Pagmulat ko pa lamang ng aking mga mata, naramdaman ko na agad ang sakit nito. Parang konektado ito sa utak ko kaya masasabi kong masakit ang aking ulo. Unang bumungad sa akin ang kayumanggi na kisame na gawa sa kahoy.
Nagtaka ako kung nasaang lugar na naman ito. Mukhang mabuti naman ang aking katawan, maliban sa ulo ko. Humiga ako ulit para magpahinga.
Parang may gumugulo sa aking utak na hindi ko malaman kung ano, kaya't ipipikit ko sana ang mga mata nang may biglang pumasok na isang lalaki sa kuwarto dahilan para mapatindig ako.
Parang may katandaan na siya at katulad lang ni tatay. May dala itong isang mangkok na umuusok at sapat na para maamoy ko ang bango ng ginataang manok.
"Maayos na ba ang pakiramdam mo, hija?"
"Sino ka?!" Napansin ko naman siyang ngumisi at hindi makapaniwala sa nasabi ko. Inilagay niya ang mangkok sa lamesa na nasa gilid ko at muling tumingin sa 'kin.
"Hindi mo na ba ako matatandaan? Mabuti pa ang anak ko, natatandaan mo pa." Kumunot ang noo ko dahil sa tugon niya, hindi kaya...
"Tito Alex?" Sagot ko habang nakataas ang parehong kilay. Ngumiti naman siya sa akin ay kumaway-kaway.
Hindi ako makapaniwalang nag-eexist pala si Tito Alex sa mundong ito. Matagal tagal na ring hindi ko siya nakita at nagsimula iyon pagkatapos ng aksidente. Napakabait niya at isa siya sa matalik na kaibigan ng Dad ko, kaya nagkakilala kami ni Caldence.
"Ayos lang po ba kung tatanungin ko kayo?" tanong ko sa kanya pero lumingon naman si tito sa mangkok na nasa gilid ko at nagsalita.
"Humigop ka muna ng sabaw, tiyak na kailangan iyan ng iyong katawan." wika nito at kinuha ko naman iyon saka humigop ng sabaw. Wala akong trust issues kapag kay tito Alex dahil magkaiba sila ni Don Maximo.
"Bakit po hindi na kayo nagpakita matapos ang pangyayari?" panimula ko saka muling humigop ng sabaw.
"Hindi naman sa natatakot, pero ayaw kong mamatay." Napaangat ako ng tingin dahil sa sinabi niya. "Dahil may hahanapin ako at alam kong siya lang ang makakatalo sa kasamaan ni Don Maximo." May kahulugan ang tingin niya sa 'kin at iyon ay kakailanganin niya ako.
Pero hindi pa ako handa, sana hindi na mabuhay si Maximo na iyon para hindi na mas magulo.
"Alright! Bumalik kana doon sa Martel, hija. Siguradong hinahanap kana ng mga kaibigan mo. Basta kung oras na, huwag mong kalimutang lumapit dito."
Iyon ang naging bilin ni tito sa akin matapos ang oras na iyon.
PUMASOK ako sa klase kahit na maraming nagagalit sa akin. Hindi ko inaakalang pati sa loob ng Martel University umabot ang issue tungkol kay Don Maximo. Nakakalungkot lang sa part na ayaw kong lumapit kila Yara dahil nahihiya ako, rinig na rinig na ako ay isang mamamatayng tao.
Bumuntong hininga na lamang ako at hinayaan ang kanilang mga bulong-bulongan. Nang makalapit na ako sa pinto ay agad akong pinigilan ni Mrs. Quezada para pumasok.
"Bakit nag-aaral kapa dito?" Sa tanong niyang iyon ay doon ko na namataan si Xandrei na nakayuko lang sa armchair.
Nakakahiya dahil lahat ng mga kaklase ko ay nakatingin sa akin pati na rin ang aking mga kaibigan. Pero wala akong paki dahil hihinto at hihinto pa rin kay Xandrei ang mundo ko. Ang naramdaman ko ay ang pagkirot ng aking puso, bakit siya ganyan?
"Ano? Excuse kana, I'll give you extra points, basta huwag ka na lang pumasok dit--" Hindi natapos ni ma'am ang sinabi niya nang biglang tumayo si Yara.
"Ma'am, hindi po mamamatayng tao ang kaibigan namin!" sigaw niya dahilan para mapunta sa kanya ang atensiyon ng lahat, maliban kay Xandrei. Nagsalubong naman ang kilay ni Mrs. Quezada,
BINABASA MO ANG
BRING THEM BACK (Completed)
General FictionLosing a friend is like losing a gem. But she lost more than a friend including her family and their own institution. Martel University, the effect of her family's hardwork that is now carried by a wrong hand. Moreover, she can't also accept that he...