Kabanata 31

12 1 0
                                    

Ang bigat ng aking mga mata, napilitan lamang itong imulat dahil wala ako sa bahay. Nasa isang napakadilim at malamig na bodega nang nakaupo, agad ko namang sinubukang tumayo ngunit bigo rin dahil nakatali ang pareho kong kamay.

Ang sakit ng katawan ko kasabay din ng malakas na pagpintig ng aking puso kulang na lang ay titigil na ito sa pagtibok. Nasaan ba ako? Wala akong maalala kung bakit at papaano ako napunta rito.

Mabigat ang mga hiningang aking pinakawalan nang biglang bumukas ang pinto. Di ko napansin na may pinto pala sa harap ko dahil sa madilim na lugar na ito.

Pumasok ang matangkad at kuba na lalake, nakatabon ang kanyang mukha kaya hindi ko maaninag. Biglang huminto ang butas na sapatos nito sa tapat ko. "I suppose you shouldn't be happy tonight."

Namilog ang aking mga mata sa gulat. Hindi tama ang narinig kong boses, sabihin niyong hindi siya ito. "Sino ka at anong kailangan mo sa'kin?" sigaw ko habang nakayuko.

Biglang tumawa ang matandang lalaki, sarkastikong klase ng tawa na parang hindi na makakapaghintay tapusin ang buhay mo. "Mabuti dahil hindi mo na ako naaalala, magandang bagay ito, sapagkat hindi para sa inyo..." aniya at kumunot ang aking noo. "Swerte nga naman at nakaligtas si Xandrei, para sa kanya pa naman 'to but oh well. You both deserve to die."

Biglang hinawakan ng dalawang lalaki ang aking braso at kinaladkad patungo sa isang hagdan pataas. Pumiglas ako nang buong kaya ngunit mas malakas sila.

Ito na yata ang katapusan ko. Marami na akong nagawang bagay at wala rin akong pinagsisihan. Naging mabuti ang mga tao sa aking paligid at ito na siguro ang huli ko. Ang mapait na huli...

HINDI mapakali si Xandrei habang nakaupo. Masayang nag-uusap ang iba sa dati nilang mga schoolmates habang ang iba rin niyang kakilala ay sumasayaw sa malakas na tugtugin.

"Still waiting for her?" tanong ni Kazimir ngunit tahimik lamang si Xandrei. Kanina pa siya nag-iisip kung sakaling hindi makakapunta rito si Adelise, sayang ang pagkakataon nilang dalawa.

Ang totoo niyan ay kulang para sa kanya ang pag-uusap nila noong nakaraan dahil biglang may tumawag dahilan para maputol na naman uli ang kanilang ugnayan.

Nagsalin ng wine si Kazimir at tinanggap naman ito ni Xandrei. "You should ask her friends kung bakit hindi siya makakapunta." Itinuro niya sina Yara at Yeli na nag-uusap malapit lang sa pool.

Hindi rin maipaliwanag ang ekspresyon nila, hindi maialis ang pag-aalala at pagkadismaya. Hindi pa tuluyang nakalapit si Xandrei sa kanila nang biglang dumausdos ang hawak niyang maliit na baso na may lamang wine at basag sa lupa. Ang pagkabasag niyon ay nagbigay ng atensyon sa karamihan. Maging sina Ali at Jared na malapit sa studio ay nagulat kaya huminto ang tugtugan.

Agad na lumapit si Beatriz, sumunod naman sina Yara at Yeli. "Are you ok?" tanong ni Beatriz. Hindi siya papayag na may mangyaring masama sa party niya. Unti-unti namang lumapit ang mga kaibigan nito.

Nanatiling nakayuko si Xandrei, he don't like the feeling of being sorrounded kaya agad siyang tumakbo palayo. Masama ang pakiramdam niya at hindi naman siguro required na lahat ay mag-aalala sa kanya, dapat silang mag-alala kay Adelise.

Habang naglalakad siya nang mabilis ay biglang may sumigaw sa kanya. "Xandrei!" habol ni Kazimir, sinundan pa ito ni Yara at Yeli kaya huminto siya.

"Actually, kanina pa namin siya tinawagan," hingal na hingal si Yeli. "Pero hindi niya sinasagot." Nag-aalala naman ang tono ng boses ni Yara.

Napahawak sa noo si Kazimir at tumingin sa kawalan samantalang hindi maipaliwanag ang reaksiyon ni Xandrei. Sana walang mangyaring masama sa nag-iisang taong mahal niya. Kahit ano ang gagawin niyang pagpapagaan ng loob, hindi maiwasang mag-alala ni Xandrei at kailan man ay hindi mapapanatag ang loob nito kapag hindi niya makitang ligtas si Adelise.

BRING THEM BACK (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon