Kabanata 27

18 2 0
                                    

Biglang nawala ang kanina pang ingay sa loob ng korte. Lahat ay nagulat sa hindi inaasahang pagdating ni Madame Fe.

"Mrs. Russo, we didn't expect you will come here as how you excused earlier." -judge

"I'm sorry, but we need to continue now Or should I say we need to end this here."

Biglang tumayo at sumigaw si Don Maximo, "How unfair! Hindi pa ako nakapagpaliwanag."

"He's right, Mrs. Russo."

She just sighed in frustration, wanting him to give up. This guy will never be right all the time. Sana man lang ay hihilahin si Maximo ng konsensya kagaya niya.

"I can't believe magagawa ito ng sarili kong asawa. Nang dahil sa kanya ginawa ko ang lahat, mapabuti man o mapasama..." pagtutumangis ni Don Maximo. "...dahil ayaw kong mawala siya, ang anak na dinadala niya noon." dagdag nito.

Natuon sa kanya ang atensyon ng lahat lalo na si Adelise, habang ito'y nagsalita sa gitna.

"Kung wala lang sana akong nagawa, edi wala kana, Fe, wala na si Kazimir. T-tapos sa huli ay nagawa niyo pang kampihan sila."

Napansin ni Adelise na napayuko si Kazi at gusto niya sanang makiramay, kaso lang ay hindi niya ito magawa.

"Ayon kay mang Kanor, ikaw daw ang nasa likod ng lahat ng pangyayari. Tama ba, Don Maximo?" -Adelise' Lawyer

Sumimangot si Don Maximo

"Pa ulit-ulit na lang ba? Oo! Inaaamin ko na! Matagal ko na kayong sinabihan, pota."

.

Natapos ang kanilang pagsasagutan nang wala namang nagawa si Don Maximo. Siya ay nakulong ng walong taon at sa wakas ay mababawi na ng nag-iisang Adelise Maurin ang pinaghihirapan ng kaniyang pamilya.

Kung ating titingnan na madali lamang ang proseso, kahit napakadali lang para sa kanya ang pagbawi niyon na sa totoo naman ay dumaan siya sa paghakbang ng kalsada na puno ng pagdurusa. Ngunit sa kabila no'n ay may mga katanungan pa ring hindi pa nasasagutan...

"Mr. Russo, may gusto pong kumausap sa'yo." tawag sa kanya ng pulis habang siya ay nakatulala sa loob ng kulungan. Mag-isa at puno pa rin ng problema.

Hindi nagsalita si Maximo at sumunod na lamang. Doon niya naabutan sina Kazimir kasama ang anak niya. Nandoon si Felisberta na walang emosyon ang mukha, pero ramdam naman nito ang lungkot niya. At si Xandrei, kagaya ni Madame Fe pero walang lungkot sa loob niya.

"How are you dad?" pag-aalala ni Kazi.

"Cranpaa!" biglang sumali sa kanilang pag-uusap ang anak ni Kazi. Ngunit, hindi man lang pinansin ni Don Maximo ang kawawang apo.

"Nasaan ang asawa mo? Ba't dala dala mo 'yan Fe?" giit ni Maximo na ikinasama niya ng tingin.

"Pati ba naman ngayong nakulong kana ng ilang buwan, Maximo. Hindi mo pa ba tanggap ginawa ng anak mo?" kunot-noong si Madame Fe. Hindi kumibo si Maximo.

"Hayaan mo siya, mom." Pinakalma ni Xandrei ang kanyang ina at nagulat naman si Fe ng walang dahilan.

"Pumunta sa Japan si Louri, kasama ang parents niya. Next week pa kami hahabol ni Kai." ang kanyang anak na si Kai ang tinutukoy ni Kazimir.

Tumango-tango lang ang naging sagot ni Maximo at parang walang interes na makinig sa kanyang pamilya.

"We will visit you again soon if you are okay." Tumayo si Xandrei at umalis sa kinauupuan nila. Hinabulan pa siya ng tingin ni Maximo, pero hindi nagtagal ay bumaling siya sa kanyang apo at tinitingnan ito ng matagal.

"I have nothing to say about him. He's just a mistak--" Hindi nito natapos ang salita nang biglang tumayo si Kazimir at aaksiyon na sana, pero agad naman itong napigilan ng sariling ina.

"H-how could you..."

"Umayos ka, Kazimir. Maraming mga tao at the nandito ang anak mo." Sinunod naman ni Kazimir ang ina at tumayo na para umalis.

Ngayon ay si Don Maximo na lang mag-isa, pero bago pa man ito makapasok sa kulungan ay biglang may nagsalita sa likod nya. Isang lalaking nakatayo habang nakapamulsa.

"Hindi ka pa talaga okay, Don Maximo." kalmadong si Xandrei.

"Komusta ang Martel ngayon? Ano? Tss, siguradong ang pangit na no'n." ngisi ni Maximo.

"Noong ikaw pa ang hawak niyon, sa tingin mo ba maganda?"

Napawi ang kanyang ngisi at napunta ang tingin kay Xandrei. Unti-unti na ring nagsalubong ang kilay nito

"Kasalan nyo 'to e, isa pa 'yang nobya mo."

"Don't include her. You didn't even realize, because of her nawala ang kapangitan ng Martel. Isa lang ang ibig sabihin no'n, siya ang karapat-dapat at hindi ikaw--"

Biglang tumayo sa galit at pikon ang Don Maximo ngunit hindi niya nagawa nang agad siyang napigilan ng mga pulis at kinaladkad ito papunta sa kulungan.

"I will make you pay for all!" sigaw niya habang nagpupumiglas samantalang walang naging reaksiyon ang Xandrei.

"Mas may alam ako sa inyo!" sigaw pa nito.

Pero huli na ang lahat nang nakalabas na si Xandrei. Napabuntong hininga ito bago pumasok sa kotse.

'Pwes! Napakamalas nila na may alam akong hindi pa nila nalalaman. Iyon lang naman ang ikakamatay ng pinakamamahal nyang Adelise Maurin. Hindi pa nababawi ng Adelise ang tunay na hustisya sapagkat hawak ko iyon. Kung ganoon ay may natitira pa akong kapangyarihan at ito lamang ang makakaligtas sa akin...'

Iyon ang nasa isip ni Don Maximo at napangiti nang may naiisip na plano.

---
YAY! Nakapag-update na rin ako! Anyways keep safe to the one who's reading this. Thanksomuch u still remember Bring Them Back...

BRING THEM BACK (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon