CHAPTER 27

72 13 0
                                    


꧁The only rose among the thorns꧂

Chapter 27: Tierra del infierno

•••••••••••

Cassidy Jean's POV

"Cj, are you okay?"

Habol ko ang hininga ko nang hawakan ako ni Denver. Parang tutulo ang luha ko habang nakaangat ang paningin sa pangalan ng lugar.

"Tierra del infierno..."

Para akong babagsak sa sahig sa sobrang panlalambot ng tuhod. Ang mga ala-alang pilit kong binabaon sa nakaraan ay biglang nanumbalik, pinapahirapan ako sa paghinga at pagsalita ng maayos. Nakaawang ang bibig ko pero ang boses ko, hindi maisatinig. Purong hangin lang ang lumalabas at sa bawat segundo, lalo akong naghihingalo.

Inakala kong hindi na ako muling makakabalik dito ngunit totoo ngang akala lang 'yon. Makakabalik at makakabalik parin ako dito dahil tadhana na mismo ang gumawa ng paraan, mahirap kalaban.

Mula sa malaking gate ay lumabas ang dalawang rebultong sobrang pamilyar ng tindig. Nakumpirma ko lamang nang makalapit, si Raven at si Nathan.

"Ano pang ginagawa niyo dito? Pumasok na kayo." Unang sinabi ni Nathan nang makalapit pero hindi ko magawang sumunod. Natatakot ako. Natatakot ako sa lugar na 'to.

Ang tierra del infierno ay isa sa mga lugar na pinakaayaw kong balikan dahil sa mga masasamang ala-alang nabuo ko nang minsan akong manatili sa nakakasulasok nitong paligid. Dito ako nagmula. Tierra del infierno means hell ground. Spanish ang bumuo nitong lugar na 'to kaya iyan ang pinangalan niya. Ang katunayan niyan ay kilala ko ang bumuo ng lugar na 'to, kilalang-kilala. Si Vicente De Garcia, matalik kong kaaway. Nang dahil sakanya, tuluyang nawasak ang buhay ko.

When my mom left me, as you all know, I became the most troublesome student at school and everyone feared me. For some unknown f*cking reason, Vicente was captivated by that attitude of mine and he brought me to this place. Isang gabi lamang 'yon pero agaran akong naging bahagi nila, umabot sa punto na halos dito na ako tumatambay. Natuto akong uminom, makipag-away, magyosi, gumamit ng baril at gumamit ng kutsilyo. Para sa minor de edad na katulad ko, hindi talaga maganda ang gawaing 'yon pero anong magagawa ko, masyadong demonyo ang isang 'yon. Iniwan pa nga ako ng remembrance ng walangya, venom logo na tattoo tapos may nakasulat sa ibaba na Tierra del infierno. Mabuti nalang at sa talampakan ko 'yon nakalagay kaya hindi nakikita.

The tattoo:

Ano ba itong lugar na to?

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Ano ba itong lugar na to?

Baka matanong niyo. Sa lugar na 'to dumadayo ang bawat basagulerong tulad ko noon upang maghanap ng away. Klaro naman siguro sa pangalan. Hell ground. Narito lahat ng mga bagay na hindi dapat ginagawa ng mga taong matitino ang isip. Puno ng away, dugo, alak, usok, hindi nakakatuwang babae't lalaki, lasing, adik at higit sa lahat, mga taong kaunti nalang ang buhay. Bakit? Kasi pinaparusahan sa mga nilabag na batas.

The Only Rose Among The ThornsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon