Goodmorning Sunday! Linggo na ngayon at masaya naman ako kahit naparusahan kaming tatlo nila Yara at Yeli, although napapahiya pa kami. Pero ok lang naman kasi hindi masyadong malala ang pinapagawa ni Madame Fe sa amin. Huwag kang mag aalala sa picture frame, hindi nila nabawi iyon...
NANDITO na kaming lahat sa parking lot ngayon. Tuwang tuwa ang mukha ng mga kaklase ko, lalo na sila Ali at Jared. Ina-anunsyo kasi ng teacher namin kahapon sa science na may field trip kami at ang mas nakakatuwa pa ay mag civillian lang kaming lahat. May PE uniform naman pero karamihan sa mga kaklase ko ay gusto mag civillian, maging ako rin.
Habang nag aantay sa aming bus ay bigla akong tinawag ni Yeli na papalapit sa'kin.
"Adelise! Bad news! Bad news!" agad naman nanglaki ang mata namin ni Yara.
"Ano 'yon?"
"Naubos na ang gummies sa cantee--"
"Ano?! Pati ba naman ngayong pupunta tayo sa fieldtrip?! Tsk." sigaw ko at nag krus ng braso. Hinahanap ng mata ko si Xandrei, pero iba ang nakita ko. Class 1A
Hindi ko inaasahang nandito rin ang taga ibang section. Naka civillian din sila gaya namin, ang aastig ng mga porma nila at naka fierce pa. Idagdag pa natin ang suot ni Beatriz at ng mga kasama niya, lalo na si Jasiri. Kay louri ay simple lang din at nakakaagaw pansin ang orange halter niya, ang ganda rin ng pattern. Samantalang ako ay simple skirt lang at white T-shirt.
Nasagip ng mata ko si Kazimir na naglalakad papunta sa'kin habang nakangiti. Dahilan iyon para matulala ako sa kaniya. Ang gwapo niya, naka puting shorts siya na hindi lumampas sa tuhod, itim naman ang kanyang polo at rubber shoes. Bagay sa kanya ang suot niya, lalo na ang itim nitong shades.
Lumapit siya sa'kin, "Goodmorning, Who's you're looking for?" tanong niya at natauhan naman ako. Ngayon ko lang din napansin ang karamihang nakatingin sa'min, talaga?
"A-Ahh...S-si Xandrei--"
"Bakit naman?" nagbaba ako ng tingin at kasabay niyon ang pagbilis ng tibok ng aking puso. Nagsisisi ako kung bakit ko nasabi ito.
"Ano...K-Kas--"
"BOTH SECTIONS BE READY!" biglang sigaw ni Mrs. Quezada. Siya ang teacher namin sa history at Science. Sumunod naman ang mga estudyante sa kanya at kami rin ay naghanda.
"Bakit nandito rin kayo? May fieldtrip din kayo?" tanong ko kay Kazimir at tumango naman siya. Hinanap ko sila Yara at Yeli, 'yon pala ay kasama nila Ali at Jared.
Dumating na ang dalawang bus na sa palagay ko ay iyon ang aming sasakyan. Hindi pa rin masaya ang aking mukha dahil wala kaming baon na gummies.
"Class 2A, dito kayo!" si Mrs. Quezada. Pumasok naman ang iba naming kaklase, pero lumingon muna ako kay Kazi.
"Mas maganda iyon kasi marami tayo. S-Sakay na 'ko," paalam ko at sasakay na sana, pero nagulat ako nang bigla niyang hinawakan ang kamay ko dahilan ng aking kaba.
"Sa amin ka nalang sumakay," sabi niya at ngumiti. Hindi ko maitatangging ang gwapo niyang gumiti, nagbaba nalang ako ng tingin sa aking kamay na hawak niya bago bumitaw. "I can ask Mrs. Quezada for that--"
"P-Pero--"
"Pleeaassee??" aniya at nagsusumamo, wala na akong magawa kundi ang tumango nalang, agad namang lumiwanag ang mukha ni Kazi.
Umayos siya ng tayo at aktong yayakapin ako, pero nagulat ako nang may isang kamay ang pumigil sa kanya at dahilan para mapaatras si Kazimir.
"Kahit kapatid pa kita, hindi ko hahayaang gawin mo iyan." ganoon nalang ang gulat ko sa sinabi ni Xandrei. Kay tagal ko siyang hinanap at buti naman ay nagpakita na siya. Natuwa ako nang makita siya, pero huwag naman sa ganitong paraan na mag aaway sila.
BINABASA MO ANG
BRING THEM BACK (Completed)
Ficção GeralLosing a friend is like losing a gem. But she lost more than a friend including her family and their own institution. Martel University, the effect of her family's hardwork that is now carried by a wrong hand. Moreover, she can't also accept that he...