CHAPTER 29

74 16 0
                                    


꧁The only rose among the thorns꧂

Chapter 29: The last day of reviewing ft. Punishment

•••••••••••

Cassidy Jean's POV

Today is our last day of reviewing, and we're currently gathered on our building's rooftop. We're up here to see the whole school and arrange a designated location for the appointed punishment.

Habang nakatanaw sa piligid ay hindi ko maiwasang kabahan. Ang sabi kasi samin ni Nathan, uunahin daw ni Raven ang pagsabi sa punishment bago i-take ang review test para ma-motivate kaming hindi makakuha ng mababang score. We're about to enter a serious discussion.

"Sino ba ang pumili ng mga punishment?" Rinig kong tanong ng isa samin, si Hiro. Kung kakikitaan ako ng kaba ay ano pa siya, para na siyang naliligo sa sarili niyang pawis.

"Si N-nathan tol." Nanginginig na sagot ni Killian. "...tapos nag-suggest si Raven sa iba."

"Shit. Bakit ang mga brutal pa?" Bumagsak si Hiro sa sahig kasabay nina Cairo at Dwayne, para bang ganon nalang sila ka takot sa dalawang 'yon.

Ano ba naman tung mga 'to, hindi nakakatulong.

Malalim akong humugot ng hininga at malakas din na ibinuga 'yon. Pinipilit ko ang sarili kong wag ipahalata ang kaba ko pero alam kung nakikita parin nila. Don't get me wrong ah? Nung mga nakaraang araw ay nakinig naman ako ng maayos at tama naman ang mga naging sagot ko. Kahit na may ibang mali, lamang parin ang tama kaya medyo confident akong makakakuha ako ng mataas na marka, lalo na sa science, kaso wala kasi akong tiwala sa hard work. Minsan ito pa ang unang tumataksil sakin kaya nawawalan ako ng tiwala, ilang beses ko ba namang maranasan. Eto rin siguro ang dahilan kung bakit ako kinakabahan.

I've experienced numerous betrayals in my life, and my own skill is not an exception. Sometimes, your own brain can betray you, thinking you're knowledgeable when in fact you're not, which is why you can't trust anyone, including yourself.

Naghintay kaming lahat sa pagdating ng dalawang demony--este, presidente at maya-maya lang ay nagsi-akyat na sila dala-dala ang mga makakapal na reviewer test. Sinadya pang ipasilip ni Nathan samin 'yon habang nakangisi.

"Are y'all ready?" Mapang-asar na tanong ni Raven samin. Blangko ang mukha pero bakas ang pang-aasar sa boses.

Wala ni isa samin ang sumagot. Kung sasagot kami ng 'oo' ay paniguradong kasinungalingan lang 'yon. Ayaw kong magsinungaling kaya quiet nalang. Kahit na parang naiihi na ako.

"Evans, come here." Tawag ni Raven sa kambal, pumunta naman ito sa harap nang nakasimangot. Nang mapadaan sila sa gilid ko ay hindi nakatakas sa pandinig ko ang mura nila. "Damn it." They said in unison before successfully reaching Raven's position.

"Phyp o Epub?" Pinapili ni Raven ang kambal between Phyp or Epub. Phyp is short for PHYsical Punishment. Epub is short for Embarrass yourself in PUBlic. Hayden chose epub while Hunter chose Phyp. "...okay now Hayden, you'll crawl around the campus shirtless and covered with dirt acting like you're on a battle. Hunter, you'll receive a punch from each one of us."

Ang kaninang kabang naramdaman ko ay biglang naglaho, napalitan ng tuwa. Tuwa dahil una, makakaganti nako sa pambubully nila noon at pangalawa, wala lang, nakakatawa lang hahaha.

Matamlay na bumuntong-hininga ang kambal bago tinanggap ang papel na iniabot ni Nathan. After kasi nilang malaman kung anong punishment ay dederetso sila sa baba para sagutan lahat ng test. Eight lahat ng subject namin at ang perfect score ay four hundred (400). The passing score is three hundred sixty (360) kaya kapag bumaba ka pa dun, deads ka na, gagawin mo na ang parusa. I know three hundred sixty (360) sounds challenging but it's worth trying.

The Only Rose Among The ThornsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon