Kabanata 30

8 0 0
                                    

Mabusilak na araw ang sumalubong kay Alexander dahil sa wakas ay tagumpay niyang naibalik ang lahat sa dati. Maliban sa mga kaibigan niyang namamaalam at asawa niya, marahil ito ay nanahimik na sa panibagong mundo. Ang masalimuot na damdamin noon ay matagal niyang tiniis dahil sa pangingibabaw ng kanilang kaibigang taksil, si Don Maximo.

Tiniis niya ang mahigit sampung taong paninirahan sa isang maliit at ligtas na bahay. Siya ay dati nang pinapahanap ni Don Maximo dahil siguradong isa si Alexander sa mga taong makakapagbagsak sa kanya. Ngunit hindi nagtagumpay si Maximo, kung siya ay ang tuso sa kanilang tatlo ni Francisco, dadaan muna siya sa pagiging alisto ni Alexander.

Si Alex ay hindi madaling lokohin at mukhang sa kanya rin nanggaling ang katangian ni Xandrei. Likas na nakukuha nila ang mga bagay na hindi agad nahuhulaan. Kaya minsan ay alam na nila bago pa malaman ng iba. Ngunit, dumating nga ang panahon na pinaghandaan silang lahat ni Don Maximo. Sa taglay nitong talino ay tagumpay niyang naisahan ang lahat.

Kaya ang pinakamalaking pagsisisi niya ay ang pagtiwala.

Naubos na ang kape sa tasa ni Alexander at agad naman itong tumayo mula sa pagkakaupo sa sofa nang biglang bumukas ang pinto ng kanilang apartment. Biglang pumasok si Xandrei na sa palagay niya ay pagod na dahil kagagaling lamang ito ng assembly tungkol sa kompanyang pinapatayo nila. Ngunit tila walang bahid ng pagod ang mukha nito hindi niya alam kung bakit.

"May goodnews ka?" panimula niya habang nagtimpla ulit ng kape samantalang abala naman ang anak sa paghubad ng kanyang itim na hoodie. Tama, ito lamang ang suot niya sa meeting ng mga malalaking negosyante sa bansa.

Umiling lang si Xandrei. Matagal na niyang alam na siya si Caldence na tinatago ni Don Maximo sa ibang pagkatao. Gusto niyang tawagin ito bilang 'Caldence' dahil siya ang nagpangalan sa kanya noong sanggol pa siya.

But I can't see him as Caldence, he is more like Xandrei. This is him. Basta ang alam niyang tama ay tanggapin siya ng buong buo. Madalas magkasama ang dalawa lalo na sa mga negosyong inaasikaso ni Xandrei. Madalas silang mangingibang bansa kaya darating din ang panahon na mapalapit ang loob ng kanyang anak sa kanya. Bukod doon, may bahay din si Alexander kung saan doon siya madalas mag-isip ng mga bagay. Likas sa kanya ang pagiging mapag-isa tuwing may iniisip na malalim. Iyon ang kanyang paraan.

MALAKAS ang huni ng mga ibon sa labas ng mansiyon ni Lola Trinidad. Mula rito sa balkonahe, dama ko ang mahalimuyak na bulaklak habang nagsisiliparan naman ang mga paru-paro. Kausap ko si Lola Trinidad, masaya at mahina. Nakaupo siya sa isang rocking chair habang inaasikaso naman siya ng mga katulong. Naaawa ako sa kanyang palagay, hindi man gaano marami ang aming pinagsamahan ngunit ang katotohanang lola ko siya ay nariyan.

"Alam mo ba kung bakit pa rin ako masaya, apo?" isang ngiti ang kanyang pinakawalan, nakatingin sa mga makukulay na bulaklak. "Tinaggap ko ang lahat ng pagsubok kahit sa tingin ko'y hindi ko kakayanin. Sinubukan ko ang lahat ng bagay at hinarap ang dapat harapin. At sa huli, wala akong pinagsisihan."

Tahimik ulit ang namamagitan sa amin. Bigla kong naramdaman ang saglit na paggaan ng aking puso sa tuwing sinasabi ni lola na hindi dapat mawalan ng lakas ng loob. Sa lahat ng aking pinagdaanang problema, lungkot o galit, nagawa ko pa ring maging masaya. Tinanggap ko man ang lahat ng iyon, ngunit mas pinili ko pa ring maging masaya.

"You can't skip challenges if it's meant for you. You need to face it" Or else you will not grow as a person.

Mga salita niya. Walang sulok na hindi ako makaka relate. Tiyak na sinadya niyang sabihin ito para sa'kin.

I don't know pero parang maiiyak ako. May halong lungkot at saya. Iniwan ako ng mga tao noon at may dumating namang iba. Hinayaan kong tumulo ang aking luha, hinyaan kong mainis ang aking sarili, hinayaan ko ring masaya ako. Tao lang din naman ako at malaya.

Biglang tumunog ang cellphone ko na bumasag sa katahimikan. Salamat at tiyak na mabibingi na naman ako sa mga ala ala.

Nagpaalam ako kay Lola Trinidad at nang makalabas na sa mansiyon. Pagkapasok ko sa sasakyan, sinagot ko ang tawag ni Yara.

"Adelise, marami na kami rito. Andito sina Xandrei at ang dalawang bookface!" Na-eexcite na boses nito sa kabilang linya.

Ngayon magaganap ang party na pinlano namin, sa next month pa ata ito kasi di namin alam kung anong klaseng party ba. Ngunit napag-usapan din naming ngayon pala ang birthday ni Beatriz at G na G naman siya. Tinupad naman nila ang gusto niyang sa resort at overnight sa hotel nina Yara.

Tumaas naman ang ngiti ko. "Really? Bakit ang aga naman nila, may babalikan pa'ko sa M.U."

"O-o sige basta huwag kang malelate ah?" Sinagot ko siya at ibababa na sana ang tawag ngunit, "Waitt," habol nito

"What?"

Tumatawa si Yara at nagtaka naman ako. "May prank kami sa inyo ni Xandrei-" Hindi iyon natapos dahil rinig kong hinablot ang cellphone niya kaya naputol ang tawag.

Napailing na lamang ako sa ere. Hanggang ngayon, malaki na kami at naiisip pa rin nila yang mga childish pranks na 'yan. Unlike noon, hindi na ako natatakot sa mga prank nila. I don't care. I don't care, Xandrei.

Habang nagmamaneho ng sasakyan, hindi ko maiwasang mag isip na naman ng bagay. Sayang ba kami? I think it's okay to distance myself but I don't think it's okay to hurt someone.

Iniwan ko siya for my own sake. Parang ang insensitive ko sa part na iyon, sarili ko lang ang iniisip ko. Kung hindi ko deserve ma stress sa mga bagay katulad ni Don Maximo, mas lalong hindi deserve ni Xandrei maiwan ng walang rason.

Mahal ko pa rin siya. Noong last kaming nagkita, sa isang park. Hindi ko alam kung paano niya ako natunton, hinanap niya ba ako o hindi dahil may iba siyang pinupuntahan sa lugar na iyon. Malayo iyon sa bayan namin.

Napabuntong hininga lang ako at huminto sa parking lot. Pumasok ako sa Martel U na wala nang mga estudyante dahil holiday bukas. Madilim na rin ang kalangitan kaya kahit may guards pa, hindi ko maiwasang matakot.

Dumiretso ako sa headmistress's office dahil naiwan ko ang papersheets ng mga athletes. Dapat itong ilagay sa main office para hindi ito mawala or else madidisqualified sila sa darating na intrams.

At sa wakas ay nagawa ko ring ibalik iyon. It took me hours dahil marami sila at iniisa-isa ko pa iyon. Nakakapagod at hindi ko alam kung may magandang mukha pa ba akong maihaharap sa party.

I am walking in peace straight to the hallway. Walang tao, tanging mga guards lang pero nasa labas sila habang ako ay nasa loob pa. Kung malapit lang ito sa mga dormitory, hindi ako matatakot. Pero hindi. May tatlong building pa ang nakapagitan sa Dormitory at kung saan ako ngayon.

Habang nag-iisip, bigla akong nadapa at bumagsak sa sahig. Parang namanhid ang aking katawan at pinulot ang bagay na nasagi ng aking paa dahilan para ako'y bumagsak.

Isang picture frame na basag. Hindi ko maaninag ang mga mukha sa frame dahil madilim kaya agad kong kinapa ang bulsa para kunin ang cellphone ngunit naiwan pala iyon sa sasakyan.

Bakit may basag na frame sa gitna ng hallway? Bumilis ang tibok ng puso ko na tila hindi ako makahinga. Hahakbang na sana ako ngunit biglang may humablot sa aking braso at dumapo sa aking hininga ang panyo dahilan para mawalan ako ng malay.

To be continued...

BRING THEM BACK (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon