Kabanata 2

70 16 0
                                    

Madaling natapos ang klase kahapon ng hindi ko namalayan. Masyado kasing kinain ng Martel ang utak namin.

Maaga akong gumising dahil magte-take ako ng exam para maging scholar ako. Sana nga. Hindi ko talaga papalagpasin ang oras na ito. Maaga kasi ang schedule ng Rosswell high base sa nakita ko sa kanilang fb page, so gumising ako ng maaga.

Tapos na akong kumain at habang naghahanda pa ako ay biglang nag vibrate ang phone ko, kaya tinignan ko naman iyon. Isang message galing kay Laurene.

Laurene:
Uy! Where na u? Ikaw nalang inaantay namin.

Adelise:
Nasa Martel na kayo?

Laurene:
Yeah, inaantay ka namin dito wag kang pa special. We're dying girl. -_-+

Adelise:
Oh sige OTW, pakamatay ka lang diyan hehe ^_^


Napansin kong nag reply siya pero hindi ko na tinignan iyon at nilagay sa bulsa ang phone. Tinawag ko si mama para magpaalam na.

"Ma, I will bye bye na!" paalam ko, huminto naman siya sa pagwawalis sa bakuran at lumingon sakin.

"Ang aga naman ata, wala ba kayong klase?" tanong niya.

"Wala po kasi may seminar lahat ng teacher sa Rosswell including papa. Sakto namang ngayon ang sched para sa exam." sagot ko at napatango naman siya.

"Sigurado ka bang doon mo gustong mag aral anak? Pano kung hindi talaga namin kaya ng papa mo ang mga gastusin doon?" problematic na tanong niya. Napa buntong hininga naman ako at inakbayan siya.

"Mama, kaya nga magtake ako ng examination para may scholarship ako, para mabawas bawasan ang gastusin natin doon. Basta ako bahala, support niyo lang ako ma." pagkombinsi ko sa kanya.

"Aba oo syempre naman, iyan lang ang pinaka kaya naming ibigay sayo nak. Suporta" saad niya at agad ko naman siyang niyakap.

"Thankyou ma, hulog kayo ng langit." sabi ko at bumitaw na sa pagkakayakap.

"Oh sige, baka ma late kana't hindi mo na maabutan iyon" aniya at nag ayos naman na ako.

Pagkatapos kong magpaalam kay mama ay agad naman akong sumakay sa taxi. May pasok sila Agnes kaya hindi ko siya nakita ngayon at si papa naman ay nag attend ng seminar kaya taxi nalang ako.

Alam mo iyong feeling na magsisimula ka palang sa paglalakbay? I feel it inside, Aral na aral na ako sa Martel. There's a part of me na gustong gusto kong bawiin iyon, pero paano? I also feel that there's a chance. Ewan ko, naguguluhan ako sa ngayon. I'm not ready, bigla ko nalang kasing nararamdaman.

Hindi nagtagal, ramdam kong nasa Martel University na kami. Sa labas nga lang. Biglang huminto ang taxi at pagtingin ko sa labas ay kita ko na ang matataas at matatayog na building ng Martel U, kung titignan ay parang bagong tayo pa ito at parang hindi lumuluma. Hindi lang matataas na building ang pwede kong makita dahil nasa labas pa kami.

"Dito lang po tayo hihinto maam, kasi para lang sa mga estudyanteng nag aaral doon ang gagamit ng parking lot." biglang sabi ni manong. Kaya pala nasa tabi kami ng isang restaurant huminto. Akala ko pa naman ito na ang parking lot.

"Sige manong ito na po pamasahe ko" tinanggap naman niya ang pera, sakto lang naman iyon at walang sukli kaya lumabas agad ako sa taxi.

BRING THEM BACK (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon