CHAPTER 17

84 9 0
                                    


꧁The only rose among the thorns꧂

Chapter 17: Access

•••••••••••

Cassidy Jean's POV

Kakarating ko lang sa condo ko. Ugh I'm so tired.

Naabutan kong nag-uusap si manang Helen at Mavy sa sala pero nang makita nila ako ay bigla silang huminto.

"What?" I asked but both of them just forced a smile and changed the topic. Instead of answering my question, they asked me about my day as if they were genuinely interested.

Alam kong tungkol sa akin ang pinag-uusapan nila tsk. Bad liars.

"Kamusta ang araw mo, Cassidy?"

"Well It's..."

Naalala ko na naman ang nangyari kanina.

Shit. >///<

Tinakpan ko agad ang mukha ko at mabilis na tumakbo papunta sa kwarto ko nang hindi itinutuloy ang sinasabi. Ayoko munang pag-usapan ang bagay na 'yon. Hindi pa rin naman alam ni manang Helen na nagpapanggap ako bilang isang lalaki sa FU, si Mavy pa lang ang may alam.

E hindi kasi ako makahanap ng tamang tiyempo para sabihin sakanya ang mga bagay-bagay, nahihirapan pa akong ilugar ang 'po' at 'opo' ko sa bawat salita.

Isang malakas na sigaw ang pinakawalan ko nang tuluyan akong makapasok sa kwarto.

"Kinginaaa!! Mga hayop kayo section F!!"

Hindi rinig ang boses ko sa labas kaya naiisisigaw ko lahat ng gusto ko.

Nagpagulong-gulong ako sa kama at nang magsawa ay nagsisitalon na naman ako. "Mga demonyo kayo! Ano bang pinaglihi sa inyo't ganito kayo ka sama?!" Nagpaulit-ulit 'yon hanggang sa makaramdam ako ng pagod.

Nababaliw na ako! Hindi ko kaya ang kahihiyan! Papasok pa ba ako bukas? E paniguradong uulanan lang ako ng asar ng mga 'yon.

Aksidenteng lumapat ang paningin ko sa side table at nakakita ng isang basong kulay...pink.

Nananadya ba 'to?

Asar kong kinuha ang baso mula sa lagayan at itinago 'yon sa parteng hindi makikita ng mata ko. Kung maaari sana ay ayoko munang makakita ng kahit na anong bagay'ng may kinalaman sa pink. Nakakasama lalo ng gabi tsk.

Cassidy, seryoso ka ba? Naiinis ka sa baso?

Oo bakit?!

Narinig kong pumuhit pabukas ang pinto ng kwarto ko kaya agaran akong humiga at umaktong papunta na sa pagtulog. Aba'y malamang, nakakahiya ang mga pinaggagawa ko dito 'no!

Si Mavy ang pumasok."Master, mainit po ba? Pinagpapawisan yata kayo?"

"H-ha?" Tinignan ko ang kabuuan ko sa salamin at oo nga, para akong bagong ligo. *Lunok* "...hindi wala 'to. Anong sadya mo?" Umupo ako mula sa pagkakahiga at naging hudyat 'yon para lumapit siya at umupo rin sa may paanan ko. Halata sa mukha niya ang pagdadalawang-isip sa kung ano mang gusto niyang sabihin o tanungin.

"What is it?" I asked half irritated pero syempre hindi ko pinahalata. Balak ko pa yatang pagbuntunan 'to ng inis.

Pilit siyang ngumiti at nang makitang seryoso ang mukha ko ay nag-iwas siya ng paningin. "What's your final decision? Are you gonna stay in that school?"

The Only Rose Among The ThornsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon