꧁The only rose among the thorns꧂Chapter 32: "Someone's following me"
•••••••••••
Cassidy Jean's POV
Today is sunday. Dalawang araw na magmula ng pangyayari sa bar pero hanggang ngayon, hindi parin ako makamove-on. Natatawa parin ako sa tuwing maaalala ko. Dun ko lang na-realize kung gaano kami katanga hahahaha. Pero sana hindi na muling maulit 'yon, ako yung naawa sa mga kasama ko eh. Dikit na dikit pa sila sa isa't-isa tapos...
Bumangon na ako mula sa pagkakahiga at pilit na tumalon-talon. Ginagawa ko 'to para magising ng tuluyan ang sarili ko, para na rin mawala sa isip ko yung kalokohan sa bar. Weird ba? Hindi naman.
I grabbed my phone beside me and checked the time. It's already 4:00pm and yes, I just woke up from my dream. Wala akong ibang ginawa buong araw kundi ang matulog at manood ng anime, nakakasawa rin pala. Ngayong hapon, napagdesisyuhan kong maglalakad-lakad naman sa paligid. Para kasing matagal na nang huli ko yung magawa.
I didn't bother to change my outfit because...why change? I'm wearing an oversized hoodie partnered with some pants and I think that's good enough. Wala namang nakakakilala sakin sa labas psh.
Lumabas na ako sa condo ko at nagsimulang magtingin-tingin sa paligid. Unlike the others, this condo is hidden from the outside world. De joke lang hahaha. Unlike the others, this condo is located at such a unique place. Masyadong tago ang lugar na to, tipong pinagtataguan ng nga kriminal hahaha! Malayo siya sa ibang tao at tanging mga halaman lamang ang nakapalibot. Kung gusto mong makakita ng mga stores, mga people or anything na may kinalaman sa mga necessity ng tao, medyo malayo-layo ang lalakarin mo upang makuha ang gusto mo.
Kahit na malayo ay nilakad ko parin ang store na gusto kong puntahan. Trip kong pagurin sarili ko, may problema?
Pumasok ako sa store na kakatayo lang daw dito at kinuha ang mga gusto ko. Nang matapos naman ay agad akong tumakbo palabas bitbit ang mga ninakaw ko. Heh, syempre joke lang. Binayaran ko muna bago ako tumakbo palabas. Bakit ako tumakbo? Hindi ko rin alam. May sarili yatang utak ang mga paa ko. Weh? Sanaol may utak.
Payapa akong nakaupo sa bench kaharap ang palubog na araw nang may biglang lumapit sakin na babae. Kasama niya ang mga kaibigan niya sa likuran.
"Uhm...hi." Bati niya sakin na hindi ko ginantihan. Sino 'to? Nanatili lang blangko ang paningin ko sakanya dahil hindi ko naman siya kilala. Malay mo hindi ako ang kausap niyan. Tanga. Ako lang naman mag-isa sa bench. Napansin niya yatang wala akong balak magsalita kaya dinugtungan niya ang sinabi. "...bago ka ba dito?"
Umiling ako. Hindi ako bago dito pero hindi na din bago sakin ang lapitan nalang bigla ng kung sino para manghingi ng pangalan tss.
"Hindi yata kita madalas nakikita dito?"
Bumuntong-hininga ako. Kailangan bang makita mo ako araw-araw? Kung ganon ay pasensya na, wala akong balak kilalanin ka.
Hindi ako nagsalita at nanatili lang nakatingin sakanya. Nakikita ko namang hindi na siya kumportable sa paraan ko ng pagkakatitig sakanya pero inaaral ko kasi ng mabuti ang mukha niya. Maganda siya.
Bubuka na sana ang bibig niya tanda na magsasalita na naman siya pero inunahan ko. "I'm a girl."
"W-we know."
"Then why approach me?"
"Ano pong pangalan ninyo?"
She ignored my question. Gusto ko sana siyang samaan ng tingin pero naalala kong hindi siya si Sky or si Brianna kaya wag nalang.
BINABASA MO ANG
The Only Rose Among The Thorns
Teen FictionIf you found out that you're the only girl in a classroom filled with boys, what would you do? You usually think of transferring or leaving that section, right? But what if they they think you're a male, too? For Cassidy Jean Merkel's case, it was...