Kabanata 10

27 2 0
                                    

Sa isang mansiyon kung saan si Maximo at ang kanyang pamilya ay nakatira. Hindi lang din sila ang namalagi dito, bukod sa mga katulong ay nandito rin si Ginang Trinidad Maurin, kakauwi lang niya galing sa ibang bansa.

Napakalaki at kaaya-aya, para kang nasa isang kaharian. Mga patong ng hagdan dahil sa laki nito at may maraming kuwarto. Hindi mo maiwasang mamangha sa mga estilo nito at mayroon ding mga bagay na kumikinang.

"I don't know, but she's familiar." napakaseryosong tukoy ni Maximo kay Adelise. Nag iisa lang ito sa kanyang opisina at pilit may inaalam.

May kinuha siyang isang papel sa drawer at may tinitignan doon. Isang papel kung saan nakalagay ang ibang impormasyon tungkol kay Adelise.

Hindi ko alam kung saan kaba talaga nanggaling, hindi rin ako naniniwalang galing ka ba talaga sa Zhen. Napakapamilyar...

"Dolor?!" sigaw niya habang may tinatawag. Wala pang segundo ay nasa tabi na niya ang personal secretary na si Dolor.

"Ano po iyon, sir?"

"May nakuha kana bang bagong impormasyon?!" singhal ni Maximo.

"T-Tungkol saan po, sir?" tanong nito, dahilan para mapasigaw si Maximo. Natakot naman si Dolor at walang magawa kundi takpan ang bibig.

"Sino paba?! Edi ang babaeng Zhen!"

"Ah opo sir, opo! Andito po," nagmamadali niyang kinuha ang isang pahina at agad na binigay iyon.

Tinignan naman niya ang nasa papel. Meron siyang hindi maintindihan, kaya tinanong niya ulit si Dolor.

"Can you explain this?!" nilinaw naman ni Dolor ang boses saka nagsalita.

"Tinanong po namin kanina sa mga magulang niya kung totoong anak ba nila iyon. Pero ang sabi nila ay, oo daw--"

"And then?!"

"Hindi po kami naniniwala, kaya hiningi namin ang birticif--b-berc--birth certificate! Niya po."

"At ano ang dahilan niyo?" kunot noong si Maximo.

"Kailangan lang daw po ng Martel. Iyon lang po at pumayag naman sila." tugon nito at nanatiling tahimik si Maximo habang may iniisip. Maya maya ay napahinga siya ng malalim, bago nagsalita.

"Thankyou, at makakaalis kana." huling aniya at sinunod naman iyon ni Dolor.

Ngayon ay nag iisa na lang siya at nang masanay sa ginagawa ay napatingin siya litrato ng anak niyang si Xandrei. Nag iisa lang at nakasuot ng pormal.

Sa litratong 'yon, napakabata pa niya at makikita doon ang tunay na saya ni Xandrei. Biglang nag iba ang pakiramdam niya at parang naaawa. Pero sa halip na damdamin iyon ay isinatabi niya at iniling ang sarili para mawala ang naramdaman.

"Too bad there's no more way you can go back to the past, Xandrei."

---
Adelise's

GUMISING KAMI NG madaling araw para gawin ang dapat na gawin. Nakahanda na ang dapat handain, maging ang lubid ay handa na rin. Hindi ko alam kung paano nila gagamitin iyan.

HAHAHAHA

"Paano gagamitin ang lubid na 'yan?" takang tanong ni Yara, ngunit umiling lamang si Yeli at kinuha iyon.

BRING THEM BACK (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon