Hindi ko mapipigilang mapapaisip dito sa dorm, masyado nang naguguluhan ang sarili ko na tungkol lang din sa 'kin. Marami rin akong dapat na gagawin at isa si tito Alex sa mga nais ko. Nakatitiyak kasi akong may alam siya sa nangyayari noon at paano iyon nagawa ni Maximo. Isa na rin si Don Maximo sa pinagkakaabalahan ko, paano ba 'to? Ang bata ko pa para sa mga sitwasyong ito, idagdag pa natin si Xandrei. At saka iyong nangyari sa amin kanina; wala na talaga akong mukhang maihaharap sa lalaking iyon, siya lang din naman ang nagpaumuna ng halik.
Napasubsob na lamang ako sa study table at iniling-iling ang sarili. Huli ko nang mapansin sila Yara at Yeli na kumakain ng salad na binili nila sa cafeteria.
"Kita mo? Matik nawalan ng trabaho si mrs. Quezada dahil kanina." rinig ko ang salita ni Yeli habang ngumunguya. Isa pa ang teacher na 'yon, magaling siyang magturo pero ang harsh ng ugali niya.
"Sino kaya ang kapalit niya bilang Science teacher natin?" usal naman ni Yara at saka pansin kong bumaling ito sa 'kin. "May alam ka ba, Adelise? Feel ko lalaki siya, hindi kaya tatay mo?" Maging ako rin ay nagulat kay Yara. Maaaring si dad, pero alam kong hindi iiwan ni Dad ang Rosswell high.
Umiling naman ako at kumuha ng gummies malapit sa PC saka muli kong narinig si Yeli. "Mukhang may weird sa 'yo-omg! Baka tungkol kay Xandrei na naman 'yan?" tili niya sa 'kin at ngumiti ng nakakaasar. Inirapan ko naman silang dalawa.
Kinabukasan, pagkatapos ng 2nd period namin ay ang History na. Simula kanina ay hindi ko na nakita si mrs. Quezada, nakakaawa naman siya, pero feel ko naman ay deserve niya 'yon.
Habang nag-aantay sa new teacher namin ay sandali akong napatingin kay Xandrei sa likod at sakto namang nakatingin din siya sa 'kin. Nagawa kong tagalan ang mga tingin ko sa kanya pero hindi hanggang bigla siyang ngumiti sa akin na dahilan ng pagtalon ng aking puso. Napapikit na lamang ako at inaaming kinikilig, first time ko kasi siyang makitang ngumiti at ang laki ng epekto niyon sa 'kin.
Ilang sandali ay nawala na lang iyon ng biglang pumasok ang isang lalaki na medyo hindi katandaan. Matangkad, mukhang mestiso at ang maamo niyang mukha na mas maamo pa kay Kazimir. Ang matangos nitong ilong ay nakadagdag ng kaguwapuhan niya, pero mas naaagaw ang pansin ko sa kanyang hikaw na nasa kaliwang tainga. Nang dahil nga gwapo ito ay doon umusbong ang tilian ng mga kaklase namin, lalong-lalo na sa mga babae gaya nila Yara at Yeli.
"Omg! I c-can't--"
"Ughh! Mr. Hot Professor!"
Sinenyasan niya kami na tumahimik gamit ang mga daliri nitong mataas. Pagkatapos niyang ilagay sa lamesa ang mga folders ay doon na siya nagsalita dahilan para mawala na ang kaninang tilian.
"Hi, I'm Fiore Caldwell. A handsome but strict teacher, I descipline my students and love them." Biglang nagtama ang paningin namin ni Sir Caldwell, ewan ko pero bigla akong kinabahan dahil nagtatagal ang mga tingin niya sa 'kin. "So, you must be Adelise Zhen?" tanong nito sa akin ngunit hindi ako makagalaw.
"Yes, sir! And I am Yara Aguilar--"
"Sir! I'm Yelizavet--"
"Dianne and I'm single"
Marami ang nagpaunahan sa pagpapakilala ni Sir Caldwell at hindi ko maipaliwanag ang itsura nito ngayon. Pero, bigla na lang naglaho ang ingay at sigawan nang mapagtantoan naming tumayo si Xandrei. Nagulat naman ako at pati na rin si Sir Caldwell.
"Ang tagal mo namang matapos magpakilala, baka hindi ka aabutin ng dalawang araw dito." sarkastikong si Xandrei habang salubong ang kilay. Kitang kita ko kung paano ito naiirita kay Sir. Umayos naman si Sir Caldwell at nagsalita.
"I'm sorry? Mr. Severro, you can take your seat now." utos nito. Walang magawa si Xandrei kundi ang umupo na lamang.
Nasasayangan ako sa ngiti niya kanina, okaw na sana iyon. Pero bwesit eh, nasira na naman iyon.

BINABASA MO ANG
BRING THEM BACK (Completed)
General FictionLosing a friend is like losing a gem. But she lost more than a friend including her family and their own institution. Martel University, the effect of her family's hardwork that is now carried by a wrong hand. Moreover, she can't also accept that he...