꧁The only rose among the thorns꧂Chapter 39: Dwayne
•••••••••••
"Anyare kay Cj at Raven pre? Ipapakita ko lang naman ang costume ko. Ganda diba? Para akong patay." -Hiro
Cassidy Jean's POV
Kasalukuyan akong nakaupo sa isang bench, malapit sa classroom ng section F, nagmumuni-muni habang kumakain. May pasok na naman kami and yes, were still not allowed to enter the Cafeteria, which is also the reason why I brought my own lunch today. Yung iba rin naman siguro. I don't know. Hindi naman siguro sila ganon ka bobo diba? Alam ng walang pagkain for today's vidyow, hindi pa sila magdadala ng sariling lunch? Very bad.
Tinignan ko muna ang pagkaing gawa ko tsaka ito buong pusong kinagatan. Nang manuot sa dila ko ang lasa, para akong lumulutang sa ere. This food taste amazing! Well syempre, ako ang gumawa e. Living alone really has its perks and disadvantages. I had to learn it in order to not starve in hunger.
Hindi ko mapigilang mapangiti sa tuwa. Babaw ng kaligayahan ko no? Pero bakit napakahirap ibigay? Psh. Tahimik ko nalang inenjoy ang pagkain ko imbes na mag-isip ng mga nega.
Ha... This is life...
Being alone plus enjoying food equals perfection. Kung ganito buhay ko araw-araw, paniguradong maboboring ako pero at the same time, matutuwa rin. Wala akong problemang iisipin. Tanging pagkakaabalahan ko lang ay ang pagluto sa kung ano mang kakainin ko mamaya. Still, that's too boring.
Kinuha ko ang tumbler sa tabi ko at ininom ang laman non. Saktong umiinom ako ng tubig nang may makita akong kakalabas lang sa isang building, si Dwayne. Kasunod niya ay isang babaeng umiiyak.
"Pfft!" Aksidente kong naibuga ang iniinom ko "...tangina." Buti nalang walang masyadong tao dito, walang nakakita tsk.
Agaran akong kumuha ng panyo tsaka pinunasan ang sarili ko. I got some parts of my clothes wet but it's not that big, it'll go away naturally. Muli 'kong binalikan ng tingin sina Dwayne. Wala na ang kumag pero ang babaeng umiiyak, nandon pa rin. Bakit umiiyak ang babaeng 'yon? Jowa niya? Break-up? Hindi naman siguro. Maybe one-sided love?
Isinilid ko na ang panyo sa bag ko nang makuntento. Kanina, may hawak na pagkain si Dwayne at nakangiti abot hanggang mata. He looks too happy for someone who just got out of a relationship. Baka naman mali ang iniisip ko? Shocks, may isip ako? Legit?
Napailing nalang ako't inalis na ang paningin sa babae. Binaling ko nalang sa iba. I'm also secretly praying that Lex doesn't show up. If ever that happens, I'm gonna have to leave my food here and run for my life.
Speaking of Lex, I don't sense her presence anymore. After that day I got my injury, she just disappeared fully. Anong nangyari sa babaeng 'yon? Knowing her, she must be doing some really nonsensical things like, embarrassing herself in public while dragging other people. There's not even a reason for me to think about her. Wait, I'm thinking about her?! Oh hell nah! I ain't no lesbii! Although I can become one.
<( ̄︶ ̄)>
Binaling ko nga sa iba ang paningin ko, tumama naman 'yon sa mukhang hindi kaaya-aya. May namataan akong papunta sa direksyon ng Cafeteria, the one that's only for the upper section. Si Sky kasama si Brianna. Looks like they're about to go and grab some lunch. Nakita nila ako pero inirapan lang ako sabay flip hair. Aba aba aba! Madapa sana kayo, una mukha!
Saktong pagganti ko ng irap, sumalubong ang mukha ni Dwayne sakin. He was about to grab my lunch when I unintentionally pulled it away from him. Hangin ang nakuha niya imbes na pagkain ko.
BINABASA MO ANG
The Only Rose Among The Thorns
Teen FictionIf you found out that you're the only girl in a classroom filled with boys, what would you do? You usually think of transferring or leaving that section, right? But what if they they think you're a male, too? For Cassidy Jean Merkel's case, it was...