CHAPTER 51

47 4 0
                                    


꧁The only rose among the thorns꧂

Chapter 51: Her transformation

•••••••••••

Cassidy Jean's POV

Isinuot ko ang puting sapatos ko ng maayos kahit na ramdam ko ang pagmamasid ni Mavy sa gilid. Puno ng pagtataka ang mukha niya. She's curious as to where I am going because I usually stay at home. Bukod sa lumalabas lang ako kapag nag-aaya sina Hiro at Cairo, madalang lang akong lumabas ng ganito ka ayos.

Gusto kong tumawa sapagka't kitang kita sa expression ng mukha niyang pinipigilan niya ang sariling makialam sa'kin. It's clear that she wants to ask me about my whereabouts.

I proceeded to getting my motorcycle key on the table and smirking at her. "I'll be back later. Entertain yourself while I'm away."

Lumabas na ako ng condo ko at nagtungo sa parking lot. Magmo-motor ako imbes na mag-commute. Ayokong makisama sa mga taong hindi ko kilala kaya mas pinili kong mag-drive kahit na medyo tinatamad ako. Mas may tiwala ako sa sarili ko. Ganon ako ka confident.

It didn't take long for me to arrive at the starmall na tinutukoy ni Ibon. I arrived there just in time, walang mintis and I quickly texted him saying 'I'm here'. He replied with a 'look in front, Idiot' kaya ginawa ko naman at ayon siya, nakasandal sa glass steel railings habang nakatutok sa'kin.

He's wearing a casual outfit, black oversized polo partnered with white trousers and white shoes. Simple lang ang kasuotan niya pero sumisigaw ng karangyaan. Halatang anak mayaman. Is he wearing a rolex watch? Kahit na ayaw kong aminin ay totoong gwapo si Raven. Malakas ang dating niya, 'yong tipong nakakakuha ng atensyon without even trying.

Lahat ng babaeng dumadaan sa harap niya ay talagang napapansin siya, kahit mga lalaki ay napapatingin rin sakanya. May iba ngang sinasadyang dumaan sa harap niya ng paulit-ulit upang magpapansin. Ganon siya ka nakakaagaw ng atensyon. Call it exaggerated but it's true. Hanep na 'yan, mukha nga siyang model e. Kung hindi lang masama ang ugali niya, masasabi ko na sanang wala siyang kapintasan. Matalino din kasi ang gunggong na 'to tss.

Kung ako naman ang tatanungin kung saan ako napapatingin agad sakanya, iyong mata ang kaagarang sagot ko. Para sa'kin, ang talagang nakakaagaw ng atensyon ko ay iyong mga mata niyang kulay abo. Napakaganda tignan at hindi nakakasawa. Iyong mata niya kasi ay nakakatunaw at nakakalunod, winawala ka sa totoong mundo at dinadala ka sa hindi makatotohan niyang pantasya.

Okay, enough. Why am I describing him? Gets na namin, Cassidy. Gwapo siya.

Winaglit ko agad ang mga papuring nasa isipan ko at nilapitan siya ng nakabusangot, masama rin ang timpla ng mukha niya kaya quits lang kami.

Bubuka na sana ang bibig niya pero inunahan ko siya. "Wag mong punain ang oras ng pagdating ko dahil alam kong I am in time." Pigil ko sakanya.

Pinanliitan niya naman ako ng mata. "Hindi 'yan ang pupunain ko. Iyang damit mo ang gusto kong itanong sa'yo..." Sabi niya at hinead-to-foot ako.

I also scanned my clothes and couldn't find a problem. Maayos naman ah? Walang butas-butas at casual.

Napakamot siya sa ulo niya na parang frustrated sakin. "...Why did you dress up like a guy? Maraming tumitinging babae sayo kanina at sinasabing pogi ka. Mukhang magdadalawang-isip pa ang tatay ko sayo at baka akalain niyang bading ako. You should've atleast tried to dress girly kahit ngayong araw lang..."

I blinked twice after hearing him complain. May point naman siya pero hindi naman namin kasama ang daddy niya ngayon ah? Kaya okay lang na ganito ang suot ko. Kapag ako ba nakita ng mga tauhan ni Carson, mapo-protektahan niya 'ko? Hindi diba? I can't risk my life for his stupid plan. Tsaka will his plan really work out? Halata nga sa mukha naming dalawa na ayaw namin sa isa't isa e tsk.

The Only Rose Among The ThornsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon