꧁The only rose among the thorns꧂Chapter 25: Stell's day
•••••••••••
Cassidy Jean's POV
Kay ganda ng huwebes ko, binungad na naman ako ng mga masasamang elemento.
"Ano na namang gusto niyo?!"
Naisigaw ko sa sobrang inis. May ilang estudyanteng napatingin sakin pero hindi ko na alintana 'yon.
Kaharap ko ngayon ang dalawang magkaibigang hindi alam ang salitang 'wag'. Kingina naman kasi. Nakita ko si Sky kanina na parang lalapitan sana ako pero nang makitang papalapit ang dalawang 'to e tumakbo siya pabalik.
"Wala." Sabay nilang sagot. Si Nathan nakangiti, si Raven walang ekspresyon sa mukha.
Wala naman pala e bakit nasaharapan ko pa sila? Mga baliw na walang ibang magawa sa buhay!
Napabuga ako ng malakas hangin tsaka tatango-tangong sinubukang talikuran sila kaso wala pa mang segundo e pinaharap na nila ako pabalik.
"Where are you going?" Raven asked with his brows almost meeting. Well, do I have to answer that? "Somewhere."
"Where exactly?" Nathan also asked looking the same as Raven. Again, do I have to answer that? "Why do you have to know?"
Bago niya pa masagot ang itinatanong ko ay dali-dali akong tumalikod para umalis. Ayoko muna silang makausap please lang! Mula lunes, hanggang ngayon ay wala pa akong pahinga sa pang-iinis nila.
Lakad-takbo ang ginawa ko para lang makalabas ng Cafeteria and thankfully, I got out safe and sound. Mabuti nalang at hindi sila sumunod.
*Sigh*
Sa bawat araw na dumadaan ay mas napapalpak ang kagustuhan kong iwasan sila. Paano ko naman kasi sila mapagtatagumpayan sa pag-iwas kung ganitong sila mismo ang lumalapit? Kung sanang iniiwasan rin nila ako katulad ng dati e napadali na ang buhay ko.
"Sky!" Tawag ko kay Sky nang makita siya kasama si Brianna. Nasaschool-gate sila at mukhang paalis na.
Speaking of Brianna, ano ba talaga 'to ni Killian? Siya yung sinusundan ni Killian nung isang araw diba?
Mabilis na sumilay ang ngiti sa labi ni Sky nang makita akong papalapit. Ganun rin si Brianna.
"Mabuti nalang at sumunod ka! Uwaa! Nakakatakot talaga ang mga 'yon." Patukoy niya sa section F.
I agree pero mas lamang talaga ang inis ko sakanila. Hindi kasi ako pikunin noon pero ngayon, maliliit na bagay, kinaiinis ko. Ang mas nakakapagtaka pa, sakanila lang ako ganun. Sa ibang tao ay hindi naman. Pero paniguradong dahil 'yon sa mga pagmumukha nila. Sarap nilang ihagis sa ibang planeta.
"Where are you headed?" Pag-iba ko sa usapan. Hindi masarap pag-usapan ang mga 'yon kaya ayokong binabanggit ang mga pangalan nila.
"Ayon na nga, aayain ka sana naming mag-lunch kaso kasama mo ang dalawang 'yon kaya umalis agad ako." Nakabusangot niyang sagot.
"Why?"
"Dzuh! Takot ako sa mga 'yon no! May ginawa na naman silang kolokohan sa section D kaya ayokong lumapit. Lalo na kay Raven!"
Kakasabi ko lang na ayaw ko silang pag-usapan eh! Pero interesado ako. "Why?"
"May binugbog na naman sila kahapon at ang mga taong 'yon ay mula sa section D. Sugatan ang lima sakanila and alam mo ang nakakamanghang parte? Iisa lang ang nambugbog sakanila."
BINABASA MO ANG
The Only Rose Among The Thorns
Teen FictionIf you found out that you're the only girl in a classroom filled with boys, what would you do? You usually think of transferring or leaving that section, right? But what if they they think you're a male, too? For Cassidy Jean Merkel's case, it was...