Kabanata 24

37 3 0
                                    

Nakasakay kami sa kotse na pagmamay-ari ni Xandrei nang bigla na lang nag ring ang phone ko. Nagulat naman ako dahil galing ito sa unknown number.

"Sino 'iyan?" singit ni Xandrei habang busy sa pagmamaneho. Hindi naman ako sumagot at sa halip ay inuuna ang tumawag.

"Hello?"

["I miss your voice, hija..."] Biglang nanginginig ang kamay ko matapos marinig ang pamilyar na boses ng isang lalaki.

Napaangat ako ng tingin kay Xandrei at nagtama ang paningin namin. Hindi ko alam kung dapat pa ba naming ituloy ito para kay tito Alex.

"S-sino po ito?" Hindi ko maitago ang takot sa boses ko sapagkat alam ko na kung sino siya.

["Bilisan niyo na ang pagpunta dito kung ayaw mong mawala ang nag-iisang ama ng patay mong kaibigan."] Nang marinig ko iyon ay bigla na lang nag-iba ang aking pakiramdam,

"Si Don Maximo ba 'yan?!" sabad ni Xandrei at kunot-noong napatingin sa phone ko. Nag-aalinlangan akong tumango dahilan para agawin niya iyon habang nagmamaneho. Hindi ko maiwasang matakot sa lagay namin.

"Pakawalan mo na siya, Don Maximo... WHAT?! Oh! you already said it... We don't care--Shit!"

Nabigla ako nang hininto ni Xandrei ang kanyang kotse dahilan para mapauntog na naman ako sa windshield. Napanguso ako at sinamaan siya ng tingin habang nag-aantay sa sagot niya.

"What was I just heard?" pagtataas ko ng kilay. Bumuntong hininga naman siya bago niya magawang magsalita.

"We can't go there." Sa pagkabigkas niyang iyon ay pansin ko na ito ang buong desisyon niya.

"Ano?! Paano na ang dad ni Caldence?"

"Look, if we'll try to save him, then your life will be near in danger," Lumingon siya sa 'kin bago niya ipagpatuloy ang salita, "What if marami pala sila doon? At dalawa lang tayo? We should better ask for help--"

"Xandrei, hindi mo lang talaga alam kung gaano siya ka importante sa sitwasyong 'to. Ikaw na rin naman ang nagsabi na kaya nating lumaban kahit dalawa lang tayo. Pinapakita mo ring wala kang pakialam sa taong iyon..." Lumabas ako sa kotse at padabog na sinara ang pinto. Ayaw ko talaga sa mga taong duwag, kung ayaw niya akong samahan dahil natatakot siya, edi gawin ko na lang ito mag-isa.

Biglang may humawak sa braso ko at parang pinipigilan ako sa paglalakad. Saka ko lang nakita siya nang lumingon ako. "It's not that wala akong pakialam sa kanya. Ang tanging gusto ko lang ay ang kaligtasan mo, pwede ka nilang kunin sa 'kin. Kailangan natin ng back-up-"

"NO, XANDREI!!!" pagpipigil ko sa kanya. "I don't want to mess up with this. Mas mabuti na kung tayo lang, at kung hindi mo pa rin ako naiintindihan, umalis ka na lang dahil ililigtas ko siya mag-isa."

Iniwan ko siya sa gitna ng kalsada kung saan wala masyadong mga kotse na dumaan. Napansin ko namang hindi siya sumunod sa 'kin habang unti-unti na akong humakbang papalayo sa kanya. Bahala siya kung hindi niya 'ko kayang pakisamahan. Basta kailangan kong mailigtas ang dad ni Caldence.

Nagpatuloy lamang ako sa paglalakad at hindi nagtgagal ay nagulat na lang ako dahil sa biglang paghinto ng isang lamborghini sa aking harapan. Tumambad sa harapan ko si Xandrei at parang napipilitan ang kanyang reaksiyon.

"Fine," sambit niya dahilan para mapangisi ako.

MADILIM at nakakakilabot ang dinadaanan naming dalawa ngayon. Bigla-bigla na lang bumalik ang bigat at takot na nararamdaman ko. Kakaiba ito kompara kanina, mas lalong lumalala ito.

"Saang lugar ang sinabi nila?" tanong ko pero seryoso pa rin ang mukha niya.

"Dito, dito sa madilim na lugar na 'to." tugon niya at binuksan ang kotse saka bumaba doon. Agad naman akong sumunod sa kanya at bumaba rin ako sa kotse.

BRING THEM BACK (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon