10 years ago...
Ako ay nasa isang housekeeping shop at nag iisa lamang. Reunion daw kasi nila dad at gusto nila akong isama pero ayaw ko naman kaya dito nalang ako nanatili. Hindi ko inaasahan na napakalaki ng Martel University na pagmamay ari ni Dad. Sabagay, ngayon ko pa lang ito nakita.
Pinaghihirapan ito ng pamilya namin, si Lolo Francisco Maurin pero wala na siya. Namatay siya sa mismong birthdate ko, natatakot nga ako baka nag reincarnate siya, sabi ng iba. Pero hindi ako naniniwala roon. Masaya na siya sa heaven at natapos na niya ang misyon niya.
Habang naka upo ako sa sofa, hindi ko maiwasang tignan ang scarf na binigay sa 'kin ni Dad. Nakalagay doon ang pangalan ko at ang lastname ko.
Adelise Maurin
This is my favorite scarf, maganda ang tela at kulay krema.
Habang busy kakatingin sa scarf ko, biglang may narinig akong isang kaluskos galing sa kusina dahilan para bigla akong kabahan. Agad kong nilagay sa bulsa ang panyo at kinuha ang vase na nasa tabi. Mas lalo akong natakot nang biglang marinig ang malakas na pagbagsak ng isang plato at sigurado akong nabasag iyon. Ang kaninang kaba ko ay mas lalong nadagdagan.
Dahan dahan akong pumunta malapit sa kusina, baka magnanakaw iyon. 7 years old pa ako pero mahilig ako sa action. Handa na ang vase na panghampas ko sa magnanakaw at inaantay ko siyang lumabas sa kusina para ihampas iyon.
Napansin kong hindi pa lumalabas iyon at may naamoy rin akong pagkain. Astig naman ng magnanakaw, sakto gutom na ako. Pagkalabas niya ay hahampasin ko sana siya pero hindi natuloy iyon ng makita kong isa pala siyang bata katulad ko. Napako ako sa kinatatayuan at biglang kinabahan, bitbit niya ang tray na may mga pagkain.
"Uhm, Ikaw ba si Adelise?" tanong niya pero nanatili lang akong nakatulala. Hindi ko alam kung bakit ang tagal kong pinagmasdan ang mukha niya. Matangkad siya at g-g-gwapo.
"Excuseme? Nakita mo ba si Adelise?" tanong ulit niya at natauhan naman ako.
"A-Ah o-oo! Ako iyon! B-Bakit?!" naiiilang na tanong ko at nagtaka naman siya pero hinayaan nalang niya.
"Ako si Caldence, ayaw ko sa maraming tao kaya sabi ni tito Francisco dito lang daw muna ako para may kalaro ka." nakangiting hayag niya at hindi ko alam kung ano 'tong nararamdaman ko. "Ah gusto mong kumain? Halika dito sa lamesa," dagdag niya at umupo doon. Hindi ko alam kung bakit mabait siya sakin. Mas lalo tuloy akong naiiilang.
Sumunod na lang ako sa kanya at tinignan
kung anong niluto niya. Kaya siguro ang ingay ng kusina at may nabasag pang plato. Ni hindi ko rin napansin ang pagpasok niya dito."A-Anong pangalan mo?" tanong ko at lumingon naman siya sakin.
"Nasabi ko na sayo kanina ah, nakalimutan mo na ba? Tss." halos matawang aniya.
"Ah ano nga iyon? C-Cald-dero?"
"Pfft... Hahahahahaha," mas lalo siyang tumawa. Mas lalo siyang gumwapo tignan kapag nakangisi. Biglang uminit ang pisngi ko at yumuko nalang. Wala naman nakakatawa, abnormal ata 'to.
"Haha sorry. Uulitin ko, Ako si Caldence Severro, anak ni Alexander Severro at Marcella Severro, at itinadhana sa'yo."
'Itinadhana sa'yo'
"HAHAHA syempre joke lang. Gusto mo naman?" matawang sabi niya ulit at inirapan ko nalang siya. Bigla na lang nawala ang kaninang kaba ko dahil sa dagdag niya.
"Astig naman ng biro mo, hindi nakakatawa." nawala ang ekspresyon ko.
"Pero nakakatuwa?"
"Hindi rin," asik ko at nag krus ng braso. Mabuti naman at natapos na siyang tumawa at nakahinga naman ako ng maluwag.
BINABASA MO ANG
BRING THEM BACK (Completed)
General FictionLosing a friend is like losing a gem. But she lost more than a friend including her family and their own institution. Martel University, the effect of her family's hardwork that is now carried by a wrong hand. Moreover, she can't also accept that he...