Sa hindi inaasahang pangyayari, nagawa na ni Maximo ang matagal niya nang gustong gawin. Sa una pa lang, alam na niyang buhay ang anak ng pamilya Maurin, si Adelise Maurin. Bukod sa hindi siya makapaghintay, ngunit kailangan niya pa ring hintayin ang tamang panahon. At dumating na nga ang panahong iyon.
Hindi pa rin humihinto sa pag-agos ang mga luha ni Xandrei habang buhat nito si Adelise. Kahit kailan ay hinding hindi niya tinuturing na ama si Don Maximo at kulang na lang kanina papatayin na niya ang matanda.
Naliligo sa dugo at walang malay ang sinapit ni Adelise. Ang pagkakataon niya upang talunin si Maximo ay nasayang lamang. She doesn't deserve this.
Karamihan sa mga tauhan ni Don Maximo ay binawian ng buhay dahil sa pakikipaglaban. Ang iba naman ay sumuko at nahuli ng mga pulis na kasama ni Alexander Severro. Nabigo rin si Don Maximo at dapat na ihanda ang sarili para sa haharapin na kaso.
"W-what..." Napatigil si Alex nang makita niya ang walang malay na si Adelise. Tatanungin niya na sana si Xandrei, pero alam niyang hindi siya magawang sagutin nito kaya tumahimik na lamang siya.
Mabuti na lang ay dumating si Alexander kasama ang mga pulis para iligtas ang dalawa kung hindi pareho na silang walang malay ngayon at ang tagumpay ni Don Maximo.
Hindi niya maiwasang mapaisip sa mga nangyayari hanggang dito na sa loob ng kotse. Nandoon sa likuran sina Xandrei at Adelise habang nagmamadaling pumunta sa hospital.
Kung makatingin si Alex kay Xandrei, kung gaano kalala ang lungkot sa mukha nito, ang pag-aalala niya sa dalagang Adelise ay sapat na para mapagtantoan niyang mahal ni Xandrei si Adelise Maurin...
ANG sakit ng pagkamulat ko sa aking mga mata nang bumungad ang puting pintura ng kisame. Ramdam ko ay parang ang gaan lang ng sarili ko habang nakahiga sa kama. Parang nakalutang at hindi makagalaw.
"N-Nay..." Iyon lamang ang tanging nabigkas ko nang biglang may gumalaw sa may gilid ko. Napahawak siya sa bibig at biglang sumigaw.
"Nay! Gising na si Ate!" tawag sa kanila ni Agnes at madali namang pumasok sina Tatay at binigyan ako ng mahigpit na yakap. Hindi ko alam kung ano ang nangyari sa'kin.
"Mabuti gising kana, anak." labis ang tuwa sa mukha ni Nanay. Maging silang tatlo ay ganoon ang reaksiyon.
"A-ano pong nangyari?" tanong ko at nagbago naman ang reaksiyon nila.
"Grabe, ate! Mahigit dalawang araw kana pong natutulog dito. Hindi kabilang noong nasa ospital kapa." giit ni Agnes at parang natutuwa pa.
Si Tatay na ang nagsalita, "Anak, kalimutan mo na ang lahat ng iyon. Basta ang mahalaga ay buhay ka--"
"I forgot that already." Bigla akong tumayo pero agad naman nila akong pinigilan.
"Dahan-dahan lang, anak. Hindi pa magaling ang sugat mo." wika ni nanay.
"Ok lang, nay. Sugat lang iyan, buhay pa ako." pagmamatigas ko ng ulo at tumayo pa rin pero dahan-dahan lang. "See?" humarap ako sa kanila na parang walang problema, pero deep inside-Ang sakit ng sugat ko.
Ilang segundo ay bigla naming narinig ang pagtahol ng aso sa labas. Bigla namang tumayo si nanay mula sa pagkakaupo sa aking kama. "Baka may tao sa baba, tignan ko muna kung sino." Lumabas siya sa kuwarto at sumunod din sa kanya si Agnes.
"Alam kong masakit pa iyan, Adelise. Hindi ka pa masyadong magaling kaya umupo ka diyan." wika ni tatay at lalabas na sana, pero agad ko siyang tinawag.
"Tay! Pwede po bang bumaba?" kumurap ako ng dalawang beses habang nakangiti. Napabuntong hininga na lamang siya at hindi kinaya ang katigasan ng aking ulo.
BINABASA MO ANG
BRING THEM BACK (Completed)
General FictionLosing a friend is like losing a gem. But she lost more than a friend including her family and their own institution. Martel University, the effect of her family's hardwork that is now carried by a wrong hand. Moreover, she can't also accept that he...