꧁The only rose among the thorns꧂Chapter 42: Modelling career
•••••••••••
Cassidy Jean's POV
"Why'd you suddenly ask to see me? May nakain ba kayong masama?"
Una kong sinabi nang marating ang mall na sinasabi nila. Infairness naman sa mga gagong 'to, pinili talaga nila 'yong malayo at mahihirapan ako letche. Nginitian ako ng dalawa at umakmang yayakap pero tinabig ko. Wala ako sa mood para pantayan ang kabaliwan nila.
Without saying anything, I started walking. Isinantabi ko ang presensya nilang dalawa at naglakad na parang walang kasama. Alam ba nila kung gaano kalayo ang condo ko mula sa mall na 'to? Badtrip pa, nahirapan akong maghanap ng mapaparkingan. Gaano ba karami ang pumupunta dito ng nakamotor? Langyang 'yan dinaig pa ang nagne-negosyo ng motor.
Hindi pa man kami masyadong nakakalayo, nagreklamo na agad ang dalawa. "Ano ba naman 'yan? Hindi mo man lang ba kami babatiin?"
"May problema?"
"Sabi nga namin wala."
Bumuntong-hininga ako't pinag-cross ang kamay ko. Kapag ganitong nag-aaya sila ng gala ng pabigla-bigla, alam ko na agad kung anong meron.
"May kailangan kayo no?" I stopped from walking. Huminto rin sila at tumingin sakin. "W-wala ah."
Wala daw pero nautal sus. Wag ako boi. Alam ko na mga galawan niyo tsk. Pero come to think of it, as I was approaching them earlier, meron silang kausap sa phone and they looked really problematic. Nang makita nga ako kanina e halatang pilit lang ang ngiti nila.
Walang naging sing lakas ang naging pagbuntong-hininga nila. "Tara na?" Aya nila but I never moved an inch. I chose to stay there and observe all their facial reactions "...Cassidy?" They even tried to drag me by grabbing my hand. "...May problema ba?"
"I should be the one asking you that. May problema ba?"
"Wala nga/Oo." Ayon, nahuli rin. Sabay silang sumagot pero magkaiba naman ang sagot.
Napangisi ako bago binawi ang kamay ko. Wala pala ah. Pinanood ko ng maigi ang bawat galaw ng dalawa at napansin ang mumunti ngunit medyo kabadong paglunok nila. Kulang nalang lunukin na rin nila pati adam's apple nila tsk. They're so bad at lying.
"Akihiro, you answered yes. Cairo, you answered no. Now let me ask you again. May problema ba?" Muling tanong ko.
I hate repeating questions but this one is an exception. I wanna know what's going on because as a friend, I'm worried about them.
"Oo/Wala." Muli ring sagot nila pero kingina, nagkabaliktad na ng sagot. I'm done with this shit.
Nakagat ko nalang ang labi ko sa inis. "You know what? Let's head inside and eat. Pipigain ko kayo."
Ipinasok ko silang dalawa sa una kong nakitang kainan sa loob ng mall. Ako na rin 'yong umorder ng pagkain para saming tatlo. I hate not knowing things. Specially when they're looking so problematic. Dahil sa kung pano sila umasta, napaghahalataan kong malaki talaga ang problema nila.
Kung kaya lang naman nilang i-handle ang problemang kakaharapin nila, hindi sila magmumukhang ganito. Tsaka isa pa, hindi rin ako sanay na ganito ang atmosphere namin. If they called me to have fun, then they should show me that they're having fun. Wag 'yong ganitong para silang binagsakan ng langit at lupa.
BINABASA MO ANG
The Only Rose Among The Thorns
Teen FictionIf you found out that you're the only girl in a classroom filled with boys, what would you do? You usually think of transferring or leaving that section, right? But what if they they think you're a male, too? For Cassidy Jean Merkel's case, it was...