Kabanata 3

68 18 0
                                    

Hindi ko mapigilan ang kakaisip sa kaniya ngayon at kahapon. Masyado rin akong naguguluhan sa sinasabi niya. Hindi raw siya si Caldence at hindi niya kilala kung sino si Caldence.

Arrgghhh bullshit!

"Adelise! Bumaba ka rito, nandito ang mga kaibigan mo" bigla akong tinawag ni mama habang nakahiga ako sa kama. Agad naman akong lumabas sa kwarto at pagkababa ko ay bumungad sa akin ang malungkot na mukha nila Ryan, Laurene at Jerlyn habang nakaupo sa lounge.

"Oh? Bakit ganyan ang mukha niyo?" tanong ko at umupo sa harap nila. Nakayuko pa rin sila hanggang sa dumating si mama at dinalhan sila ng juice.

"Eto, juice at cake, ubusin niyo iyan" si mama.

"Thankyou po tita Ledesma" tumango naman si mama at umalis na sa harapan namin. Saka ko sila tinanong ulit.

"Uy, bakit? Anong bang nangyari?"

"Hindi tayo nakapasa" natigilan ako sa sagot ni Laurene. Nawala ang ngiti ko kanina sa narinig ko.

"Yes, Malaki naman ang score natin sa examination doon. Pero hinila lang lahat ng 'yon sa parent's occupation natin." malungkot ang mukha ni Ryan.

Ang taas ng expectation ko na makapasok sa Martel University pero nagkamali pala ako. Natatakot ako na baka hindi ko na maibabalik ang pinaghirapan ng pamilya ko noon.

"Hindi kaya ng teacher, Construction worker, Caregiver at OFW lang mga magulang natin. Haayysss nakakalungkot." yumuko si Jerlyn na parang binagsakan ng mundo. I sighed.

"So parang hindi talaga para sa atin ang Unibersidad na iyon. Tama ka nga Ryan" hindi pa rin maalis ang lungkot sa mukha ko.

Natapos ang pag uusap namin at gaya ng araw na ito ay madali rin itong natapos. Nalungkot din sila mama, papa at agnes tungkol sa balita, at wala na akong magagawa.

Kinabukasan, gumising ako ng maaga para pumasok. Pagkatapos kong maligo at magbihis ay bigla namang nag ring ang cellphone ko.

Taka kong kinuha iyon at isang unknown number ang tumawag sa akin. Wala sa sariling sinagot ko naman iyon.

"Hello?"

["Bumaba kana rito, I'm here waiting for you"] nagulat ako nang marinig ang isang pamilyar na boses ng lalaki.

"Teka, sino ka?" tanong ko pero tahimik lang ang linya.

"Helllooww? Uulitin ko, sino 'to?" ulit ko.

["Basta bumaba ka nalang"] turan nito at saka pinatay ang linya.

Nagtaka naman ako at agad na bumaba. Wala sila Mama at Papa dito, pumunta sila sa meeting ni Agnes kaya ako lang mag isa naiwan dito.

Pagbaba ko ay nakita ko ang isang itim na kotse sa harap ng bahay. Nagulat naman ako kung sino ang may ari niyon. Wala sa sariling lumabas ako para tignan kung sino iyon at ganoon nalang ang gulat sa pagbukas nito ng bintana.

"Caldence?!" nanlaki ang mga mata ko at hindi ko inaasahang makita siya. Naka oversized T-shirt lang siya at tumingin sa akin ng naka kunot ang noo.

"How many times do I told you, Hindi ako si Caldence. Mahirap ba intindihin iyon?" aniya habang nasa loob pa rin ng kotse.

Kamukha naman talaga niya si Caldence eh. Mas lalo siyang gumwapo, mas lalong tumangkad at nakaka inlo---wala jk.

"Pumasok kana sa kotse" walang emosyong anito.

"Teka, sino kaba? Ikaw ba iyong may ari ng wallet na nakita ko kahapon? Iyong bente pesos lang ang laman? Xandrei Right??"

"Wrong." napatikom ako ng bibig. "Hindi lang bente ang laman n'on-"

BRING THEM BACK (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon