Kabanata 28

5 0 0
                                    

Tuesday, febuary 22. Ibinaba ko ang telepono sa tapat ng kusina namin. Tila nakaramdam ako ng kaunting kaba dahil sa boses ni Yeli sa kabilang linya. Umagang umaga at kaba ang aking iniinda. Hindi ba dapat akong magsaya sapagkat nabawi na namin ang pinaghirapan ng pamilya ko?

Biglang pumasok si Agnes sa kuwarto. "Omg, hula ko nag-ooverthink ka na naman, ate..." Hindi ko siya nilingon at pansin ko namang umupo siya sa gilid ko. "...hindi maganda ang pag-ooverthink. Based sa nakikita ko sa social media, nakakabaliw yon." Ngumiti lamang ako dahil hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa kanya.

Halo-halo ang aking emosyon. Ang Martel University ay hawak na ng mga tauhan ni madame Fe at ni Mr. Alexander sa kasalukuyan. At bago pa nangyari ang paglilitis noon, natutuwa ako sa mga pangyayaring aking nalampasan. Nabigyan na rin ng hustisya ang nangyari sa aking pamilya noon kaya panahon na siguro para kalimutan ko na ang lahat ng aking pinagdaanan.

"Kumusta si Caldence?"

Natigilan ako.

Paano niya nagawang isulpot si Caldence sa kalagitnaan ng pag-ooverthink ko? Napa-isip pa akong lalo. Parang ang sensitive ko 'pag si Caldence na ang pag-uusapan. Ba't hindi man lang ako lulubayan ng kaluluwa niya?

"Nagsamba ako kahapon, napanatag naman ang loob ko." pagsisinungaling ko sa aking nararamdaman. Ang totoo ay hindi napanatag ang aking loob kailanman. Nandito pa rin ang bangungot ni Caldence at gusto ko na siyang makalimutan.

"Ate, nariyan naman si kuya Xandrei. Hindi mo na kailangan si Caldence na 'yon." Ngumiti siya sa akin.

Si Agnes ngayon ay first year highschool na at maraming kaibigan sa school. Hindi gaanong mataas ang grades niya pero tanggap naman namin dahil hangad nito ang pagpapaunlad sa kanyang sarili. May maliit din siyang negosyo, mga cosmetics na karamihan ay mga friends at batchmates lang niya ang mga suki. Mabuti na iyon para sa isang 13 years old.

Ang ngiti ko ay napawi. Biglang pumasok si Xandrei sa aking isipan. May parte sa akin na hindi ko maipaliwanag, kung bakit naaawa ako sa kanya. Madalas ko ring napapaginipan si Xandrei na isinisigaw ang aking pangalan habang umiiyak. Aaminin kong, mas magulo si Xandrei kompara kay Caldence.

Nitong nakaraang buwan lang kami naghiwalay. Totoo iyon dahil gusto ko munang mapag-isa at makahanap ng kapayapaan sa aking isip. Ang mga kaguluhang hindi ko pa natapos maliban kay Don Maximo, ay nagpapagulo lalo sa aming pinagsamahan kaya napag-isipan kong lumayo kay Xandrei. At walang nakakaalam kahit sinuman sa aming kaibigan na wala na kami.

Sa panaginip ay palagi niyang sinasabing,

"Bakit ka huminto?" Tumatakas ang mga luha sa malungkot na mga mata ni Xandrei.

Bakit ako huminto?

Hinawakan niya ang aking kamay. Hindi ako makatingin nang diretso sa kanya. Mas lalo lang akong nawasak. Binabalot ng kadiliman ang aming paligid na tanging kami lang ang nakatayo. Malamig at malungkot sa pakiramdam. Hindi namin dapat masaktan ngunit kailangan...

Umabot ng mga oras at naabutan ko si Agnes na nakayakap sa akin. Ngayon ko lang namalayan ang mga mainit na luha sa aking pisngi. Pulang-pula ang aking mukha sa kakaiyak.

"Iwan mo muna ako, pwede ba?" Agad na tumayo si Agnes at tumango bago siya lumabas sa kuwarto.

Bumagsak ako sa kama at dinadama ang bagsik ng kalungkutan. Dalawang tao na naman ang gumugulo sa aking isipan. Ang isa ay wala na, ang isa naman ay buhay pa. May malaki ba akong kasalanan sa kanila? Bakit parang ako ang responsable sa kanila?

"Caldence, if nandito man ang kaluluwa mo ngayon, please lubayan mo na ako. Can't you just go in heaven? Maganda roon at hindi 'yong manggugulo ka sa tao."

BRING THEM BACK (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon