꧁The only rose among the thorns꧂Chapter 49: Rivalry war
•••••••••••
Cassidy Jean's POV
"Ano ba?! Bitawan mo nga ako!"
Hinila ko ang kamay ko pabalik ngunit pilit 'yong hinuhuli ni Stell. Kanina pa kami nagbabangayan dito pero ayaw talaga paawat ng isang 'to. Eto ako't kaunti nalang ay sasabog na habang siya naman ay mukhang tuwang-tuwa pa sa pang-aasar.
Kaming dalawa nalang kasi ang natira sa loob ng classroom. Ang mga demonyong kaklase ko ay naroon na sa gym kung saan gaganapin ang 'the great rivalry war'. Wala akong planong dumalo ngunit hindi yata nakakaintindi ang isang 'to.
Sapilitan akong lumayo sakanya at akmang tatakbo na palabas ng classroom nang may makitang pamilyar na rebulto sa may pinto. Ayon! Ayon ang mas lalong nakapagpainit ng ulo ko.
Bakit nandito to?! Hindi ba't malapit ng magsimula ang away nila?!
"Sobrang tigas ng ulo mo 'no?" Masungit nitong saad saakin.
Sinamaan ko siya ng tingin. "Tanga ka ba? Kayo ang may away don, bakit kailangan kong manood?"
"Dahil sinabi ko."
Walang ano-anuy bigla niyang hinila ang kwelyo ko at nagsimulang maglakad ng ganoon. Hinatak niya ako na para bang hindi ako isang tao. Pinagmumukha niya akong aso!
"Williams ano ba?!" Narinig ko ang nakakaasar na halakhak ni Stell sa likod ko. Nakasunod siya samin at kampante ang paglalakad. "...Kapag ako talaga nadapa dito, tatadyakan kita. Tamo! Wala kang puso. Baka nakakalimutan mong babae ako? Tama bang hatakin ang isang babae sa kwelyo?"
Dahil sa sinabi ko ay marahas niya akong binitawan. "Napaka-oa mo. Napakaingay mo pa. Makasabi kang babae ka, bakit babae ka ba kung umakto?"
Depot--sakit nun ah! Foul rep!
Lalo akong naasar ng marinig ang walang habas na tawa ni Stell. "Payag ka nun, Cj? Di ka daw babae."
Inis akong nagmartsa palayo sakanila. Inang yan, natameme ako dun ah. Foul talaga 'yon rep eh. Ginawa ba naman akong--kingina talaga.
Natagpuan ko ang sarili kong naroon sa covered court kung saan gaganapin ang away ng dalawang demonyong section. Wala eh! Mas mabuti nang magkusa kesa hatakin ng ganon. Nakita ko pa ang hambog na pagtingin sakin ni ibon at Stell tsaka sila nag apir.
I sighed in disbelief. What did I expect?
Naupo ako sa isang tabi at walang ganang pinasadahan ng tingin ang kabuuan ng gym. Hanep din talaga ang mga 'to. Kapag may event dito sa covered court, lahat sila tumatakas pero ngayon na bakbakan ang ganap, halos sila lahat nandito. Yung mga studyanteng hindi nagpapakita kahit exam, nandito rin ata. Galing.
Aksidenteng nagtama ang paningin namin ni Dwayne. Sa pagkakaalam niya pa naman ay hindi ako pupunta dito ngayon.
Bago ko pa maalis ang paningin ko sakanya ay ayon na ang inaasahan kong gagawin niyang ingay. "Cj!! Papanoorin mo ba kami?! Nandito ka ba para supportahan kami?! Nasan yung banner namin?!"
Langya. Masyado naman yata siyang hyper ngayon?
Umugong ang tawanan ng buong section F dahil sa sunod-sunod na pinagsasasabi ni Dwayne. Namataan ko pa ang pabirong pagbatok ni Austin sakanya. Tanging buntong hininga nalang ang naisagot ko. Kulit.
BINABASA MO ANG
The Only Rose Among The Thorns
Teen FictionIf you found out that you're the only girl in a classroom filled with boys, what would you do? You usually think of transferring or leaving that section, right? But what if they they think you're a male, too? For Cassidy Jean Merkel's case, it was...