Kabanata 26

34 3 0
                                    

May mga bagay talaga akong hindi maiintindihan, kagaya ng pinag-uusapan nila dito ngayon sa silid tanggapan.

Pagkababa ko rito kanina ay nandito na pala si tatay, pero siya lang mag-isa. May pinuntahang meeting daw sina Agnes at kasama si nanay.

"Hindi na talaga makakalagpas sa akin ang Maximo na 'yan." wika na lola Trinidad at parang sabik na sabik nang sampalin si Don Maximo.

"Diba rito rin nakatira ang asawa at anak niya?" usisa ni tatay at tumango naman si lola Trinidad. Biglang nagsalita si tito Alex dahilan para mapunta sa kanya ang aming atensiyon.

"Kailangan manalo tayo bukas para makuha niyo ang karapat dapat na sa inyo." aniya at tumingin sa kabuuan ng mansiyon.

Hindi ko alam kung tama ba ang idea ni tito, paano naman sina Kazimir at Xandrei? Saan na sila titira? Lalo na't may anak na si Kazi, baka mahihirapan pa sila.

"Okay ka lang ba, anak?" tanong ni tatay na nasa tabi ko.

"N-nag-aalala lang ako sa magiging kalagayan ni Xandrei at sa kaibigan ko 'tay." tugon ko. Narinig ko naman siyang hindi nagsalita kaya tumayo na lang ako dahilan upang mapalingon ang lahat sa akin. "Punta lang akong kusina." At iniwan ko sila na hindi man lang pinakinggan ang sagot nila. Matik na kasi 'yon.

Isa lang naman ang nais ko, ang malaman ang katotohanan.

Pagdating ko sa kusina ay doon ko naabutan si Xandrei na nakatalikod sa'kin habang kumukuha ng tubig sa water container. Tahimik at wala siyang kaalam-alam kung sino ang nasa likod niya. Bigla naman akong napangiti ng nakakaloko at dahan-dahang lumapit sa kanya, saka ko siya tinulak.

"Holy guacamole!"

Bulalas niya matapos ko siyang gulatin. Ako naman ay parang mamamatay na sa kakatawa. Hindi ko lang makalimutan ang reaksiyon niya, parang pusa na nawalan ng kaluluwa. HAHAHA

"Aaaahh! Ginugulat mo ako, babe!" tampo ni Xandrei at mas lalo namang bumuka ang bunganga ko sa kakatawa.

"Cute but dangerous, hmm?" Tumango-tango ako at pansin ko naman kung gaano siya naaasar.

"Sa susunod huwag mo nang ulitin iyon."

"Bakit?"

"Anong bakit?"

"Takot ka bang tawaging bakla?" pangungulit ko at nagsalubong naman ang makakapal niyang kilay.

"Sino ba naman ang matutuwa no'n--"

"Ako, bakit?"

"Hindi ako takot na tawaging--"

"Ano?" asar ko pa,

"Kasi lalaki ako--"

"What?"

"Aahh! Basta mahal kita, okay? Kaya pwede bang tumahimik kana?" paghinto niya sa usapan at tumahimik naman ako. Siya ay nakayuko para lang tingnan ako, at ako naman ay nakataas ang tingin dahil sa tangkad niya. "Kahit pa bakla ako ngayon, mamahalin pa rin kita."

Nanlaki ang mata ko at hindi makapaniwala sa sinabi niya. My eyes sparkled.

"Sooo... Bakla ka talaga?"

Napaface-slap si Xandrei dahil sa sinabi ko.

Ilang segundo ay biglang nag ring ang phone niya na ikinabalik ng katinuan ko. "Excuseme," sambit niya at ngumiti sa'kin saka iniwan ako mag-isa sa kusina.

Napangiti na lang din ako at napagtantoang para akong ewan kanina. Nahihiya tuloy ako. Hindi ko alam pero parang may sinabi si Xandrei sa'kin kanina. Hindi ko lang matatandaan kung ano ang naging tawag niya sa'kin. 'Bake' ba 'yon?

BRING THEM BACK (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon