CHAPTER 9

80 18 0
                                    


꧁The only rose among the thorns꧂

Chapter 9: A traumatizing day

•••••••••••

Cassidy Jean's POV

Kasalukuyan akong nakaupo sa damuhan, patuloy na naglilibot ng tingin nagbabakasakaling may dumating na estudyante. Ewan ko kung nasaan ako. Bigla nalang akong napadpad dito dahil sa isang portal. Oo portal talaga. May isang malaking butas kasi akong nakita tas pumasok ako. Lumibot ako ng onti pero pagbalik ko wala na ang butas, hindi ko na alam kung san yun banda but I feel like I saw it in this exact position. *Sigh* katangahan kasi. Papasok-pasok pa ayan tuloy. Ano ka ngayon Cassidy? Makailang ulit na ako naghanap ng daan palabas pero wala talaga eh.

Pano kung portal pala para sa ibang mundo yun?

Ayan, tanga na nga bobo pa. Maawa ka naman sa sarili mo Cassidy.

Isinubsob ko ang mukha ko sa tuhod ko. Maganda pa naman sana dito. Maraming punuan, magagandang bulaklak sa gilid, isang bench na may kalumaan, tahimik na paligid at magandang langit. Yun nga lang, napakagulo ng daan pabalik. Ha... Dito ba ako matutulog ngayong gabi?

Iniangat ko ang ulo ko para sana magtingin-tingin pero iba ang nahagip ng mata ko.

"Aaaahh! What the f*ck!!" Sigaw ko sabay tayo at akmang takbo pero nahawakan niya ang palapulsuhan ko.

"Y-yo, calm down!" Pagpapakalma niya sakin. Who the f*ck is this?! Sinubukan kong magpumiglas pero mas malakas siya sakin kaya 'di ako nagtagumpay.

"Bitawan mo ko!" Sigaw ko sakanya. Kakagatin ko na sana ang kamay niya nang bigla niya akong hinatak pababa. Pabagsak akong naupo dahil dun at ganon din siya. Kingina ansakit!

"Cj it's me!" Sigaw niya sakin. SINO?! Imbes na lumingon ay hindi ako nakinig. Sinubukan ko pang tumalikod sakanya ngunit pilit niya akong hinaharap, aksidente kong nasulyapan ang mukha niya dahil dun. T-teka... Sino yun? Dahan-dahan akong lumingon, inilapit ko pa ang mukha ko para klarohin siya. Si... Kaklase ko to diba? Ba't napadpad to dito?

"Dude... you're too close." Reklamo niya.

Natauhan ako at napansin ang lapit ng mukha ko sakanya. Holy shit--agaran akong lumayo. Put a tang in a juice...

Si Jb lang pala...

Inis kong inihilamos ang palad ko sa mukha ko. "Ba't ka ba kasi nanggugulat?!" Singhal ko sakanya. Kingina neto... Muntik na akong atakihin sa puso nang dahil sa kanya.

Naramdaman kong unti-unting lumuwag ang hawak niya sakin hanggang sa tuluyan siyang bumitaw. "Di ko naman kasi intensyong manggulat, sadyang gulatin ka lang."

Eh sino ba naman kasing hindi magugulat? Nakayuko yung tao tas pag-angat ng tingin, may tao na palang nakatayo sa harap. Tapos ngayon parang kasalanan ko pa? Edi Sorry. Sorry kasi nagulat ako. Sorry kasi di kita napansin. Sorry talaga tangina.

Isang mabigat na hangin ang inilabas ko mula sa pwet hahahaha sa bibig pala. Pero seryoso, medyo nakahinga ako ng maluwag. Muntik na akong atakihin kanina tol eh. Onti nalang, mamemeet ko na si lord. Yung tibok ng puso ko tol, grabe yung bilis.

Mahabang katahimikan ang namagitan samin pero maya-maya lang ay binasag niya. "Fluent ka naman pala magtagalog." Hindi ko alam kung compliment ba yun o ano, nakangisi kasi siya habang sinasabi yun.

"You surprised me..." Depensa ko.

"And?"

"I don't know..." Bobo talaga jusko.

The Only Rose Among The ThornsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon