꧁The only rose among the thorns꧂Chapter 52: A crazy encounter
•••••••••••
Cassidy Jean's POV
*Ting* *Ting"
I checked my phone when it beeped two notifications. May nag-chat sa'kin, si Austin at Tristan. They're asking me to play mobile legends with them, kalaban namin ang section D at pera ang nakataya. We've been playing this game ever since nalaman namin ang identity ng isa't isa. Kadalasan ay nakikipagsugal kami sa iba't ibang section. So far, so fun, so good. Natatalo kami minsan pero lamang ang panalo.
Napangisi ako bago napagdesisyunang mag-reply. Gustuhin ko mang makipaglaro sakanila ngayon, hindi maaari dahil kasama ko ang lider nila kaya kahit labag sa kalooban ko, I declined their invitation. Hirap na akong makahinga pero nakuha ko pang matawa sa kunwaring pagta-tantrum nila. Kulit eh.
From: Emel buds
A: Cj naman? Matatalo kami pagwala ka. Sige na oh?
T: Pagbigyan mo na kami, kahit ngayon lang. Magwawasak ako ng gamit!
C: Mga baliw. Libre niyo nalang ako pagnanalo kayo. Gl!
Iilang chat pa nila ang sinubukan akong kumbinsihin pero nabigo lang rin kaya't kusa lang ring sumuko. They made sure though na sasali ako sa next pusta nila kalaban ang upper grade and I said yes. They tried to ask me about my whereabouts. Alangan namang sabihin kong kasama ko si ibon, diba? So I lied.
Natapos lang sa ganon ang usapan namin at ibinalik ko na agad ang cellphone ko sa bulsa. Winaglit ko nalang sa isipan ang paunlak nila at tumitig sa kawalan. 500 pesos din 'yon, tsong. Nasasayangan ako sa pera pero bahala na. Sa susunod nalang.
Haayy...
Nothing's interesting here. Ni isang painting, walang nakapaskil dito. Bukod sa maraming damit at iilang gamit pangbabae, wala ng ibang kawili-wili sa kwartong 'to. Wala rin kasing window para sana doon ako magmumuni-muni.
Kusa lang ring naputol ang pagkatulala ko nang magsalita ang kasama ko.
"Who was that? Your boyfriend?" Matabang ang pagkakatanong niya, mausisa rin ang tono ng pananalita.
Bumaling ako sakanya at saka ngingisi-ngising sumagot. "Katabi ko boyfriend ko, diba?"
Sinimangutan niya 'ko lalo. Napaka-istrikto naman ata ng fake boyfriend ko? Tsk.
"Mga banat mo, masyadong mapurol." Pagsusungit niya. "...tumayo ka na nga dyan. Marami pa tayong pupuntahan." At nagsimula siyang maglakad.
I didn't complain and followed him. Kapag nagreklamo ako, hahaba pa ang usapan. Kapag humaba ang usapan, mapipikon ako. Kapag napikon ako, mapipikon din siya. Kapag napikon siya, magtatalo kami. Kapag nagtalo kami, magkakasakitan kami. Kapag nagkasakitan kami, mamamatay kami. Therefore, I conclude na mas mabuting manahimik.
Wow naman, Cassidy. Layo ng narating mo.
Natawa ako sa naisip ko at bumuntot na sa lalaking mabilis at... Teka nga! Kay haba naman ata ng biyas niya?! Nahihirapan akong humabol sa paglalakad dahil sa laki ng bawat hakbang ng paa niya! Isang hakbang mula sa kanya ay dalawa na sa'kin.
"Uy! Teka naman!" Angil ko at tumigil sa paglalakad.
Huminto rin siya at tinaasan ako ng kilay. "What?"
BINABASA MO ANG
The Only Rose Among The Thorns
Teen FictionIf you found out that you're the only girl in a classroom filled with boys, what would you do? You usually think of transferring or leaving that section, right? But what if they they think you're a male, too? For Cassidy Jean Merkel's case, it was...