Isang minsahe ang bumungad sa aking umaga. Pagkatapos kong maligo ay pumunta ako sa kusina kung saan makita mo si Yarang nagluluto.
Hindi ko pa binasa iyon dahil umaga palang ay gutom na ako. Umupo nalang ako para kumain.
"Oh? Uupo lang kayo diyan? Nakakahiya naman sa inyo" sabay kaming napalingon ni Yeli sa isa.
"Lol! Matagal mo nang ginawa ito Yara ah? Ngayon kapalang nagreklamo? HAHAHA" biro ni Yeli pero inirapan lang siya ni Yara.
"Baka naman walang nag goodmorning sa kanya" halakhak ko at napasmirk naman siya.
Inilapag na niya ang tortillas at hotdog sa maliit na table, saka siya nagsalita. "Phew! Y'all should thank me for cooking this." ani Yara at nag aktong parang chef dahilan para mapasmirk kaming dalawa ni Yeli.
"Pffft. Eh hotdog lang naman at itlog ang luto mo! Gosh!" pinandilatan ni Yara ng mata si Yeli dahil sa sinabi nito.
"Didn't you appreciate that? Iiyak na'ko mga pusang ina!" ani Yara at nagtatampo. Nagsalita na'ko para matapos ang kagaguhang 'to.
"Psh! Stop na 'yan, nasa harap tayo ng pagkain. Maya na ang biro sa room." sita ko at buti naman ay tumahimik na ang dalawa at nagsimula na kaming kumain.
Habang kumakain kami, napapitlag ako sa biglang pagtunog ng isang speaker. Nasa likod ko pala ang maliit na speaker na nakadikit sa bubong, kaya ganoon nalang kalakas iyon para sa'kin. May nagsalita doon kaya nakinig kami ng mabuti. Announcement ata.
["Goodmorning my beloved students! Our headmistress announced that today, we'll have a shorten time. Five subjects and classes will be lasted within 30 mins and the rest are not considered to be in this day."]
Napalingon kaming tatlo sa isa't isa at kita ko ang saya sa kanilang mukha, bago nagsalita ulit ang speaker.
["We'll have a program this afternoon and all students should cooperate. After lunch, all students must be in the gym already. That's all for now, thankyou."] at namatay na ang speaker.
"May alam ba kayo kung para saan iyon?" tanong ko sa dalawa pagkatapos naming kumain. Pero umiling lang ang mga 'to habang nag aayos.
"Basta hindi nila sasabihin kung tungkol saan ang program ay wala nang kwenta para sa'min 'yon. Tamang tago lang sa room at magselpon" ani Yara at mukhang ready na siyang pumasok.
"Bakit naman? Ibig sabihin ba, hindi kayo sumunod sa rules? Bawal ang cellphone diba?" taka ko silang tinanong at lumingon naman sila sa'kin. Si Yeli ang nagsalita.
"Hindi naman sa gano'n, pero maaari din. Kahit na kunin nila, eh matitigas pa rin ulo namin at bibili kami ng bago. Hehe" aniya at mukhang proud pa. Gaya ni Yara ay handa na rin siya. Simpleng tango nalang ang naging sagot ko saka lumabas na sa dorm para pumasok.
Ang first subject namin ay Fashion or Cosmetology. Actually, mga girls lang ang kaklase ko dito, including other sections. Katulad ng Tve 'yon, pero wala kaming klase dahil wala daw ang teacher. So we moved to next subject, which is Technical Drafting. Ngayon ay nagpoproblema na ako sa kakulangan ng gamit,
"Kompleto kayo ng gamit?" tanong ko sa dalawa bago buksan ang pinto para pumasok. Tumango naman sila dahilan ng pagyaning ng aking dibdib sa kaba.
"Bakit? Wala ka ba, Adelise?" ani Yeli, tumango ako na may halong pagmamakaawa.
Bago sila makapagsalita ay biglang bumukas ang pinto at napatalon kami sa gulat. Isang lalaki na may katandaan na at mukhang masungit ang bumungad sa'min. Agad na napayuko silang dalawa, kaya gano'n na rin ako at sabay bumati sa kaniya.
BINABASA MO ANG
BRING THEM BACK (Completed)
General FictionLosing a friend is like losing a gem. But she lost more than a friend including her family and their own institution. Martel University, the effect of her family's hardwork that is now carried by a wrong hand. Moreover, she can't also accept that he...