CHAPTER 22

71 11 0
                                    


꧁The only rose among the thorns꧂

Chapter 22: Blazer

•••••••••••

Cassidy Jean's POV

It's been a few days and I've been noticing someone walking up to me lately, but then changes his mind, deciding to just walk pass me. Ofcourse I hoped he would actually approach me to clear things up but I think he's not ready yet.

Or am I just assuming things?

"Matutunaw na 'yan crush."

May nagsalita malapit sa tenga ko at sino pa nga ba, the great grand ketchup, si Akihiro. Hindi ko namalayang nakatitig na pala ako kay Denver.

Masama akong tumingin sakanya tsaka nagpatuloy sa paglalakad. Break namin ngayon, 10 minutes and I decided to roam around. Naisip ko kasing ni minsan ay hindi ko pa nalilibot ang paaralang 'to. Laging sa garden (the place where I got lost), sa rooftop, sa cafeteria at sa bench lang ang tambayan ko. Malaki ang paaralang 'to kaya impossible hindi ako maligaw lalo na't ganitong wala akong alam sa pasikot-sikot.

"Hindi ka parin ba pinapansin?" Sumulpot si Cairo sa gilid ko. Sinulyapan ko lang siya saglit tsaka umiling bilang pagsagot.

Yep at hindi ko rin alam kung dadating pa ba ang araw na 'yon.

"Kasalanan mo 'yan. Deserve mo."

"Gusto mo ng sapak, Cairo?"

Ngumiti lang siya at sumabay sakin sa paglalakad. Bale para akong toyo dito kasama ang ketchup at mustard.

"Anong sumapi sayo't naisip mong magandang ideya ang paglilibot?" Umakbay si Akihiro sakin at sinadyang ngumuya ng pagkain malapit sa tenga ko. Ano 'to? ASMR?Inalis ko ang pagkakaakbay niya at tinakpan rin ang bibig niya. "Magandang ideya naman talaga ang paglilibot ah? Hindi ko kayo maaasahan dito kaya ano nalang ang mangyayari sakin kung maligaw ako?"

*Slurp*

"Tangina!"

Mabilis kong inalis ang kamay ko sa bibig niya nang makaramdam ng pagsipsip. Dinilaan ng walangya ang kamay ko! Halos hindi maipinta ang mukha ko habang nakatingin sa kamay kong may laway.

Lord, wag niyo sanang kunin 'tong kumag na 'to. Wala siyang lugar diyan.

Nilingon ko siya ng may pandidiri na ginantihan niya naman ng proud na ngiti.

Pigilan niyo ko, bibigwasan ko 'to.

Naalala kong kasama namin si Cairo at abot kamay ko lang ang pwesto niya mula sakin kaya sakanya ko ipinunas ang laway.

"Cassidy, ano ba?!"

Napakapangit ng reaksyon sa mukha ni Cairo hahahaha damay-damay tayo dito pre. Inilapit niya ang damit niya sa ilong niya para amuyin ang laway at naging sanhi 'yon ng kanyang pagkamatay.

"Hahahaha--aray!!" naputol ang pagtawa ko nang batukan ako bigla ni Cairo. Bastos 'tong batang 'to ah!

Pero, ako naman ang nauna hahahaha!

"Kinginang 'yan. Ano ba kasing kinain mo, Hiro?!" Pasinghal niyang tanong kay Akihiro na siyang may pasimuno ng lahat.

"Mani...with garlic." Sagot ni tanga.

Napa 'ah-kaya-naman-pala-look' kami.

Ayon naman pala, may garlic tsk. Nagpatuloy kami sa paglalakad at pag-uusap. Purong asaran, kulitan at mga walang kwentang bagay lang. Hanggang sa kalabitin ako ni Cairo. "Cassidy, malapit ng matapos ang break." Paalala niya matapos tignan ang relo niya.

The Only Rose Among The ThornsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon