Pagmulat ko sa aking mga mata at ang pinakaunang nakita ko ay ang puting kisame.
"Wala nabang masakit sa paanan mo, Ms. Zhen?" lumapit sa akin ang nurse. "I am nurse Ching, dinala ka dito ng kaklase mo at teacher mo kanina."
"Nasaan po sila?"
"Nasa klase, sa palagay ko ay dadating daw sila dito ngayon. Antay ka lang kasi mahirapan kang maglakad." aniya. Nagtaka naman ako, nawala na ang hapdi at sakit, pero hindi ko alam kung napaano iyon.
"Ano po bang nangyari sa paa ko? Napakabilis kasi ng pangyayari at bigla bigla nalang." bumuntong hininga naman siya at nag iba ang itsura, bago siya sumagot.
"Natapakan mo ang pako, Buti nalang ay hindi masyadong malalim ang sugat mo. About naman sa naramdaman mo kanina, maaaring nahilo ka lang dahil sa pagod mo, kaya matutong magpahinga." paliwanag nito kaya tumango nalang ako bilang sagot.
Hindi ko alam kung bakit nangyari sa'kin 'yon, hindi naman ako magpupuyat. Ang tanging alam ko lang ay, bago ako matulog sa gabi, mag iimagine muna ako ng mga bagay bagay hanggang sa dalawin ng antok at makatulog. Pero minsan din, matatagalan ako dahil diyan, sometimes madaling araw na akong makatulog. Hindi ko alam kung normal pa ba 'yon, pero I will try my best to avoid that.
Maya maya ay may narinig akong ingay sa labas na animo'y papalapit ng papalapit dito. Pagtingin ko sa pinto ay biglang pumasok si Yara at kasunod naman niya ay si Yeli. Bitbit ni Yara ang isang foodpack at kay Yeli naman ay may dalang canned coke at sa kabilang kamay ay hindi ko alam. Pinagmasdan ko silang papalapit sa'kin, kasabay ng kanilang nag aalalang mukha.
"Hi, Adelise. Kala ko hindi kana gigisin--" agad na nakatanggap ng batok si Yeli. Umupo si Yara sa tabi ko at binigay sa'kin ang food pack.
"Nako, nakakahiya naman sa inyo," aniko at nagbago naman ang reaksiyon ng dalawa.
"Anong nakakahiya teh?! Napakanormal lang namang ganyanin ka namin, masyado kang pa humble." ani Yara. Ngumisi naman ako,
"Hindi naman sa gano'n, I just don't know what to say but to thankyou." sabi ko dahilan para mapatango sila.
"You'rewelcome," si Yeli at binigay niya sa'kin ang isang bote ng gummies, naging abot tainga ang ngiti ko nang muli akong makakita ng gummies.
Bata palang ako, ito ang pinakapaborito ko. Nakakasakit man ng ngipin, pero I love it. Minsan nga, kapag pinagbawalan ako nila daddy na kumain nito dahil daw marami na akong nakain at ikakasakit ng tiyan, pero nag eenjoy pa rin akong ilihim sa kanila ang mga nakain ko. Minsan din, magnanakaw pa ako sa ref tuwing hating gabi para lang makakain nito. Ito lang ang true love ko. Pero nang dumating si Caldence sa buhay ko, hindi ko alam kung ba't ko ito nakalimutan..
Agad kong tinanggap ang gummies at inuna pang kainin iyon kaysa-sa kanin. Nagulat naman ang reaksiyon nila, pati ang nurse na napadaan lang.
"One gummy bear a day, can keep the pain away!" I delightfully said.
I enjoyed eating it at hinayaan lang naman nila ako. Pero not until biglang may pumasok na lalaki sa clinic na ikinabibigla ko. Dali dali kong tinago ang gummies nang biglang matauhan, at tumingin diretso kay Xandrei.
Baka mapagkamalan akong bata.. Scks
"Is she fine now?" tanong niya sa nurse at tumango naman ito. Tumingin siya sa gummies na nasa gilid ko at inilipat niya sa'kin, hindi ko magawang labanan ang tingin niya dahil maaalala ko si Caldence.
"Hi, Xandrei. Miss mo ba kaibigan namin?" agad na kumunot ang noo ko at tumingin kay Yeli. Napakamot naman siya ng batok at ngumisi, biglang tumayo si Yara.
BINABASA MO ANG
BRING THEM BACK (Completed)
General FictionLosing a friend is like losing a gem. But she lost more than a friend including her family and their own institution. Martel University, the effect of her family's hardwork that is now carried by a wrong hand. Moreover, she can't also accept that he...