Agad akong nakagising sa malakas na pagring ng phone ko. Madaling araw na at masyado pang maaga. Pagtingin ko sa phone ay 2 am pa, may 3 missed calls din ako galing kay mama. Nagulat ako at agad kong dinial ang number nila.
["Sorry, you don't have enough load to reach this call..."]
da faq! Wala pala akong load.
Napansin kong gumalaw si Yara dahilan para matakot ako, baka naistorbo ko ang pagtulog niya. Tae! Ano gagawin ko?
"Adelise? Bakit gising kana?" nabigla ako sa tanong ni Yara, napahilamos siya sa kaniyang mukha at tumingin sa akin.
"May sari sari store ba rito?" diretso kong tanong at napalitan naman ng pagtataka ang mukha niyang inaantok.
"H-Huh? Bakit naman?" bumaba siya sa loftbed at may kinuha sa cabinet. Ito ay isang elevated bed, tulad ng double deck/bunk bed, ngunit kung wala ang mga mas mababang kama, naglalaya ng espasyo sa sahig para sa iba pang mga furnitures, tulad ng isang desk na maaaring itayo sa kama ng loft.
"May 3 missed calls ako galing kay mama, natatakot ako baka emergency iyon at wala akong pangload." paliwanag ko at lumingon naman siya sa'kin, bakas rin ang pagkagulat sa mukha niya dahilan para magtaka ako.
"May phone ka pala?" hindi makapaniwalang tanong niya at kumunot naman ang noo ko.
"What?"
"Martel University, doesn't allow gadgets to students. There's a limited time actually, weekends, if you want to talk with your family. Pero it's monday, and why your phone is with you?" nakataas kilay niyang tanong. Maging ako rin ay hindi ko alam kung bakit. "Pero nah! Matitigas ang mga ulo ng estudyante dito, kahit na bawal ay meron pa rin silang cellphone pero tinatago lang nila. Gaya ni Yeli. Pero as a good student, sundin natin ang dapat sundin."
"Baka nakalimutan lang nilang sabihin sa'kin. Pero kailangan ko talagang kumostahin parents ko. May way ba?" pagmamakaawa ko. Nakita kong napaismid siya at saka tumango.
"May way, pero hindi ako ang gagawa" sagot niya at nagtaka naman ako.
"Kung gano'n, sino?"
"Ako," napapitlag ako nang may nagsalita galing sa likod ko. Iyon pala ay si Yeli, narinig ko naman ang pagtawa nilang dalawa dahil sa naging reaksiyon ko.
"Loka kayo! Nagulat ako doon ah." sabi ko nang makalabas na kami sa kwarto.
Pagkalabas namin ay dumiretso si Yeli sa cr para maghilamos at kami naman ni Yara ay umupo sa tuxedo sofa habang inaantay siya.
Ang average size ng dorm na ito ay nasa 130 square feet. Puti ang pintura nito pero ramdam ko ang kanilang creativity dahil sa arrangements ng mga furnitures.
"Y-Yara, kayo lang ba nag ayos lahat ng 'to?" tanong ko at bigla naman siyang lumingon sa'kin saka napaisip.
"Hmmm.. Oo, every year. Bakit mo naman natanong?" nakataas ang kilay niya habang yakap yakap sa pillow.
"Wala lang, ang ganda kasi. Nakakasave ng space" sagot ko at napatango naman siya saka ngumisi.
"Eto! Gamitin mo 'to," biglang lumabas si Yeli sa cr habang nakapatong ang towel sa balikat niya. May dala siyang keypad phone at binigay sa'kin. Nagulat naman ako pero tinanggap ko nalang iyon.
"Thanks dito ah, babayaran nalang kit--"
"Oh no, wag na. Maraming load iyan, hehe may kaibigan ako sa labas at siya ang palagi kong inuutusan para makapagload." napa pursed lip smile siya habang may tinitignan sa monitor.
Nag dial na ako sa number ni mama doon at inaantay ang sagot nila. Hindi nagtagal ay sinagot niya naman iyon dahilan para mapahinga ako ng maluwag.
"Lo, ma? Napatawag ka sa akin kanina, may problema ba?" nag alalang tanong ko.
BINABASA MO ANG
BRING THEM BACK (Completed)
Genel KurguLosing a friend is like losing a gem. But she lost more than a friend including her family and their own institution. Martel University, the effect of her family's hardwork that is now carried by a wrong hand. Moreover, she can't also accept that he...