Kabanata 4

57 16 0
                                    

Kaba ang nararamdaman ko. Yes kinakabahan ako, that feeling na kaba galing sa kaluluwa, hindi sa puso. I consider this as strange. Kanina ko pa ito naramdaman.

Biglang huminto ang kotse at pagtingin ko sa labas ay andito na pala kami sa parking lot. Pare-pareho lang ang mga sasakyan sa tabi, at sa kabila naman ang mga service ng kanilang estudyante mismo, konti lang. May dorm naman eh alangan namang uuwi sila araw araw?

Pagbaba ko ay wala masyado akong nakitang mga estudyante dito sa labas. Tanghali na kasi and it's already 11 am.

"Ms. Zhen, pasok na po tayo" tawag sa'kin ng guard at sumunod naman ako sa kanya.

--

"WHAT XANDREI?! Are you serious?!" singhal ng kanyang kapatid na si Kazimir. Pasimple naman siyang tumango habang nakaupo sa study table dito sa dorm nila. "Pumayag kang papasukin ang isang hampaslupa dito sa Martel? You'll stand for it!" sigaw nito na ikinasalubong ng kilay ni Xandrei.

"Be carefull with your words Kazi." aniya sa kapatid. Umayos naman ang mukha ni Kazi saka nagsalita.

"Fine, You should be thankful na pumayag sila Mom, lalo na si Dad." pagkatapos niyang sabihin 'yon, pinilit niyang pakalmahin ang sarili niya.

Ilang sandali ay biglang nagvibrate ang phone niya at agad niya naman 'tong tinignan. Napasinghap siya bago magsalita.

"I'll go now, hinahanap na ako ng ex ko" paalam niya at lumabas ng dorm.

Maging si Xandrei ay hindi rin niya alam kung bakit niya nagawa iyon, but he is one-hundred percent sure that Adelise desrerved to be in this university.

--

NANDITO NA ako sa headmistress's office at kakarating ko palang dito. Nakatalikod sa akin ang headmistress nang bigla niyang inikot ang kanyang swivel chair at humarap sa akin.

"So? What's your name?" kalmadong tanong niya. Nakakaagaw pansin ang makakapal niyang salamin, maganda siya at parang nasa 40's. "Hello!" sigaw niya at natauhan naman ako.

"Uh I-I'm Adelise Zhen, 17 years old, maganda, matalino, mabai--"

"Okay! You don't need to tell the whole. Stoopi!" nabigla ako sa sigaw niya. Inayos niya ang kanyang salamin at may kinuha siyang isang papel galing sa drawer, pagkatapos niyang tignan iyon ay saka siya nagsalita. "By the way, I'm Dr. Felisberta D. Russo, the headmistress in Martel University. You can call me madame Fe, that's what I want" pakilala niya sa sarili niya. "So now, Let's have a short interview kung paano ka nakapasok dito? What's the reason?" usisa niya. Umayos naman ako ng upo.

"A-Actually, G-Gusto ko po talagang mag aral dito simula noong bata pa ako, pagkatapos ng aksiden---ay mali, pagtapos ko ng highschool" yeesh! Muntik na iyon! Biglang kumunot ang noo niya dahilan para kabahan ako, napakagat ako ng pang ibabang labi dahil sa kaba.

"Adelise? Your name?" takang tanong niya. Kita ko sa kanyang mata na parang may inaalam tungkol sa akin.

"A-Adelise Zhen! Zhen po ang surname ko!" sigaw ko para mawala ang iniisip niya tungkol sakin. Mabuti naman ay kombinsido siya kaya napahinga ako ng malalim. Whews!

"It sounds familiar, I've heard it before" mas nakakatakot ang kanyang tingin ngayon kompara kanina. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko at hindi ko na alam kung anong gagawin ko.

"Anyways! Forget that. Nga pala, you will be assigned in Class 2A. First building, second floor and tumingin kalang every doors. While we are still deciding which dorm you will be. You may now go" nakangiting ani madame Fe. Tumayo naman ako at nagpaalam sa kanya.

BRING THEM BACK (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon