"Ay naubos na po ang gummies." ganoon nalang ang aking lungkot dahil sa sinabi ng tindera sa cafeteria. Pumunta nalang ako kila Yara na nasa labas at nag aantay.
"Ano? Wala na?" si Yeli, simpleng tango nalang ako habang naglalakad.
"Aysh! Mas maraming benta doon sa labas!" sabat ni Yara at nagkibit balikat naman ako.
"Hindi rin naman tayo makakalabas, tsk. Next time nalang, baka meron na sila." sabi ko at pansin ko naman ang pagtango niya.
Habang naglalakad kami ay may bigla kaming narinig na ingay ng mga estudyante. Nangibabaw ang sigaw at tilian ng mga babae habang nakatingin sa likuran namin. Lumingon naman ako sa likod at ganoon nalang ang gulat ko nang bumungad ang nakangiting mukha ni Kazimir. Mas lalong nanlaki ang aking mga mata dahil sa dala niyang bulaklak,
"Omg! Nakaka sana all!"
"Yiie bagay na bagay sila!"
"Uwu nakakainggitt"
Pagtataka ang lahat ng nasa mukha ko at hindi makapaniwala. Napaka imposible namang liligawan niya ako. Nakita kong may nakatayo din sa likod niya, pero doon talaga naaagaw ang pansin ko sa palumpon ng bulaklak.
Tumikhim siya at nagsalita, "What are you doing?" tanong ni Kazimir na siya namang nagpapaingay sa hallway, uminit naman ang mga pisngi ko at hindi pinahalata. Nagsimula na rin ang kaba at pagkalabog ng aking dibdib.
"E-Eh?" tanging lumabas sa aking bibig, dahil hindi ko alam ang sasabihin. May biglang sumilip sa likod niya dahilan upang matigilan ako.
"Excuseme? Can you please move a little bit? You're blocking, actually."
Ang kaninang sigawan at tilian ay napalitan ng ungol ng pagtataka. Bigla nalang nawala 'yon at agad na napalitan ng katahimikan. Maging ako din ay hindi alam kung anong nangyayari, basta sinunod ko nalang ang sinabi ni Kazi.
Awtomatikong nginitian ako ni Kazimir at saka nilagpasan. Sumunod naman si Xandrei na kagaya niya ay may dalang bulaklak. Pero bigla itong huminto sa gilid ko na ikinalaki ng aking mga mata.
"Next time, you should learn not to be stupid. This is for our visitor, not yours." bulong niya saka iniwan ako.
Para akong nabuhosan ng malamig na tubig dahil sa kahihiyan.
"Naku! Sayang ang kilig"
"HAHAHAHAHA buti naman, sa'tin pa rin ang magkakapatid!"
"Yeah!"
Bulong bulongan ng mga estudyante at unti unting umalis para pumasok na sa klase. Lumapit naman sila Yara at Yeli sa akin.
"Nakakahiya 'yon, gosh!" ani Yeli at hinayaan ko nalang.
Ako rin ay nahihiya, makapal ang mukha lang talaga ang hindi mahihiya sa sitwasyong iyon. Napailing nalang ako dahil sa kakaisip.
Pumasok na sila sa kanilang shop, at ako naman ay sa shop ng Fashion and Cosmetology. Karamihan ay mga babae ang aking kaklase, kaunti lang din ang bakla. Sa shop na ito, makikita mo ang iba't ibang uri ng pampapaganda. Para akong pumasok sa isang salon.
Kilala din ang Martel University bilang school of fashion. Sabi nila ay isa ito sa mga dahilan kung bakit magandang mag aral dito. Actually, may pagpipilian ka. Ang kinuha ni Yara noon ay cookery. Kay Yeli naman ay, Bread and Pastry dahil gusto niyang mag bake. Kaya ayon, nagka hiwa-hiwalay kami.
Para sa akin, napakagastos ng pinili nila. Magastos rin naman ang Cosmetics, pero dito ako magaling, kaya ito ang kinuha ko. Mula sa iba't ibang section ang magiging kaklase mo, kaya napakamalas ko sa part na ito.
BINABASA MO ANG
BRING THEM BACK (Completed)
Ficción GeneralLosing a friend is like losing a gem. But she lost more than a friend including her family and their own institution. Martel University, the effect of her family's hardwork that is now carried by a wrong hand. Moreover, she can't also accept that he...