Alas-syete ng gabi akong nakarating sa Restaurant na sinabi ni Yeli. Nasa labas pa lang ako nang makita ko ang dalawang nagtatawanan. Nandoon si Yara na nakatingin sa laptop niya habang namumula ang mukha kaya na curious akong pumasok doon.
Ang restaurant na ito ay matatagpuan sa rooftop. Ilang minuto ang inabot ko nang makalabas na sa elevator, kasi naman 6 storey building kasi ito na pagmamay-ari ng parents ni Yeli. Mukhang si Yeli na rin ata ang namamahala nito. Ang tanging alam ko lang ay siya ang nagmamay-ari ng restaurant.
"Woa, after 5 years." Abot tainga ang ngiti ni Yeli sa akin. Hindi maipaliwanag ang mukha ko kung bakit walang tao or costumers ang restaurant niya. Kung makabati rin siya sa akin ay parang ngayon pa lang kami nagkita muli, palagi naman kaming kumakain sa labas.
Ngumiti ako sa kanila.
Lumapit si Yara sa akin at inakbayan ako, "We suggest it will be fun to have a simple celebration," tumingin siya kay Yeli at tumango naman ito bilang pagsang-ayon.
"Why? It's a good idea but for what?"
Sabay na umiling ang dalawa, "For our achievements, Ofcurse-" ani Yara at bigla namang sumulpot si Yeli.
"At saka, tama ka, Palagi nating na appreciate mga achievements natin, napalago ko ang business ng parents ko at nadagdagan naman ni Yara ang reputation ng hotel nila..." Agad naman nagsalita sa Yara, "But it's really special to have a party, sagot na namin ang settings. Sa pinagsamahan natin hindi pa tayo nakakapag sleepover-"
Pareho kaming napatingin ni Yeli kay Yara.
"Parang di naman tayo nagsama sa iisang dorm ah?" Naloloka ang mukha ni Yeli, tsaka lang napansin ni Yara at napailing na lang kaming lahat.
Sa huli ay tumango ako. "Btw, Anong ganap niyo sa laptop kanina?" Nagbago naman ang reaksiyon nila at namumula ang mukha. Napatingin ako sa laptop na naiwan sa kabilang table.
"Nag fefacetime lang." Agad akong lumapit doon. "We forgot to tell you our twin boyfriends." dali daling umupo si Yara para kausapin ang magkamukha na foreigners. They look good ah. Lumapit naman ako doon habang si Yeli naman ay bitbit ang tray na may mga putahe at inilapag iyon sa lamesa.
"Calvin and Carlo, this is our friend Adelise." pinakilala nila ako sa kanila. Si Calvin ay nakasuot ng blue tshirt while yung Carlo naman ay green. Nagpapakilala kami sa isa't isa and I found them very interesting, kaya pala sa kanila bumagsak ang parang kambal ko ring kaibigan na dati'y nandidiri sa love.
Natapos ang gabi na silang dalawa ang huli kong nakausap at nakakagaan 'yon ng loob. Kinabukasan, gumising ako nang madaling araw dahil may sadya si tito Alex sa akin.
"Pasensya kana, hija kasi may pupuntahan na naman ako sa ibang bansa," ani tito Alex bago ito makaupo sa upuang gawa sa kahoy. Nasa terrace lamang kami sa maliit niyang bahay kung saan ramdam mo ang simoy ng hangin. "Ngayon lang ako nakakahanap ng oras para makausap ka."
Tumango ako. "Ang totoo, tito Alex. Ano pa po ang dapat nating pag-usapan maliban kay Don Maximo" tanong ko nang biglang bumilis ang tibok ng aking puso dahil ramdam kong may sasabihin siyang konektado sa aking pinagdaanan.
Seryoso lamang ang mukha ni Tito Alex ngunit parang may gusto siyang sabihin sa akin. Bigla kong naalala na siya pala ang ama ni Caldence. Sa totoo lang ay gusto ko rin siyang kumustahin tungkol sa nagiging buhay niya noong nawalan siya ng pamilya.
"I'm sorry to ask this but I need to know kung nandyan pa ba si Caldence sa puso mo?" Bigla akong napayuko sa tanong niya. Hindi man ito dapat itanong ngunit kailangan ko atang sagutin ito. Kahit mismong sarili ko rin ay malabo para sa akin.
BINABASA MO ANG
BRING THEM BACK (Completed)
General FictionLosing a friend is like losing a gem. But she lost more than a friend including her family and their own institution. Martel University, the effect of her family's hardwork that is now carried by a wrong hand. Moreover, she can't also accept that he...