Kabanata 17

25 3 0
                                    

Pangatlong araw ko na dito sa bahay pero hindi ko naisipang bumalik sa dati kong pinag-aralan. Bigla kong naalala na bukas na pala ang pinakahihintay ng lahat ng mga estudyante sa Martel University. Bukas magaganap ang Masquerade Ball Party na matagal nang pinaghandaan nila Yara.

Bigla tuloy akong nalungkot tungkol sa kanila. At bukod doon, hindi rin ako makakapunta sa party dahil may importante akong gagawin. Hindi na ako nag-aaral doon kaya alam kong bawal ako makisali.

Ang party na pinag-usapan ko ay para lamang ito sa mga estudyanteng matagal nang nag-aaral sa Martel. Bawal ang mga baguhan na katulad ko, at ina-anunsyo 'yon ng mga staffs sa kanilang Fb page kahapon lang. Puro tungkol sa party ang laman ng aking news feed kaya'y hindi na ako nagtagal sa pag browse.

"Sigurado ka bang safe 'yang pupuntahan mo, anak?" naging usisa ni tatay dito sa hapagkainan,umagahan pa lang namin. Tipid lang akong tumango habang ngumunguya,

"Bakit, ate? Saan ka pupunta?" singit ni Agnes bago sinubo ang saging, ngunit napailing lamang ako.

"Labas kana doon, Agnes." sabat ni nanay at kumuha ng isang tilapia. Humigop ako ng sabaw nang biglang magsalita si tatay.

"Ah, sya nga pala, anak. May kilala ka bang nagngangalang Xandrei?" usal niya dahilan para mapaso ako sa init ng sabaw ng tinola. Naging alerto naman silang lahat ngunit sinenyasan ko silang okay lang ako.

"Hindi ko na sana tinanong 'yon," ani tatay pero umiling naman ako at ngumisi.

"Ok lang po, tay. A-aa...b-ba't niyo po n-natanong?" nauutal ako, pero nagpatuloy lamang siya sa pagkain at ilang sandali ay uminom siya ng tubig, bago sumagot.

"Sagutin mo nalang ako, kilala mo ba siya?" ulit niya at nagulat naman ako. Pero sa halip na magsalita pa ay pasimple lamang akong tumango. "Kaano-ano mo siya?!" biglang sigaw ni tatay dahilan para magulat sila nanay, pati na rin si Agnes. Maging ako ay natakot, baka magkaaway sila ni Xandrei, paano na? Bawal kami sa isa't isa.

"Baka boyfriend ni Ate--"

"Ano?!" naging sigaw din ni nanay at agad naman akong tumayo sa hapag at nagsalita.

"Kaibigan ko po siya, tay! Anak siya ng may-ari ng unibersidad kung saan ako nag-aaral ngayon. A-at...w-wala kaming p-pakialam sa isa't isa." tugon ko at sinadya ko rin ang pagkadiin ng salitang 'may-ari' na binanggit ko kanina. Nagulat naman ang reaksiyon ni nanay, pero hindi kagaya kay tatay na hindi kombinsido sa sinasabi ko.

"I don't believe you didn't care for each other." iyon ang wika niya at biglang tumayo na mas lalong ikinagugulat ko. Ramdam kong nangangatog ang aking tuhod at kasabay niyon ang aking matinding kaba.

"H-hello?"

Bigla akong natigilan pagkatapos kong marinig ang pamilyar na boses na iyon galing sa cr na ilang metro lang ang layo sa likod ko. Lahat sila ay nakangiting lumingon sa may likuran ko maliban na lang sa 'kin, hindi ko magawa iyon dahil malakas ang kutob kong kilala ko siya.

"Goodmorning, hijo. Ang tagal mong gumising ah?" ngiti ni nanay sa lalaking iyon. Napapikit na lamang ako ng aking mga mata,

"Oh? Anong ipinikit pikit mo diyan, Adelise? Diba sabi mo wala kayong paki sa isa't isa? Pero bakit sinundo ka niya rito? Miss ka na daw niya, Tama ba, hijo?" baling niya doon sa lalaki kaya kinuha ko na ang pagkakataon upang lumingon sa lalaking iyon dahilan ng aking sigaw.

"ANONG GINAGAWA MO DITO?!" nanlaki ang mata kong tumambad si Xandrei sa harapan ko.

"Adelise! Huwag kang magtaas ng boses sa harap ng pagkain." sita ni nanay. Para kasi akong dragon kanina nang makita ko ang mukha ni Xandrei.

BRING THEM BACK (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon