MAY NATANGGAP akong message galing kila Nanay at Laurene kanina. Hindi ko maiintindihan ang mensahe nila. Bakit gusto nila akong umuwi?
Kanina pa 'ko dito sa labas ng Martel at may inaantay. Inaantay ko ang mga kaibigan ko na sina Laurene at Ryan. Madaling araw pa akong tumungo rito, pero hanggang ngayon ay hindi pa rin sila dumating. Nasa labas ako ngayon sa milktea shop, naglalaway na nga ako dito eh. Ba't pa ba kasi dito ang settings na sinasabi nila!
"Psst!" parang may tumawag sa 'kin, pero paglingon ko sa likod ay wala namang tao.
"Psst! Hoy! Andito kami sa gilid!" pamilyar ang boses niyon kaya agad naman akong lumingon sa kanan. At doon ko nakita sila Ryan at Laurene na kumakaway sa 'kin.
"Gee, what took you so long?" usal ko at umiling naman ang dalawa.
"Girl, we miss you! Ano? Marami bang gwapo doon?" nakangising giit ni Ryan na parang uhaw na uhaw sa lalaki. Tinaboy ko naman siya sa pagitan ng pag kaway ko sa aking mga daliri.
"M-maram--" hindi nila ako pinatapos, dahil pati si Laurene ay biglang tumili.
"Owemji! Owemji! Buti pa diyan, ayaw ko na sa dating school natin kase kaunti lang ang mga gwapo." ani Laurene habang nakapamewang. Sumang-ayon naman ang bakla sa kanya bago magsalita.
"Oo nga, attitude pa nga eh mga pulubi nama--"
"Hoy! Tumigil nga kayo sa mga gwapong 'yan. Hindi ba't nandito kayo para may sasabihin? Hindi para sumigaw-sigaw diyan!" naiiritang wika ko at agad naman nilang tinikom ang kanya-kanyang bibig. Ilang sandali ay huminga ako ng malalim at muling nagtanong sa kanila. "Ano ang sinasabi niyo na nanganganib ang buhay ko sa loob ng Martel--?"
Bigla namang sumigaw si Ryan, "Ay, oo nga pala! Ayaw ko nang mag-aral diyan kasi mapanganib!"
"Bakit nga?!" singhal ko pero si Laurene na ang sumagot. Lumapit siya ng kaunti sa 'kin at may binulong na kami lang tatlo ang makakarinig.
"Nakikiusap si tita sa 'min upang sabihin 'to sa 'yo. At sa totoo lang, wala kaming alam basta importante daw 'to." panimula ni Laurene. "May gustong dumukot sa iyo noong isang gabi habang naglalakad ka lang mag-isa. Pero ayon kay sir Zhen, may isang lalaki daw ang nagpatigil sa masasamang taong iyon. At dahilan para ligtas ka ngayon. " natigilan ako sa kaniyang sinabi.
"Wait, wait, wait! Paano kayo nakasisiguro? Nakita niyo ba ako noong gabing iyon? At bakit alam niyo ang ginagawa ko? Kilala niyo ba kung sino ang lalaking iyon?" naguguluhang tanong ko. Baka nakita rin nila kami ni Kazimir sa isang puno, baka ma issue na naman. Huminga ng malalim si Ryan, bago sumagot.
"Syempre, hindi namin nakit--"
"Ehh hindi naman pala ei--"
"Pero! Si sir Zhen mismo ang nakakita. Nasa concert kasi kami ng asawa namin sa gabing iyon. Tatay mo mismo girl, I know this is serious. Tbh, they're not able to say this to you. Kasi si Sir ay pumunta kanina sa seminar--" Si Ryan.
"Oo, alam kong nasa palawan siya ngayon. Naiintindihan ko, pero doon talaga ako naguguluhan kung bakit nga ba may gustong dumukot sa 'kin? May kinalaman ba ang university dito?" usisa ko at napayuko naman sila.
"Hindi iyan nasabi ng nanay mo kahapon. Pero malakas ang kutob namin. Wala naman kaming kinalaman, pero,"
"Nag-aalala kami sa 'yo. Delikado na ang panahon ngayon," dugtong ni Laurene sa sinabi ni Ryan. Parang biglang gumaan ang pakiramdam ko matapos kong marinig ang pag-aalala nila.
Nginitian ko ang dalawa at pinapakitang okay lang ako. "Salamat,"
"Walang anuman," bigkas ni Ryan at lumapit naman sa 'kin si Laurene.
BINABASA MO ANG
BRING THEM BACK (Completed)
Художественная прозаLosing a friend is like losing a gem. But she lost more than a friend including her family and their own institution. Martel University, the effect of her family's hardwork that is now carried by a wrong hand. Moreover, she can't also accept that he...