Mavy na parang sinusuri ang bawat reaksyon sa mukha ko. Ultimo pagnguya ko, pinagmamasdan niya.

"Stop staring at me." Suway ko sakanya ng mapuno. Nakakadistract e, hindi ako makakain ng maayos.

Inalis niya ang paningin niya sakin at tumingin sa ibang direksiyon. Ang kaso, patuloy pa rin ang pagsulyap niya.

*Sigh*

You know what? Whatever. Let her be.

"Cassidy, please take care." Bakas ang pag-aalala sa mukha ni Mavy ng makita akong paalis na.

"Mavy, it's no big deal. Calm down."

"I can't help it. Naaalala mo pa naman siguro yung araw na wala akong pasabing pumunta dito sa condo mo tapos naabutan kita ditong may sugat sa tuhod at basang-basa? Sunod-sunod na pala na nangyayari sayo 'yon pero ni isang beses ay hindi mo sinabi sakin."

"Sinabi ko naman ah? Na ginugulo ako ng mga 'yon."

"O sige sinabi mo nga pero hindi ko alam na ganon na pala ka grabe ang ginagawa nila sayo. Wala ka kasing pinapakitang reaksyon kaya hindi ko malaman ang iniisip mo."

"Ano?"

"Kung hindi pa ako umuwi nun, hindi mo pa gagamutin ang mga sugat mo. Tama ba ako?"

Hindi ako nakasagot. Nung araw na 'yon, pinatiran ako ni Raven tapos binuhusan ng tubig ni Nathan. Kung tatanungin ako ay normal na araw lang naman 'yon sa pag-aaral ko sa FU pero tama nga siya, kung hindi siya dumating nun ay hindi ko talaga gagamutin ang sarili ko.

"I can handle myself."

"No, you can't."

"Mavy--"

"Wag mo na hintaying isa-isahin ko pa ang mga nangyari sayo magmula ng mapunta ka sa section na 'yan, Cassidy."

Napabuntong-hininga ako sa kakulitan niya. Oo na, sige na, ikaw na ang tama, tangina.

Pumasok ako sa gate ng Fraud University at hindi inaasahang makakasabay ang kambal. They both saw me but acted like they didn't. Nilagpasan lang nila ako suot ang walang emosyon nilang mukha. Tss. Palagi nalang ganon ang mukha nilang dalawa. Pareho na nga ng mukha, pati ba naman ng expression? Buti pa nga si Hayden, ngumingiti. Iyong Hunter, bukod sa malademonyong ngisi ay wala ng ibang reaksyon sa mukha.

The Only Rose Among The ThornsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon