Kanina pa ako nakatingin kay Louri at Xandrei. Sa bawat galaw nitong Louri ay napansin kong may halong landi. Sa paraan ng paghawak niya kay Xandrei, 'yong mga ngiti din niya! Grabe kung makadikit,
Teh! boybesprend mo lang iyan pero sa'kin ma inlab iyan!! Sarap ibalibag!
"Students, this is an American Alligator--" sabay turo ni Madeline sa buwaya. Karamihan naman sa kanila ay namangha at animo'y ngayon pa lang nakakita ng buwaya. Magsasalita na sana siya, pero bigla siyang inunahan ni Celia, kaklase namin.
"Miss, is that eating people?" tanong nito at may iba namang napatawa.
"Alligators are efficient predators and eat just about animals that comes near, including fish, birds and reptiles. They rarely attack humans unless provoked." sagot niya at napatango-tango naman kami. Sunod ay tinuro naman ni Madeline ang buwaya, na naman?
"Ahhh, magkakaiba sila kompara sa American Alligator." anang kaklase namin at tumango naman si Madeline.
"Yes, exactly. Chinese Alligator. The local name for this species is Yow-Lung or T'o meaning Dragon. Some writers think that the mythical Chinese dragon was, in reality, the Chinese Alligator." paliwanag nito. Napatingin naman ako sa ibaba ng tulay kung saan ang buwaya. Para sa'kin, magkamukha lang naman silang lahat,
"Tsk. Pareho lang naman silang buwaya." bulong ni Yeli sa'kin dahil nakarinig kami ng mga sinasabi nila na mas pangit daw ang Chinese Alligator, kesa American. Napangisi tuloy kami ni Yara.
Nagpatuloy kaming lahat sa paglalakad at nang makalagpas na sa tulay ay dumaan kami sa isang lugar kung saan makikita mo ang mga iba't ibang klase ng mga pagong. Isa isa naman tinuro ni Madeline ang mga ito, gaya ng Aldabara tortoise, box turtle, Alligator snapping turtle, leopard tortoise, Galapagos tortoise at marami pang iba.
Kahit na karamihan sa amin ay napalaglag ang panga dahil sa paghanga, mayroon ding iba na parang walang pake alam at nakay Madeline lang ang tingin, mayroon ding hindi. Isa si Xandrei sa tinutukoy ko.
Habang busy sila sa pakikinig kay Madeline, hindi ko maiwasang mapatingin kay Xandrei at maawa kay Louri. At the same time naman ay nakakatuwa. Gusto niyang hawakan ang kamay nito, pero padabog naman itong binitawan ni Xandrei. Dahil sa sakit ata ay napahawak nalang si Louri sa kanyang pulso.
"Mas nag eenjoy ka pa ata manood sa dalawang iyan kaysa mga hayop." biglang bulong ni Yara at pa simple naman akong tumango saka ngumisi.
"Hirap talaga 'pag hindi ka gusto ng isang tao." halos matawa kong sabi at ganoon na rin siya.
Pero biglang naagaw ang aking paningin dahil kay Kazimir na kumakaway sa'kin at nakangiti. Ayon na naman ang hindi maipaliwanag na ugali niya. Ang first impression ko sa kanya ay may pagka masungit at playboy, pero bigla nalang nagbago ngayon. Kumaway naman ako sa kanya pabalik at ngumiti din.
Medyo boring ang araw na ito, marami sa amin ang nag e-enjoy at tuwang-tuwa dahil sa mga hayop. Pumunta kami sa lugar kung saan ang mga leon at mga tsite. Ang cute nila kahit malaki at noong nasa malayo palang kami ay rinig na namin ang mga dagundong nito.
Pinasuot nila kami ng plastic gloves at isa isang binigyan ng karne para ibigay iyon sa mga nakakulong na leon. Iilan lang ang hindi sumubok dahil sa takot at pobya kaya nanonood lang sila.
Ngumiti naman ako sa leon at nag aalinlangang ibigay ang karne na hawak ko. Napansin ko din ang panginginig ng aking kamay at tuhod, kasabay niyon ang malakas na paghuni nito at naging dulot ng aking kaba.
Baka kainin niya ang kamay ko.
"Again, kung natatakot kayo at hindi niyo kaya, just call Madeline for help or better just watch instead." anang teacher namin. Pero gusto ko ako lang at kahit na nahihirapan ako ay pinilit ko pa rin.
BINABASA MO ANG
BRING THEM BACK (Completed)
Ficción GeneralLosing a friend is like losing a gem. But she lost more than a friend including her family and their own institution. Martel University, the effect of her family's hardwork that is now carried by a wrong hand. Moreover, she can't also accept that he...