CHAPTER 33

51 12 0
                                    


꧁The only rose among the thorns꧂

Chapter 33: Three versus three

•••••••••••

Cassidy Jean's POV

Pumasok ako sa gate ng Fraud University at sinalubong ng mga hindi kaaya-ayang mukha. Naroon si Stell, Denver, Akihiro at Cairo sa may shelter, inaantay yata ako. Lumiwanag ang mga mukha nila pagkakitang-pagkakita nila sakin eh. Hindi paman sila nakakalapit, sumilay na agad ang makahulugang ngisi sa mga mukha nila. Hindi ako ganon ka bobo para hindi malaman kung ano ang iniisip nila.

Iniisip nila yung pangyayari sa bar.

Gusto ko nalang umiba ng daan bigla at magpatay-malisyang nakita ko sila kaso huli na, tuluyan na silang nakalapit sakin. Nagkatinginan pa kaming lahat bago sabay-sabay na nagsitawanan. Nagmukha kaming mga may sayad, takas sa mental kumbaga. Sa sitwasyong 'to ay para talaga kaming mga takas sa mental. Wala naman kasi sanang nagsasalita samin pero natatawa kami. Hayop na bar kasi 'yon.

Nang medyo mahimasmasan ay si Hiro ang naunang magsalita. "Alam kong gusto niyong kalimutan ang pangyayaring 'yon pero wag naman sana. Isipin niyo muna ang mukha ni Stell na namumutla."

Isang malakas na batok ang inabot nya kay Stell. "Sino nga ulit yung kapit na kapit kay, Cj? Kulang nalang pumasok ka sa balat niya e."

Sumang-ayon agad ako. "Oo nga. Imbes na gusto kong tumakbo, hindi ako makatakbo ng maayos. May unggoy na nakasabit eh."

Sinamaan ako ng tingin ni Akihiro pero inirapan ko lang siya.

"Pano ba 'yan, Cj? E dalawang tao ang nakasabit sa 'yo nung biyernes." Lahat ng paningin napunta kay Cairo dahil sa sinabi ni Denver. "...anong hayop ba naman 'to?"

Nang ma-gets ang ibig sabihin ni Denver ay agaran siyang pumalag. "Grabe na kayo sakin ah!" Dinuro niya kami isa-isa, lalo lang tuloy kaming napahagalpak ng tawa.

Ano ba naman 'to? Bakit ako nakikipagtawanan sa mga 'to? Nakakakuha kami ng atensyon sa ibang tao. (T_T) Hindi ko rin naman kasi mapigilan. Totoong nakakatawa yung sa bar. Nagkandarapa ba naman kaming lumabas tapos nilock ng huling bakla ang labas tsk.

Nang tuluyang mawala ang tawa namin ay tsaka lamang kami nagsimulang maglakad papuntang classroom. Noon ay marami akong nakakasalubong sa daan pero ngayon na kasama ko ang apat na demonyo, lahat ng estudyante umaalis sa posibleng malakaran namin. May mga babae pang hanggang tingin nalang sa mga kasama ko na para bang nangangarap.

Lakas maka-celebrity neto ah?

Pero wait...kung papasok ako sa classroom...ibig sabihin nun...makikita ko si Raven dun, tama? P-pero anong gagawin ko? Tangina hindi pa ako handang harapin ang tarantadong 'yon. Namumutla na nga ako kahit na iniisip ko palang eh.

"Yo, you okay?" Tinapik ako sa balikat ni Stell kaya nabalik ako sa realidad.

"Yeah." Sagot ko kahit na hindi naman totoo. Halatang hindi siya kumbinsido sa sagot ko pero tumango pa rin siya at naunang pumasok sa classroom.

Teka, bakit hindi ko namalayan?! Wengya!

Pumasok isa-isa ang mga kasabay ko sa paglalakad at dahil magmumukha akong tangang nakatingin lang sakanila, pumasok nalang rin ako, panghuli.

Wag kang lilingon, Cj. Wag kang lilingon. Utang na loob, wag kang lilingon!

Lumingon ako sa gawi ni Raven at naabutan siyang nakatingin rin sakin habang nakangisi.

The Only Rose Among The ThornsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon